You are on page 1of 10

MASUSING BANGHAY SA FILIPINO

(Pamaraang Pasaklaw)
I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Napag-iiba ang katotohanan (facts) hinuha (inference), opinion at
personal interpretasyon ng kausap (F8PN-IIId-e-29)
• Naisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag (F8PB-IIId-e-30)
• Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan/nabasa
(F8PD-IIId-e-70)
• Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa radio
broadcasting(F8PT-IIId-e-30)

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Kontemporaryong Programang Panradyo
Sangguinian: MELC Filipino (F8PN-IIId-e-29), (F8PB-IIId-e-30),
(F8PD-IIId-e-70), (F8PT-IIId-e-30) pahina 232
Filipino 8 (Ikatatlong Markahan – Modyul 3)
Kagamitan: Internet, Laptop, Modyul
Estratehiya: Pamaraang Pasaklaw

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. PAUNANG GAWAIN
 PANALANGIN
Magsitayo ang lahat para sa
pambungad na panalangin

(Magtatawag ang guro ng Panginoon salamat po sa panibagong


isang mag-aaral upang araw na ito at sa buhay sa
pangunahan ang panalagin) ipinagkaloob niyo po sa amin.
Gabayan niyo nawa po kami sa mga
gawain na aming gagawin sa araw na
ito. Lalong-lalo na po ang aming guro
na siyang magtuturo sa amin. Nawa
tulungan niyo pong maunawaan ng
bawat isa sa amin ang mga aral na
ituturo ng aming guro. Ito ang aking
dalangin. Amen.
 PAGBATI
Magandang araw sa inyong
lahat klase!

 PAGSASAAYOS NG SILID- Magandang araw Bb. Annabella!


ARALAN
PAGTSETSEK NG LIBAN AT
HINDI LIBAN

Bago tayo magsimula sa


ating klase ay pakirate ang
aking audio 10porsyento
ang pinakamataas at 5
porsyento naman ang
pinakamababa. Nang sa
gayon ay malaman ko kung
ako ba ay inyong naririnig.
(Maglalapag ng sa comment section
ang mga mag-aaral ng kanilang
pidbak sa audio ng guro)
Sa tingin ko ay wala naming
liban sa inyong klase
ngayon dahil kayo ngayon
ay 40 at iyon ang nasa
aking master list. Tama po
ba? Tama po Bb. Annabella.

At paalala lamang sa mga


nais sumagot ay magtaas
lamang ng kamay sa
pamamagitan ng raise icon.
Maaari nawang magbukas
ng inyong camera kapag
kayo ay tatawagin ng guro.

B. PAGSASANAY
Tingnan ang dalawang larawan
sa ibaba.Ano sa palagay ninyo
ang koneksiyon at kaugnayan
nito sa paksa na ating
tatalakayin. Isulat sa comment
section/chat box ang inyong
mga sagot at maaaring gamitin
ang raise icon sa mga nais
sumagot.
Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng radio sa
atin? Masasabi bang malaki ang
naging bahagi ng kasulukuyang
anyo ng radyo bilang midyum ng (Maglalapag ng sagot ang mga mag-
pagpapalaganap ng panitikang aaral sa chat box ng google
popular? Ipaliwanag. (5 puntos) meet/zoom at may iba naman ay
magtataas ng kamay para sumagot
na bukas ang camera)

(Magpapalitan ng ideya ang guro at


C. BALIK-ARAL mga mag-aaral hinggil sa nakaraang
Panuto: Isulat ang TAMA kung paksang tinalakay)
tama ang pahayag at MALI
kung mali ang pahayag.

