You are on page 1of 8

Guro Baitang Ikatlong Baitang

Grade 3

DAILY LEARNING LOG

Araw at Oras ng Pagtuturo M/W 10:30 - 11:30 Lugar ng Pagkatuto Filipino

Quarter

I. LEARNING OBJECTIVES Sa pagtatapos ng aralin, ang 80% ng mga mag-aaral ng Ikatlong Baitang Seksyon Abokado ay
inaasahan na:

A. nakikilala kung ano ang ibig sabihin ng pandiwa;


B. mapahalagahan ang gamit ng pandiwa sa pangungusap;
C. makabuo ng makabuluhang pangungusap na nagsasaad tungkol sa pandiwa.

II. PAKSANG ARALIN Pandiwa

III. SANGGUNIAN Aklat sa Filipino

IV. MGA KAGAMITAN Flash cards, manila paper, marker, speaker, at panturong biswal
V. MGA PAMAMARAAN Teacher’s Activities Student’s Activities

A. Elicit PAGBATI
 Babatiin ng guro ang kanyang mga estudyante
pagpasok niya ng silid-aralan.
PANALANGIN
 Aanyayahan ng guro ang lahat na tumayo
para sa panalangin.
Maraming salamat po Panginoon sa mga aral na
inyong itinuro sa pamamagitan ng aming guro. Aming
hinihiling na sana magkaroon pa kami ng kalakasan
at katatagan upang muli naming mapagyaman ang
aming kaisipan. Pinupuri ka namin at
pinasasalamatan sa biyaya ng karunungan. Amen.
PAG CHECK NG ATTENDANCE
-Babanggitin ng guro ang pangalan ng bawat
estudyante upang malaman kung kompleto ba sila o
hindi.
REVIEW
Magtatanong ang guro kung ano ang naalala ng mga
estudyante sa nakaraang leksiyon. 
-Ano ang tinalakay natin nakaraan?
-Ang Panuto ay nangangahulugang mga tagubilin,
gabay o deriksyon sa pagsasagawa ng mga gawain.
Halimbawa: 
 Piliin ang letra ng tamang sagot.
 Itaas ang dalawang kamay.
 Ipikit ang iyong mga mata.
 Gumawa ng isang malaking kahon at gumuhit
ng maliliit na bituin sa loob nito.
 Isulat ang T kung tama at M naman kung
mali. 
-Ihahayag ng guro nang pahapyaw ang panibagong
aralin na tungkol sa Pandiwa at Ang Aspekto nito.

B. Engage AWIT PAMPASIGLA


Magbibigay ng maikling awit pampasigla ang guro
upang maihanda ang kaniyang estudyante sa bagong
aralin.
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya pumalakpak
Kung ikaw ay masaya pumalakpak
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya pumalakpak
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)
C. Explore -Itatanong ng guro kung anong aksiyon ang
nabanggit sa kanta.
1. Tumawa
2. Pumalakpak
3. Pumadyak

D. Explain IPAKILALA ANG PANDIWA

Ang pandiwa ay salitang nagbibigay buhay sa


pangungusap dahil nagsasaad ito ng kilos o galaw ng
tao at hayop.

Mga Halimbawa ng Pandiwa

 takbo
 alis
 inom
 kain
 iyak
 bigay

at marami pang iba.

Gamitin ang Pandiwa sa Pangungusap

1. Si lolo ay naglalakad.

2. Ang aming guro ay nagtuturo sa amin ng


tamang asal.
3. Si Berna ay sumasayaw.

4. Si Ate ay umiinom ng tubig.

E. Elaborate Ang guro ang gagawa ng kilos at sasagutin ng


estudyante kung anong pandiwa o kilos ito.
 Naglalaba
 Nagtatanim
 Umiinom
 Tumatakbo

F. Extend Magbibigay ng pangungusap na may pandiwa ang


mag-aaral at tutukuyin nila kung anong pandiwa ang
ginamit.

 Ang kabayo ang tumatakbo.


 Kumain ako ng mangga kahapon.

G. Evaluate Magbibigay ng maikling pagsusulit ang guro upang


malaman kung naintindihan ng mga mag-aaral ang
kanilang tinalakay na aralin.

VI. INSTRUCTIONAL DECISION Para sa takdang aralin, bumuo ng 5 pangungusap


gamit ang pandiwa o kilos na ginagawa sa loob ng
inyong tahanan.
VII. REFLECTION 1. Bilang ng mag-aaral na pasok sa
inaasahang standard ng guro.
2. Bilang ng mag-aaral na kailangan ng
remedyal.
3. Bilang ng mag-aaral na nainitindihan
ang aralin.
4. Anong estratehiya ang aking ginamit
na epektibo sa klase?
5. Ano-ano ang mga bagay na kailangan
ko pang pagbutihin?

You might also like