You are on page 1of 4

Alamat ng Glan

Iskrip ng Dula

Unang Tagpuan: Sa bukirin at mahalamang parte ng lungsod

(Tanging pagkaskas ng dahon ang maririnig sabay sa saliw ng ihip ng hangin)


Matiwasay na nilalanghap ng Diwata ang simoy ng hangin. Nilibot niya ang kanyang
paningin hanggang sa maabot ang hangganan ng mga bukirin.
(Itinaas ng Diwata ang kanyang mga kamay sabay nagsiingay ang lahat ng mga uri ng
hayop at lalong lumakas ang ihip ng hangin.)

Diwata: Kay tagal ko nang nasisilayan ang iyong ganda o! aking tahanan. Kariktan mo’y
hindi nakakasawang pagmasdan. Dapat lang na kayo ay aking kaiingatan dahil wala
ako kung wala kayo na aking kayamanan!
Diwata: Magpakalago kayo at namnamin ang buong Kalayaan!

(Nagsitago na ang mga hayop at nagsayawan ang mga halaman tanda ng pagsang-
ayon sa Diwata.)

Nilisan ng Diwata ang kabukiran at diniligan sa paraan ng pagbuhos ng ulan.

Ikalawang Tagpuan: Sa buong parte ng baybayin

(Binisita naman ng Diwata ang kapatagan at baybaying parte ng lungsod.)

(Nasilaw sa ningning ng tubig-alat ang Diwata. Pagkarating niya’y biglang


naghampasan ang mga alon nang malakas at nagsilapitan ang mga isda.)

Diwata: Talagang kilala na ninyo ako. (Natuwa)


Diwata: Napakasarap sa tainga ang bawat paghampas mo alon. Ipagtanggol mo ang
kayamanang nakatago sa pinakailalim ng iyong kaibuturan. Hangga’t aking makakaya’y
poprotektahan ko kayo sa mga taong may hangaring lasunin at abusuhin ang iyong
mga laman. (Lumanghap ng sariwang hangin, nag-isip.)
Diwata: Kumalma kana alon at kayo ay mag-ingat.

Umalis na siya sa baybaying parte at mula sa malayo’y nasiyahan siyang makita ang
kagandahan nito.

Ikatlong Tagpuan: Sa tinutuluyan ng diwata

(Nag-iisip ng malalim ang Diwata)


Napapaligiran siya ng kanyang mga alaga.

Unggoy: Kay lalim ata ng iniisip mo aming Diwata. May nakapagbabagabag ba sa iyong
isipan?

Ibon: Gusto mo bang awitan kita aming Diwata? Nang hindi kana mag-aalala sa kung
ano man ang iniisip mo.

Nag-aalalang pinagmamasdan ng ibang mga hayop ang Diwata nang bigla itong
umimik.

Diwata: Natatakot ako. Hindi ko kayang matiis ang mga taonga alam kong
nangangailangan ng makakain at hanapbuhay.

Puno: Hindi ba’t galit ka sa kanila?

Diwata: Oo galit ako sa mga taong mapang-abuso dahil kayo ang buhay ko. Kayo ang
hinuhugutan ng aking kapangyarihan kaya posibleng mawawala ako kapag naubos
kayo.
Iba pang mga alaga: Alam naming mabuti ang iyong kalooban Diwata. Nais niyo
lamang na kami ay pangalagaang mabuti. Kung ano man ang kahahantungan ng
pagninilay mo ay maiintindihan namin.

Diwata: (Pinalapit ang mga alaga’t sila ay nagyakapan.)

Ikaapat na Tagpuan: Sa kapatagang bahagi ng lungsod

Nabahala ang Diwata nang may umalingawngaw na may mga taong dumarayo.

(Mababanaag sa mukha ng Diwata ang galit at katakot-takot na mga mata.)


Mula sa malayo ay natanaw ng Diwata ang pangkat ng mga Lumad. Nanatili lamang
siya.
Lumad1: Diwata ng buhay! Ipagpaumanhin ninyong pumasok kami dito sa iyong
teritoryo, sapagkat kami ay nahihirapan nang makahanap ng pagkaing aming
kakailanganin araw-araw.
Lumad2: Kami po ay makikipagsapalaran dito. Sana ay pahintulutan niyo kami.
Diwata: (Sa malakas na tinig) Nandito kayo upang ang sa akin naman ang inyong
uubusin.
Pangkat ng Lumad: Hindi po! Iingatan po namin ang iyong lungsod!

Naantala ang kanilang pag-uusap nang may dumating na namang ibang pangkat
(Moro).
Hindi naalarma ang Diwata dahil alam na niyang may dadayo sa kanyang lugar.

Diwata: At ano naman ang ipinunta ninyo dito?


Moro1: Diwata, kami po ay humihingi ng tulong. Kami ng aking mga kasamahan ay
salat na sa pamumuhay. Sana ay payagan ninyo kaming makapaghanap-buhay dito sa
iyong mayabong na lungsod.
Pangkat ng Moro: (Nagsitanguan)
(Sandaling nag-isip ang Diwata.)
Diwata: Paano ko masisigurong mabuti ang intension ninyo sa aking mga yaman?
Lumad3: Makukuntento kami sa kung anong ipapahintulot ninyo sa amin!
Moro2: Kami rin! At kung may mangyari man sa iyong tahanan, ay gawin ninyo kung
ano ang nais ninyong gawin sa amin.

Ilang saglit pa’y kinumpas ng Diwata ang kanyang kamay sa gawing bukirin at nilagyan
ng harang ang malaking parte nito.

Diwata: Kayo (Lumad) ay papayagan ko sa dakong iyon na makapaghanap ng inyong


makakain, ngunit sa bahaging aking inilaan lamang sa inyo ang maaari ninyong
galawin.

(Nagsilingon ang grupo ng mga Lumad sa kabundukan)


Pangkat ng Lumad: Salamat sa iyong kabutihan Diwata!
(Nakasisilaw na tingin ang ibinigay ng Diwata)
(Nag-ihip siya ng malakas na hangin patungo sa gawi ng baybayin. Isang senyales para
sa mga nillalang ng karagatan.)

Diwata: At kayo (Moro), ipapaubaya ko sa inyo ang bahagi ng baybayin ngunit katulad
nang sa kanila ay lilimitahan ko ang hangganan ng inyong mapupuntahan.

You might also like