You are on page 1of 7

Annabella: Isang mapagpalang-araw sa inyo mga mag-aaral ng baitang pito!

Maligayang pagbabalik sa ating birtuwal na klase. Natutuwa ako na muli ko na


naman kayong makakasama sa pagtuklas at paggalugad sa nakakatuwang mundo
ng pagtamo ng bagong kaalaman.
Annabella: Sa araw na ito ay may panibago tayong tatalakaying aralin. Pero bago
iyan ay atin munang ilagay ang ating sarili sa presensya ng Panginoon.
(Insert prayer)
Annabella: Muli isang magandang-araw sa inyong lahat! Maligayang pagdating sa
ating birtuwal na klase. Ako ang inyong guro sa Filipino 7 Bb. Annabella Requilme.
Handa na ba ang lahat upang tunghayan ang bago nating aralin sa araw na ito?
LAYUNIN: Voice 0ver
Sa pagtatapos ng aralin ito ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa damdamin ng tauhan sa
napakinggang bahagi ng akda (F7PN-IVe-f-20)
2. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing
tauhan at mga pantulong na tauhan (F7PB-IVg-h-23)
3. Naisasalaysay nang masining ang isang pagsubok na dumating sa buhay na
napagtagumpayan dahil sa pananalig sa Diyos at tiwala sa sariling
kakayahan (F7PS-IVc-d-20)