1. Ang telebisyon midyum sa


paghahatid ng
mahahalagang kaganapan
sa bawat sulok ng bansa.
2. Noong panahon ng batas
military ay lalong
namayagpag ang ang
telebisyon at mga programa
nito.
3. Ang kaisipan,
ugali,kabuluhan at
pananaw ng isang nilikha
aya maaring
maimpluwensiyahan ng
pinanonood ng mga
programa sa telebisyon.
4. Ang Komentaryong
Pnaradyo ay mga palabas
na naglalayong maghatid ng
kmprehensibo at
estratehikong proyekto na
sumasalamin sa
katotohanan ng buhay at
tumatalakay sa kultura at
pamumuhay ng isang
lipunan.
5. Ang mga programang
pantelebisyon ay
maituturing ding isang uri
ng sining na nagsisilbing
libangan at gumigising sa
isip at damdamin ng isang
tao.
6. Ang telebisyon ay walang
kapangyarihan o
impluwensya.
7. Ang I Witness, Repoter’s
Notebook, Reel Time at
Front Row ay ilan sa mga
halimbawang ng
programang
dokumentaryong
pantelebisyon.
8. Ang naghahatid ng
kaalaman at katotohanan
sa bawat mamamayan sa
pamamagitan ng bawat
galaw ng tao sa tunay na
buhay na binibigyang kulay
sa likod ng kamera ay
tinatawag na
dokumentarista.
9. Mahalaga atb mabisang
sangay ng kabatirang
panlipunan, pang-
espiritwal, pangkultura,
pangmoralidad at pang-
edukasyon ang pelikula at
programang pantelebisyon.
10. Sinasabing naaging
bahagi na ng buhay at daily
routine ng mga Pilipino ang
panonood ng mga palabas
sa telebisyon simula
paggising sa umaga at bago
matulog.

D. PANLINANG NA GAWAIN
PAGGANYAK

4 PICS 1 WORD
Paunahan ang bawat pangkat sa
paghula ng isang salitang tinutukoy
ng mga larawan.

(Mga inaasahang sagot)

Lagyan
ng ang pahayag na may kaugnayan
sa radio.

STATUSFACEBOOK
MO, LIKE MO!

STATUS PHOTO ASK QUESTIONS

Naghahati ng musika

Nagpapahatid ng mga
panawagan

Nagpapalabas ng pelikula

Nagpapalabas ng Variety Show

Nagpapakilala ng isang
produkto

Naghahatid ng napapanahong balita

PAGGANYAK NA TANONG
1. Madali mo bang natukoy ang
kahulugan ng radio? Ano -ano
ang mga ito?
2. Masasabi mo bang Malaki ang Handa na po Bb. Annabella!
naging bahagi ng
kasalukuyang anyo ng radyo
bilang midyum ng
pagpapalaganap ng kulturang
Pilipino? Sa anong paraan?

E. PAGLALAHAD
Ang ating aralin sa araw na ito
ay tungkol sa
Kontemporaryong Programang
Panradyo. Handa na ba kayong
matuto tungkol sa paksang
tatalakayin natin ngayong
araw.

(Magpapaliwanag ang Guro


tungkol sa paksa)
 Ang komentaryong
panradyo ayon kay Elena
Botkin – Levy, Koordineytor,
ZUMIX Radio; ay ang
pagbibigay ng oportunidad
sa kabataan na maipahayag
ang kanilang mga opinyon
at saloobin kaugnay sa
isang napapanahong isyu, o
sa isang isyung kanilang
napiling talakayan at
pagtuunan ng pansin. Ang
pagbibigay opinyon ayon
kay Levy ay makatutulong (Inaasahang sagot)
nang malaki upang ang
kabataan ay higit na maging
epektibong tagapagsalita.
Ayon pa rin sa kaniya, ang
unang hakbang upang
makagawa ng isang
mahusay at epektibong
komentaryong panradyo ay
ang pagkakaroon ng
malawak na kaalaman sa
pagsulat ng isang sanaysay
na naglalahad ng opinyon o
pananaw.

Sino ang maaaring


makapagbigay ng
halimbawa ng panradyong
balita?

Tama ka, mahusay!


