You are on page 1of 12

MASUSING BANGHAY-

ARALIN
SA FILIPINO GRADE 10
Ika-21 ng Pebrero, 2019

Inihanda ni:
MA. THERESA B. ESCOBIDO,LPT
Guro sa Filipino
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

I. LAYUNIN:
A. DOMEYN:
 Pakikinig

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
X
Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Maibibigay ang mga kahulugan ng mga matatalinghagang salita sa


kwento;
 Maisasalaysay nang may pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari
mula sa akdang binasa;
 Mapaliliwanag ang kaisipan na nais iparating ng binasang kwento;

C. KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
 Maiuugnay ang karanasan batay sa akdang tinalakay sa pamamagitan
ng repleksyon
II. PAKSANG-ARALIN:

A. PAKSA: “ANG MANGHUHULA” nina David Lockhart


Robertson Lorimer at E.O Lorimer (Maikling
Kuwento mula sa Africa)
B. SANGGUNIAN Batayang Aklat Filipino 10, Pahina 176-180
C. KAGAMITAN Laptop, Powerpoint Presentation, Kartolina,
Panulat, Prodyektor
D. PAGPAPAHALAGA: “Ang ating kapalaran ay wala sa mga baraha at
guhit sa palad,bagkus ito’y nasa ating
kumpyansang mamuhay ng may kahulugan at
ipinaglalaban”
III. PAMARAAN:

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
a.1 Tayong lahat ay tumayo at damhin ang (Ang lahat ay tatayo upang manalangin)
presensya ng Panginoon na pangungunahan ni
Princess.

a.2 Magandang umaga klas? Magandang umaga po guro

a.3 Bago kayo magsiupo ay tiyaking (Pagpupulot ng mga kalat at pag-aayos ng mga
nakahanay ang inyong mga upuan at malinis upuan))
ang inyong paligid.

a.4 Chester maaari mo bang itala ang mga Opo Guro.


lumiban sa araw na ito? (Itatala ang mga lumiban)

a.5 Ngayong umaga klas, ay pupunuin


natin ng kaalaman at kasiyahan ang apat na
sulok ng ating silid.

Kapag handa na kayo sumagot lang kayo


ng Aba Siyempre!
Aba Siyempre!
Handa na ba klas?

B. PAGGANYAK

Klas! Bago tayo dumako sa ating aralin nais


kong ipakita sa inyo ang larawang ito.

Ano kayang tawag sa pelikulang iyan klas? Birdbox po guro.


Tama! Iyan ay ang pelikulang Bird box.
Ngayong umaga ay magkakaroon tayo ng
gawain at ito ay tatawagin nating “BIRD
BOX”
Opo guro
Handa na ba kayo klas?
PANUTO:
Kung gayon, pakibasa mo nga ang panuto Kayo ay magsisilbing si Boy at si Girl. Ang
Arnie. papel na hawak ninyo ay magsisilbing kulay ng
inyong grupo. Ang tangi ninyo lamang
gagawin ay pipili kayo ng kinatawan ng grupo
na siyang manghuhula mula sa bagay na
mahahawakan niya sa loob ng kahon. Mayroon
lamang 30 segundo ang bawat kinatawan
upang hulaan ang mga bagay na kaniyang
makukuha sa kahon. Oo at hindi lamang ang
maaaring isagot ng mga miyembro ng bawat
grupo. Ang pinakamaraming mahuhulaan ang
siyang magkakamit ng karagdagang puntos.
Paalala lamang na ang grupong magsasabi ng
sagot ay mababawasan ng puntos.
Malinaw ba iyon klas?
Opo guro.
Kung gayon, maari na kayong pumunta sa
inyong mga pangkat upang simulan na natin (pupunta ang unang pangkat upang hulaan ang
ang ating unang gawain. bagay na mahahawakan sa kahon.)

MGA BAGAY NA HUHULAAN


Baraha Buhok
Clay/Foam Clay Dice
Susi Bola/holen
Coin/pera

At dahil ang grupong berde ang nanalo sila ay


mabibigyan ng puntos.

Bigyan naman natin sila ng Mahusay Clap! (Isasagawa ang Mahusay Clap)
(isasagawa ng guro at susundan ng mga mag-
aaral.

Ano kaya ang mga bagay na kanilang hinulaan Baraha po ma’am.


klas? Magbigay ng nga isa?

Tama! Ano pa? Pera po ma’am.

