You are on page 1of 18

Pagsasabi ng Epekto ng

Pisikal na Kapaligiran sa
Sariling Pag-aaral
Oras ng Pag-aaral ni: Lani G. Gregorio

Lunes ng umaga, maagang gumising si Jayjay


upang maghanda sa pagsagot sa kanyang modyul.
Maaga rin nagising ang kanyang nakababatang
kapatid na si Liana. Pagkatapos nilang mag-almusal
at magsepilyo, inayos na niya ang kanyang mga
gamit upang makapag-umpisa na siya sa pagsagot sa
kanyang modyul.
“Kuya Jayjay, laro tayo ng pasahan ng bola,”
yaya ni Liana. “Hindi puwedeng makipaglaro
sa iyo ang kuya mo. Ngayon ay oras ng
kanyang pag-aaral,” sagot ni nanay. Naisipan
na lamang ni Liana na manood ng telebisyon.
“Pakipatay mo ang telebisyon, Liana,” utos ni
Jayjay.
“Hindi ko kasi masyadong naiintindihan ang
paliwanag ni nanay tungkol sa aking mga aralin
dahil sa ingay galing sa telebisyon.”
“Oo nga naman, Liana. Mamaya ka na
lamang
manood pagkatapos ng oras ng pag-aaral ng
iyong kuya,” sabi ng Nanay.
“Nakaaapekto kasi sa pag-aaral ng
iyong kuya ang ingay sa kanyang paligid.
Mas madaling maiintindihan ng kuya mo
ang mga aralin kapag tahimik at walang
istorbo habang siya ay nag-aaral,”
paliwanag pa ng nanay.
Mga nakaka apekto sa
ating pag-aaral
Narito ang mga sitwasyon na hindi
maganda ang epekto sa iyong pag-aaral
gaya ng: maingay sa paligid, madumi o
mainit sa silid kung saan ka nag-aaral,
iniistorbo ka ng ibang kasama mo sa
bahay at iba pa.
May mga sitwasyon din na maganda
ang epekto sa iyong pag-aaral gaya
ng: malinis at sapat ang bentelasyon at
liwanag sa silid, akma sa iyo ang
mesa at silyang iyong ginagamit, at
iba pa.
Isagawa
Panuto: Kulayan ang puso ng
pula kung may magandang
epekto sa iyong ang pag-aaral
ang sumusunod. Isulat ito sa
sagutang papel.
Gawain sa Pagkatuto (AP
module)
Gawain sa Pagkatuto
Bilang 1 at 2. P. 12 - 13

You might also like