Ngayon tatalakayin natin
ang tungkol sa mga
sumusunod:

 BROADCASTING ay
paghahatid ng mga
impormasyon o balita sa
mamamayan sa
pamamagitan ng broadcast
media na radyo at
telebisyon.Ang radyo ang
kagamitan para sa audio
broadcasting. Nalalaman ng
mga mamamayanan ang
impormasyon sa pakikinig
lamang.
 ISKRIP ang taguri sa
manuscrito ng isang audio-
visual material na ginagamit
sa broadcasting.
 SFX ay ang epektong tunog
at MSC ay ang musika.
 FADE ang unti-unting
pagkawala ng tunog at ang
patalastas ay isang pag-
aanunsyo ng produkto o
serbisyo sa pamamagitan ng
iba’t ibang anyo ng
komunikasyong pangmadla.

PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN (Inaasahang sagot)


PANUTO: Suriin ang mga pahayag at
lagyan ng tsek kung ito ay positibo at
ekis kung negatibo.

1. Sang-ayon sa Seksyon 6, ng
Panukalang Batas na ito na
bibigyan ng kalayaan ang publiko
na makita at masuri ang mga
opisyal sa transaksiyon ng mga
ahensya ng gobyerno.
2. Delikado naman pala na di
magdiriwang ang mga tsismosa at
pakialamero sa Pilipinas, isyu
dito, isyu doon, demanda dito,
demanda doon.
3. Hindi ba’t dapat naman talaga na
walang itinatago ang mga politiko
dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi
ng bayan.
4. Masasabing maging banta yan sa
mahalagang desisyon ng lahat ng
ahensya ng pamahalaan.
5. Ayon kay Quezon Representative
Lorenzo Tanada III, kapag hindi
naipasa ang FOI bago magpasko
mukhang tuluyan na itong
maibasura.

PAGLALAHAT

Sa kasalukuyan, itinuturing na
pinakamataas makahikayat at
makaimpluwensya sa isip at
damdamin ng mga tao ang Mass
Media. Madali itong nakakapukaw ng
interes sapagkat ginagamitan ito ng
audio (pandinig) at visual (paningin).
Ang mass media ay tumutukoy sa
iba’t ibang paraan ng komunikasyon
kung saan naabot nito ang maraming
mundo. Tulad ng tinatawag na
(sasagot ang mga mga-aaral sa
audience o receiver na wala naming
pamamagitan ng recitation sa
personal na relasyon sa mga sender
nito. Itinuturing na mekanismo ng birtuwal na klase.)
pagbabago ng kulturang Filipino ang
mass media sapagkat may
kakayahan itong baguhin ang
paniniwala at pagpapahalaga ng
isang tao sa mabilis na paraan.Kaya
napakahalagang suriin muna ng
bawat isa ang nilalaman o (Inaasahang sagot oral recitation)
mensaheng ipinahahatid ng kanilang
pinanonood, binabasa, nakikita o
maging ang kanilang pinakikinggan.

PAGPAPAHALAGA
.
1. Ano ang mga bagay na
nakapukaw sa iyong isipan
habang Pinapakinggan ang (Sa google classroom magpapasa ng
mga pagtatalakayan sa radyo? kanilang sagot ang mga mag-aaral.)
2. Bakit dapat na marinig ang
mga saloobin at opinyon ng
mga mamamayan tungkol sa
mga isyung kinasasangkutan
ng bansa?
3. Paano maipararating ng mga
mamamayan sa mga
kinauukulan ang kanilang
opinyon at personal na
damdamin sa mga seryosong
isyung dapat pagtuunan ng
pansin?

IV. PAGTATAYA
 Paano nakatutulong ang
broadcast media sa
pagpapalaganap ng kulturang
Pilipino?
 Paano nakatutulong ang
paggamit ng konseptong
pananaw sa pagpapahayag ng
mga opinyon at saloobin?

V. TAKDANG-ARALIN
 Magsaliksik ng
komentaryong
Panradyo na may
kaugnayan sa
kasalukuyang
sitwasyon. Pumili ng
isa sa mga paksa na
nasa ibaba.
A. Politika
B. Mga pangyayari sa
isang espisipikong
lugar.
C. Mga pagdiriwang
sa Pilipinas

Inihanda ni:
Annabella B. Requilme
CED-03-501P

You might also like