Tama! Ano pa ang napansin ninyo? Ma’am buhok po.

Magaling! Subukin mo nga Lady? Dice po maa’am.

Tumpak!

Ngayon upang mas lalo pa ninyong


maunawaan ang ating tatalakayin ay may isa
pa tayong gawain.
At ito ay tatawagin nating 4 Pics, 1 Word, sa Opo guro.
tagalog ito ang tinatawag na 4 na larawan 1
salita “ Pamilyar ba kayo rito klas?

Ano kaya sa tingin ninyo ang mekaniks sa Ma’am, may apat na larawan po tapos sa apat
paglalaro ng 4 pics,1 word? Subukin mo nga na larawan po mayroon lamang isang sagot.
Anna?
MEKANIKS:
Mahusay! Manatili kayo sa inyong mga grupo. Sa
Kung gayon, pakibasa mo nga ang Mekaniks gawaing ito, ipapakita ng guro ang larawan na
Andrea? inyong huhulaan. Ang tangi ninyo lamang
gagawin ay isulat ang sagot sa inyong mini
board at mag-uunahan itaas ito. Ang grupong
makakakuha ng pinakamataas na puntos ay
mabibigyan ng gamtimpala pagkatapos ng
talakayan.

Malinaw ba iyon klas? Opo guro.

Kung gayon simulan na natin. MGA SAGOT


Baraha
Manghuhula
Ngayon, bigyan natin ng Madam Auring Clap Hari
ang grupong nanalo. Alam ba ninyo yun klas? Magnanakaw
Kabayo
Salapi
Kayamanan

(Aktibong makikilahok ang mga mag-aaral)

C. PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Ang inyong ginawa kanina ay may malaking
kaugnayan sa ating paksang tatalakayin
ngayong araw na ito.

Ano ang napansin niyo sa inyong mga nakita o -Ma’am ang akin pong napansin sa aming
ginawa kanina klas? ginawa ay siguro po ito po ay patungkol sa
mga manghuhula o panghuhula.

Magaling! Magandang ideya at iyan nga ang


ating tatalakayin sa araw na ito. “ANG
MANGHUHULA” nina David Lockhart
Robertson Lorimer at E.O. Lorimer na isang
maikling kwento na nagmula sa bansang
Africa.
Naranasan niyo na bang maging isang Hindi pa po guro.
manghula klas?

Kung hindi pa, ngayon klas ay mararanasan


ninyong maging manghuhula.

Handa na ba kayo? Opo, Guro

Kung gayon, pakibasa nga ang panuto? PANUTO:


-Sa gawaing ito, kayo ay magsisilbing
manghuhula, ipapakita ng guro ang ilang mga
pangungusap at huhulaan niyo lamang ang
kahulugan ng salitang ginamit sa
pangungusap. Mahuhulaan ninyo ang tamang
kasagutan sa tulong ng mga salitang nasa loob
ng bolang cristal. Ang grupong may
pinakamaraming masasagot ay siyang
mabibigyan ng pagkakataong buksan ang
sobreng narito sa harapan.

Handa na ba klas? Opo Ma’am.

Kung gayon, simulan na natin.

MGA PANGUNGUSAP:

1. Hindi maganda ang kanyang maghapon Napagtuunan


kung kaya napagbuntunan niya ng init
ng ulo ang kanyang kasambahay. Sinimot
2. Nilimas ng magnanakaw ang kanyang Kapahamakan
mga pinakaiingatang alahas kaya
ganoon na lamang ang kanyang Pangmayaman
panghihinayang.
Nakita
3. Ipinagdarasal niya tuwina na malayo sa
peligro ang kanyang mga anak.
4. Sa labis na katuwaan ng hari,
pinagkalooban niya ang manghuhula ng
salapi, kabayo, at kasuotang SAGOT:
pangmaharlika 1. Napagtuunan
5. Nasulyapan ng dalaga ang binatang 2. Sinimot
matagal na niyang iniiwasan kung kaya 3. Kapahamakan
mabilis niyang nilinisan ang piging 4. Pangmayaman
5. Nakita
At dahil ang grupong asul ang nakasagot ng (Bubuksan ang sobre at bubuuin ang larawan
marami sila ang mabibigyan ng pagkakataong nagupit sa loob nito)
buksan ang sobreng narito sa harapan

Klas ang larawang iyan ay walang iba kundi


ang may-akda ng ating tatalakayin ngayong
umaga na sina David Lockhart Robertson
Lorimer at si Emily Overend Lorimer.

