You are on page 1of 2

SCRIPT

SCENARIO :SA ISANG CLASSROOM NA PUNO NG MGA ESTUDYANTENG SAWI SA


PAG-IBIG.

NARRATOR :Dumating na si prof, at inayos ang sarili at kanyang mga gamit.


*Pause *
:Tas may late na dumating.

S1( ) :Sorry sir, I'm late.

PROF :Ms/Mr. ( ) Bakit ka late?

S1( ) :Sir, atleast pumasok atleast hindi nagabsent atleast nageffort. Kahit
masakit, nandito parin ako.

PROF :Alam mo? Ang dami mong drama. Sige, pumunta ka na sa upuan mo.
*Pause*
:Ok, Good afternoon class. Pwede na kayong umupo.

NARRATOR :At pumunta na si S1( ) sa upuan nya

S2( ) :*Kakausapin si S1* Late ka na naman. Pati ba naman dito late ka?
Mapatext, chat, late reply ka! Ako na lng ba yung laging naghihintay?

PROF :Quiet,
*Pause*
:Ok bago tayo magsimula, balikan muna natin yung mga tinalakay natin
kahapon. Tumayo yung gustong magsalita.

NARRATOR :Biglang may tumayong estudyante

PROF :Ok Ms/Mr. ( ) ano yung mga tinalakay natin kahapon?

S3( ) :Lagi nalang po ba ganyan Sir? Babalikan nalang kung kelan gusto? Sir, pag
tapos na kasi, tapos na, dapat baliwalain na.

PROF :Uhmm, ok Ms/Mr. ( ) salamat sa iyong sagot na wala namang


kinalaman sa aking tanong.

NARRATOR :At umupo na si S3( ) sabay naghatching

S3( ) :*hatching* ay sorry po.

S4( ) : Sorry? Puro nalang sorry, bakit? may mababago ba yang sorry mo, eh
nasaktan na ako.

PROF :Shhhhhh, ang ingay nyo.

NARRATOR :At inilabas ni Prof ang mga test paper tsaka binigay sa mga estudyante.

PROF :Ok, bago kayo magsimula babasahin ko muna ang mga items na inyong
sasagutin.
*Pause *
PROF :Direksyon, ibigay ang mga hinihinging kasagutan sa mga sumusunod na
mga items. Yung malinaw hindi yung katulad ng feelings nyang hindi mo
maintindihan.
*Pause *
:Ok, Test 1. Maglagay ng tsek mark sa kahon kung alam mo ang mga
sumusunod. Maging honest. Dahil hindi lahat ng pagkakamali, sorry ang
katapat!
*Pause *
:Quiet. Ok, Test 2. Isulat ang mga titik sa Kolum A ang mga sagot na mula
sa Kolum B. Pag-isipan nyo ng mabuti bago nyo isulat dahil hindi lahat ng
pagkakamali ay pwede pang itama.
*Pause *
:Shhhhhhh, Oh eto na Test 3. Magsulat ng simpleng pahayag tungkol sa
mga aralin na inyong natalakay. Kayo na ang bahala kung hindi nyo
sasagutan. Basta eto ang tandaan nyo, kung hindi nyo na talaga kaya,
'wag nyo nang pilitin dahil pare-pareho lang kayong masasaktan at
magiging luhaan, sugatan, at hindi na mapapakinabangan.
*Pause *
:At ang totoong nagmamahal ay parang matinong estudyante lang na
NAG-EEXAM. Hindi tumitingin sa iba, kahit nahihirapan na.
*Pause *
:At kung may mga tanong kayo itaas lamang ang mga kamay.

NARRATOR :At nagtaas ng kamay ang isang estudyante.

PROF :Ano ang iyong tanong Ms/Mr. ( )?

S5( ) :Uhmm, sir? May pinagdadaanan ka ba?

S6( ) :Oo nga sir? Bat ang drama mo ngayon sir?

PROF :Yun na ang mga tanong nyo?


*Pause *
:Ok, pwede nyo nang simulan ang test.

NARRATOR :At nagsimula na ang mga estudyante sa pagsasagot.

S7( ) :*Nakatingin sa papel tas iimik* Hays, buti pa yung papel.

S8( ) :Ha?

S7( ) :Buti pa yan, nabibigyan mo ng pansin. Eh ako kaya? Kailan mo mapapansin?

PROF :Shhhhh, quiet!....

S9( ) :Sir, bat mali yung isang sagot dun sa test 2?

PROF :Mali? Lagi na lang ako ang may mali? Ginawa ko naman ang lahat ha? San
pa ba kasi ako nagkulang?

S9( ) :Ay, wag na sir. Tama pala yung sagot.

NARRATOR :At natapos na ang pagsusulit at tsaka ipinasa na ng mga estudyante ang
mga papel kay Prof. At dito na nagtatapos ang klaseng napakadrama
ngunit napakasaya. Maraming salamat.

You might also like