Professional Documents
Culture Documents
Gawain NG Pagkatuto 5 (Devina)
Gawain NG Pagkatuto 5 (Devina)
Abstraksiyon
Magkakaroon tayo ngayon ng aktibiti
na tinatawag na “Magpalitan tayo”.
Meron akong sobre rito na naglalaman
ng mga diyalogo na mula sa pelikulang
“Goyo: Ang Batang Heneral” at inyo
itong bibigkasin ng malinaw at may
damdamin na naangkop sa bawat
diyalogo. Ngayon, sa pareho niyong
paring pangkat, pipili kayo ng inyong
magiging lider sa grupo at pumunta sa
harapan upang sya ang bubunot ng
mga papel na inihanda ko rito.
Ngayon, maaari na kayong bumunot. (Ang napiling lider sa bawat grupo ay pupunta
sa harapan uoang bumunot ng mga diyalogo)
Dahil nakabunot na kayo, pag-uusapan
ninyo ngayon kung sino ang gaganap
sa bawat eksena. Meron lamang
kayong dalawang minuto minuto upang
pag-usapan kung ano ang inyong
gagawin. Malinaw po ba?
Opo ma’am
(Ang mga mag – aaral ay may mag – uusap –
usap at magpapalitan ng ideya kung sino ang
gaganap.)
Natapos na ang oras ng inyong
paghahanda. ngayon dadako na tayo
sa inyong presentasyon. Mauuna ang
unang pangkat, sunod ang ikalawa
hanggang sa huling pangkat. Pakiusap,
habang tumatanghal ang inyong mga
kaklase, tumahimik, makinig at
intindihin ang mga diyalogo na kanilang
ibabanggit. At bago magsimula ang
pagtatanghal, banggitin muna kung
saan ang inyong eksena. Naiintindihan
po ba?
Opo ma’am.
Orihinalidad : - - - - - - - - - - - - - - 25%
Skript: - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 20%
Teamwork at partisipasyon: - - - - -25%
Pagkakaganap ng tauhan: - - - - - -30%
Kabuuan: - - - - - - - - - - - - - - - - - 100%
Naunawaan?