D. PAGTALAKAY SA ARALIN
Ngayon naman ay talakayin natin ang akdang
“ANG MANGHUHULA” nina David
Lockhart Lorimer at E.O. Lorimer na isang
maikling kwento na nagmula sa bansang
Africa.

Si David Lockhart Robertson Lorimer ay isang


miyembro ng British Indian Army, isang
opisyal na pampulitika sa British Indian na
pamahalaan at isang kilalang lingguwista.
Kapanganakan: 1876, United Kingdom
Pagkamatay: 1962
Edukasyon: Royal Military Academy
Sandhurst, Mataas na Paaralan ng Dundee.

Samantala…

Si Emily Overend Lorimer naman ay isang


lingguwistang Ingles, pampulitika analyst at
may-akda, siya ay isang tagapagturo sa
Germanic Philology sa Somerville College
Oxford, Kasama niya ang kanyang asawa, si
David Lockhart Robertson Lorimer
Kapanganakan: 1881
Pagkamatay: 1949

Alamin naman natin kung saang bansa


nagmula ang akda.

Ang bansang Aprika ang pangalawang .


pinakamalaking kontinente sa daigdig at
pangalawa sa pinakamataong populasyon
pagkatapos ng Asya. Ang populasyon ng
Aprika ay ang pinakabata sa lahat ng
kontinente sa mundo

Naintindihan niyo ba iyon klas? Opo guro.

Ngayon ,tayo ay magsasagawa ng dugtungang-


basa. Tatawag ako ng mag-aaral na magtutuloy
ng akdang ating babasahin, ang hindi
makasusunod ay babawasan ng puntos ang
kanilang grupo. Bago iyan, ano nga ba ang Ma’am dapat po hindi nag-iingay
dapat gawin kapag may nagbabasa?

Tama! Ma’am makinig po sa nagbabasa


Ano pa?

Magaling! Ma’am dapat po walang kung ano-ano ang


Ano pa? ginagawa.

Magaling!
Kaya ba ninyong isagawa iyon klas? Opo, Guro

Kung gayon, simulan na natin. (Babasahin ang akda)


E. SINTESIS
Naunawaan niyo ba ang ating tinalakay Opo, Guro
klas?

Kung gayon dumako na tayo sa katanungan ni


Madam Auring na kinakailangan niyong
sagutin. May pinapabigay si Madam Auring sa
inyo na tig-iisang card at sa card na ito ay may
nakapaloob na mga ilang katanungan.

Handa na ba kayo klas?

Maaari bang tumayo ang may hawak na card


para sa unang katanungan?

1. Ano ang ipinapaksa ng akdang ating Ma’am patungkol po sa isang lalaking hindi
tinalakay? marunong manghula at nalagay ang kaniyang
buhay sa isang peligro ngunit kahit na ganoon
na lamang ang kaniyang sitwasyon na kaya
niya pa ring gawin ang kaniyang makakaya
para lamang sa taong mahal niya.
Magaling!
Para sa ikalawang katanungan maaari ka bang
tumayo?
2. Sino-sino ang mga pangunahing Ma’am ang lalaki pong hindi marunong
tauhan? manghula.
Ma’am ang hari po
Ma’am ang prinsesa po
Ma’am ang asawa po ng lalaking hindi
marunong manghula
Magaling!

3. Ano-ano ang kanilang mga Ang lalaking hindi marunong manghula-


katangian? mabait at masunurin na asawa

Ang hari- mapagbigay at matulungin

Ang prinsesa-mapagmataas at matapobre

Ang asawa ng lalaking hindi marunong


manghula-hindi maunawain at walang awa sa
Mahusay! asawa

4. Makatwiran ba ang ginawa ng asawang Hindi po ma’am kasi po alam naman po natin
babae sa kaniyang kabiyak na na masama po ang maghiganti kahit ano pa
pagpanggapin ito bilang manghuhula para man ang nagawa nito.
lamang makapaghiganti? Bakit?

Magaling!

5. Sang-ayon ka ba sa ginagawa ng mga Maam para sa akin po Opo sang-ayon po ako


hari na pagkakaloob ng kung ano-anong bagay sa ginawa ng hari na magkaloob o magbigay
sa mga taong nakapagbibigay sa kanila ng ng kung ano-anong bagay sa mga taong
kasiyahan? Pangatwiranan. nakapagbibigay sa kanila ng kasiyahan dahil
ito po ang nagpapakita bilang pasasalamat sa
kanilang kabutihang nagawa.