Annabella: Ngayon naman klase naranasan niyo na bang maglakbay o magpunta


sa ibang lugar na hindi niyo masyadong kabisado? Katulad ng sa larawan (kukuha
ng video ng gubat) naranasan niyo na ba magpunta sa isang kagubatan na hindi o
sa unang pagkakataon niyo pa lang napuntahan? Ano ang inyong nararamdaman?
Annabella: Oo naman natatakot, bakit tayo natatakot? Dahil hindi natin kabisado
ang isang lugar o siguro wala tayong kasama. Ayan magaling klase!
Annabella: Ngayon ano kaya ang naging karanasan ni Don sa isang lugar na hindi
pa niya napuntahan at ito ay ginawa niya upang mahanap ni ang Ibong Adarna na
inaasahang tutulong o lulunas sa karaman ng kanyang ama.
Annabella: Samahan ninyo ako sa pagtuklas sa pakikipagsapalaran ni Don Juan sa
paghahanap ng Ibong Adarna. Handa na ba ang lahat para sa exciting part ng
talakayang ito? Makinig at manood kayo ng mabuti sa pakikipagsapalaran ni Don
Juan sa lugar na hindi pamilyar sa kaniya.
Annabella: Klase at habang pinapanood ninyo ang video clip nais kong bigyang-
pansin ninyo ang gabya na metrics na siyang gagamitin natin mamaya sa ating
talakayan.
Annabella: Okay, makikita sa metrics na nasa pisara na ito ay nakatuon sa
pagkilala sa isang tauhan o karakter na inyong titingnan o pipiliin mula sa inyong
napanood na video. Ngayon naman klase ay may mga gabay sa loob ng bawat
kahon kung ano ang inyong inaasahang isusulat. At habang pinanonood tiyakin na
naunawaan ninyo ang bawat entries na inyong ipapasok mamaya sa ating
talakayan para malinaw ang lahat. (insert ang metrics sa board)
Annabella: Klase malinaw ba ang panuto na aking inilatag? Okay mahusay! Kaya
ngayon atin nang tunghayan ang maikling video clip na magtatampok sa
pakikipagsapalaran ni Don Juan sa paghahanap ni Don Juan sa Ibong Adarna.
(Pagpapanood ng “Ang Payo ng Ermitanyo)
Annabella: Ngayon klase ano ang nararamdaman ninyo matapos mapanood ang
video? Magaling! Yung iba masaya (mag-iinsert ng emoji na happy) dahil
mayroong nakasalubong si Don Juan ang isang matandang ermitanyo na nagbigay
payo sa kanya kung paano hulihin ang Ibong Adarna. Yung iba naman ay
malungkot (insert sad emoji) dahil sa hirap na dinanas ni Don Juan sa kanyang
paglalakbay.
Annabella: okay, klase bago tayo magpatuloy ay balikan natin yung gabay natin
kanina sa pag-aanalisa ng ating mga tauhan sa araling ito.
Annabella: Para sa ating pag-aanalisa o pagsusuri sa ating tauhan o karakter, ang
gagawain natin ay gagawin lamang sa loob ng isang minuto. Bakit isang minute
lang dahil isusulat niyo lamang sa inyong papel ang susing salita at susing parirala
sa inyong mga kasagutan (isusulat ang panuto sa board)
Annabella: okay klase tingnan natin ngayon ang template ng metrics. Sa unang
kahon ay inaasahang susulat kayo ng katangian ng tauhan na pinili ninyo. (insert
metrics)
Halimbawa kung napili ninyo si Don Juan, ano-anong mga katangian na inyong
nakita kay Don Juan batay sa itinampok na aralin na inyong napanood?
Annabella: Para naman sa ikalawang kahon, isusulat niyo naman ang damdamin.
Ano ang inyong naramdaman hinggil sa araling inyong napanood o mga
pangyayari na inyong nasaksihan.
Annabella: Para naman sa ikatlong kahon, isusulat ninyo ang kilos. Kapag sinabi
nating kilos ano-anong ginawa nang napili ninyong tauhan sa loob ng araling ating
napanood.
Annabella: At sa pang-apat naman na kahon ay isusulat ninyo ang kaisipan.
Inyong ilalagay kung ano kaya ang naisip ng tauhan na inyong napili kung bakit
niya ginawa ang mga kilos sa loob ng aralin.
Annabella: Malinaw ba klase? Kung malinaw na bibigyan ko kayo ng isang minute
para sa inyong mga kasagutan. Tandan…. para hindi kayo mahirapan gumamit
kayo ng susing salita/key words o susing parirala/key phrases. Ngayon ang inyong
isang minuto ay magsisimula na.
(Insert timer)
Annabella: opps klase! Ngayon ang inyong isang minuto ay tapos na. Ngayon
naman tingnan natin ang inyong mga kasagutan. Maaari bang magbahagi kung
sino sa mga tauhan ang inyong napili?
Annabella: Okay magaling! Si Don Juan (insert pics) ngayong pansinin natin kung
anong uring tauhan si Don Juan batay sa araling inyong napanood. Pansinin natin,
anu-anong mga katangian ni Don Juan ang inyong nakita?
Annabella: Magaling! Si Don Juan ay matapang. Yes nak, ano pa? Yes! si Don Juan
ay mapagmahal. Ano pa? Masunurin. Napakagaling klase!Nakita natin kung gaano
kabuti bilang isang tao si Don Juan, nakapahusay klase!
Annabella: Ngayon naman dumako tayo, Ano ang inyong damdamin habang
pinapanood o pagkatapos mapanood ang video clip o ang aralin? (ilagay sa board
ang tanong)
Okay, masaya….malungkot… (emoji ilalagay sad and happy) Bakit ba tayo masaya
at bakit tayo malungkot?
Annabella: Very good! Masaya, dahil sa wakas ay natagpuan at mahuhuli n ani
Don Juan ang Ibong Adarna sa pamamagitan ng tulong ng matandang ermitanyo
na nagpayo sa kanya. Bakit naman malungkot ang iba? Malungkot, dahil sa kabila
ng kabutihan ni Don Juan ay nakuha pa rin ng kanyang mga kapatid na sina Don
Diego at Don Pedro na traydurin si Don Juan para lamang sa kanilang pansariling
interes. (pics ni Don Diego at Don Pedro)
Annabella: Ngayon klase, kung talagang nakikinig kayo ng mabuti.
1. Anu-ano ang mga nakita ninyong ginawa ni Don Juan sa loob ng aralin?
Annabella: Yes tama! Naglakbay si Don Juan kahit hindi siya pinayagan ng
amang hari para hanapin ang ibong Adarna para sa lunas ng sakit ng kanyang
ama. Ano pa?
Yes very good! Sa kanyang paglalakbay ay tinulungan niya ang matandang
ermitanyo na kanyang nakasalubong. Na ito rin ang tumulong sa kanya at
nagpayo kung paano mahanap at mahuli ang Ibong Adarna. Magaling klase!
Annabella: Ngayon naman klase hindi lang natatapos doon dahil iniligtas din ni
Don Juan ang kaniyang dalawang kapatid na naging bato.
Annabella: Ngayon naman kung ating titingnan ano kaya ang iniisip ni Don
Juan bakit niya ang lahat ng bagay na iyon? O kung kayo si Don Juan, bakit
kailangan niyong maglakbay? Bakit kailangan niyong hanapin ang ibong
Adarna? Ayan napakagaling, nais lamang ni Don Juan na mahanap ang ibong
Adarna para mapabuti ang kalagayan ng kanyang ama. Magaling mga klase at
nakuha ninyo lahat ang nais nating makuha sa ating talakayan.
Annabella: Maliban kay Don Juan ay maaari rin kayong pumili ng iba pang
tauhan sa araling inyong napanood. Maaari ninyong kilalanin o kilatisin ang
katauhan ni Don Diego o Don Pedro o maging ang matandang ermitanyona
tumulong kay Don Juan.
Annabella: Tiyak ako klase na bawat isa sa inyo ay may kaniya-kaniya kayong
nagustuhang mga tauhan. Kaya sa gawaing ito nais kung buoin ninyo! May
ibabahagi ako sa inyong pahayag at ang bawat patlang ay inyong pupunan ng
sagot ninyo batay sa inyong naramdaman, batay sa inyong nagustuhan at
batay sa inyong personal na pagpili Makinig kayo klase habang babasahin ko
ang pahayag na inyong bubuoin.
Annabella: (isulat sa board) BUUIN MO!
Batay sa mga aralin, higit kong nagustuhan ang tauhang si………..
Nagustuhan ko siya dahil sa kanyang ……….
Nagustuhan ko siya dahil sa (katangiang ipinamalas)……