6. Kung ikaw ang asawang lalaki, susunod Hindi po maam kasi po gaya na nga lang po
ka ba sa inuutos ng iyong asawa? Bakit? nung sinabi nila na masama ang maghiganti sa
ibang tao at dapat po kahit ano pa man po ang
nagawa nito ay suklian pa rin po natin ng
kabutihan.
Magaling!

7. Sa palagay mo, madali bang magpanggap Maam para po sa akin, opo ngunit sa kabilang
bilang manghuhula? Patunayan? banda nanloloko lamang po tayo ng tao lalo na
kung hindi naman po makatotohanan ang ating
mga sinasabi.
Mahusay na kasagutan!

F. PAGLALAPAT
Ngayon naman klas upang lubos PANUTO:
ninyong maunawaan ang akdang ating Tukuyin mula sa akdang tinalakay ang tamang
tinalakay magkakaroon kayo ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. 5
pangkatang gawain. Ito ay minuto lamang ang ibibigay sa bawat pangkat,
pinamagatang “Natutunan pagkatapos ito ay iuulat sa harapan. .Paalala
ko,ibabahagi ko” lamang babawasan ng puntos ang grupong
maingay. Kung sinong grupo naunang natapos
Narito ang panuto pakibasa nga? ay may karagdagang puntos.

Pamagat:__________________________
Tauhan:___________________________
Tagpuan:__________________________
Simula:____________________________
Gitna:_____________________________
Wakas:____________________________

Opo Guro.
Handa na ba kayo klas?

Ang inyong oras ay magsisimula na. (Aktibong gagawa ang mga mag-aaral)

Natapos na ang inyong oras. Tinatawagan ko


ang unang grupo upang ibahagi ang kanilang (Ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang
natapos. natapos)

G. PAGLALAHAT
Ano ang napulot niyong aral batay sa Maam ang napulot ko pong aral sa ating
inyong karanasan? tinalakay ay dapat pong huwag maghiganti sa
mga taong nagkasala sa atin kahit ano pa man
ang nagawa nito at huwag basta basta
maniniwala sa mga manghuhula dahil tayo po
ang gumagawa ng sarili nating kapalaran.Sabi
nga nila nasa Diyos ang awa, nasa tao ang
gawa.
Mahusay!
H. EBALWASYON
Batid kong naunawaan na ninyo ang
ating paksang tinalakay sa araw na ito.

Para sa inyong huling gawain mayroon


muling ipinapagawa sa inyo si Madam
Auring na kinakailangan niyo muling
sagutin. Ito ay tatawaging
“Salamin,Salamin, Magreplek ka sa
akin.” PANUTO:
Sumulat ng isang sariling pananaw o opinyon
Narito ang panuto. Pakibasa nga? batay sa pahayag na ipapakita. Mayroon
lamang kayong 5 minuto upang tapusin ang
inatas na gawain.

“Ang ating kapalaran ay wala sa mga


baraha at guhit sa palad, bagkus ito’y nasa
ating kumpyansang mamuhay ng may
kahulugan at pinaglalaban”

Opo guro.
Malinaw na ba iyon klas?
(Aktibong gagawa ang mga mag-aaral)
Maaari na kayong magsimula.

Ang inyong oras ay natapos na.


Maaari na ninyong ihulog sa bolang crystal ang
inyong mga ginawa.

I. KASUNDUAN
Bago tayo magtapos sa araw na ito bilangin
ninyo ang mga nakuhang puntos at kung
sinong grupo ang may pinakamataas na puntos
ay siyang magkakamit ng gantimpala.

At dahil ang Unang Pangkat ang nagwagi, (babasahin ng mag-aaral ang nasa loob ng
narito ang inyong kahon ng gantimpala. kahon)
Pakibasa mo nga ang nasa loob ng kahon na KASUNDUAN:
inyong natanggap Alliyah. Basahin at aralin ang Katangian ng Maikling
Kuwento,Sangkap ng Maikling Kuwento at
Balangkas ng Maikling Kuwento

Malinaw na ba iyon klas? Opo guro.


Yun lamang para sa araw na ito.Paalam klas? Paalam din po guro.

You might also like