Ibig ko itong pamarisan sa aking buhay sa pamamagitan ng (paraan kung


paano ito maia-apply sa tunay na buhay…..
At sa gawaing ito mga bata ay bibigyang ko ulit kayo ng isang minuto. Ang
isang minute ay magsisimula ngayon.
(timer 1 min.)
Annabella: At ang inyong isang munito ay natapos na. Ngayon naman ay nais
kung makarinig ng isang pagbabahagi o isang boluntaryong magbahagi ng
kanyang kasagutan.
Annabella: Okay, magaling! Batay sa inyong isang kaklase ay napili niya ang
tauhang si Don Juan. Magalling! At bakit niya nagustuhan si Don Juan, dahil
ayon sa kanya si Don Juan ay mapagpakumbaba at si Don Juan ay masunurin at
higit sa lahat ay isang mapagmahal na anak at kapatid. Okay, very good klase.
Annabella: Ngayon naman, papaano kaya natin maisasabuhay ang mga
katangian na nakukuha natin kay Don Juan? Titingnan natin, okay magaling! Sa
pamamagitan ng pakikinig natin sa ating mga magulang. Ano pa? Pagtulong sa
ating kapuwa. Ano pa ang pwede nating gawin? Okay ang isang pagiging
mabuting anak at kapatid. Mahusay! At sana nga ay ating maisabuhay iyong
magagandang na ating natutunan mula kay Don Juan. At iyong mga katangian
na hindi masyadong maganda na ipinakita ng kanyang dalawang kapatid. Ano
kaya ang gagawin natin doon? Mahusay, dahil alam natin na hindi iyon
maganda, ibigsabihin ay ibigay natin ang lahat ng ating makakaya na ating
maiwasan na maging makasarili. Ngayon naman ay palakapakan natin ang
ating mga sarili.
(Palapakan effects)
Annabella: Ngayon naman klase nais kung kunin ninyo ang gabay na 3-2-1
chart at ano man ang inyong mga sagot ay isusualt ninyo sa inyong papel at
ipapasa sa susunod na araw kasabay ang inyong mga modules para makita ko
ang inyong mga kasagutan. Anon ga ba ang nasa 3-2-1 tsart. Tingnan natin.
(3-2-1 tsart pics)
Annabella: Sa unang tatlong kahon, isusulat ninyo anu-ano nga ba ang tatlong
kaalaman na inyong natamo mula sa aralin na ating tinalakay sa araw na ito.
Sunod, ang daalwang kahon naman o dalawang espasyo ay susulatan ninyo ng
dalawang bahagi o pangyayari mula sa aralin natin na tumataka sa ating isipan
at puso. At iyong huling kahon naman ay inyong lalagyan ng katanungan na
ibig niyo pang masagot. Ibigsabihin mga klase, kung may bahagi ng ating aralin
na hindi malinaw sa inyo ay isusulat ninyo sa huling kahon.
Annabella: Klase palaging tandan na walang bagay na mahirap abutin kung
gugustuhin at pagpupursigihan. Walang bagay sa mundo na hinagad o ginusto
mong makuha na hindi muna pinaghihirapan. Nangangailangan ito ng
determinasyon na makuha ang pinakamimithi, ng sagisag na magbibigay ng
lakas ng loob na ito ay ipagpatuloy, ng sipag at tiyaga kaakibat ng pagmamahal
para sa taong pag-aalayan at higit sa lahat ng pananalig o pananampalataya sa
itaas. Ayan klase ito na ang pagtatapos ng aking leksyon sa araw na ito.Nawa
ay marami kayong aral na natamo. Muli, ako ang inyong gurong lingkod BB.
Annabella Requilme. At huwag kalimutan na ang pagmamahal at
pagpapawatawad ay kinalulugdan ni Bathala. Maraming salamat.
3-2-1 TSART
3 BAGONG KAALAMANG NATAMO

2 BAHAGI/PANGYAYARING TUMATAK SA AKING PUSO AT ISIPAN

1 KATANUNGANG IBIG NA MASAGOT

You might also like