You are on page 1of 4

MGA TAUHAN

Baltog: Emilio
Taga-Ibalon: Jenly, Daisybelle, Donabel, Alexa, Tiara, Leslie, Andrea,
at Chloe
Tandayag: Francis
Handyong: Marjon
Guwardiya: John Rey, Dan, Richard, Jeymark
Oryol: Myren
Rabut: Gabby
Bantong: Francis
Sural: Deion
Dinahong Pandak: Jenly
Hablon: Tiara
Bathala: Ryvin
IBALON (EPIKO NG BICOL)
si Handyong kasama ang mga guwardiya ay sumugod sa bayan ng Ibalon upang
makipaglaban sa mga mababangis na halimaw.
(Nakikipaglaban)
Handyong: Hinding-hindi kayo magtatagumpay!
At sa wakas napatay nila ang mga halimaw.
Taga- nayon: Maraming salamat sa inyo! Nang dahil sa inyo wala nang taong
masasaktan ang mga halimaw na yan!
Handyong: Walang pong anuman, ipinapangako namin na kayo ay hindi naming
pababayaan.
Nang paaalis na sila handyong at ang mga guwardiya, ay biglang may narinig silang
babaeng umaawit.
Siya ay may kaakit-akit na tinig, at ang sinuman na makaririnig sa kanya ay
mabibighani.
Guwardiya 1: Naririnig ba ninyo yon?
Guwardiya 2: Oo, kaakit-akit ang boses nito.
Handyong: Hindi maganda ang kutob ko dito, mas mabuti na ako nalang ang lulusob
doon at baka mapapano pa kayo.
Guwardiya1: Handyong, sigurado ka ba dyan?
Palubog na ang araw.
Handyong: Oo, sigurado ako. Nangako ako kay Baltog na poprotektahan ko kayo.
Sumugod sa kagubatan si Handyong hanggang sa tuluyan na ngang lumubog na ang
araw. Sinundan ni Handyong ang kaakit-akit na tinig. Hanggang sa......
Handyong: Kung ano ka man magpakita ka!
May nakita si Handyong na isang dalagitang kumakanta, siya ay napakaganda na
parang isang diwata. Nilapitan nya ito, ngunit habang kanyang hinahawakan ay biglang
nagbago ang anyo nito.
Dinampot niya ang kanyang espada, at itinaas ngunit tumili si Oryol.
Oryol: Pakiusap wag mo akong sasaktan, tutulungan kita!
Handyong: Papaano naman ako makakasiguro na totoo ang iyong sinasabi?
Oryol: Ako ay namangha sa iyong katapangan, kaya ako ay narito upang tulungan ka.
Handyong: Samahan mo ako at patunayan mo ang iyong sarili.
Nagsama ang dalawa patungo sa bayan ng Ibalon upang paslangin ang mga
mababangis na halimaw.
Tinulungan ni Oryol ang mga tao sa paglupig ng iba pang mga masasamang hayop sa
Ibalon. Naging payapa ang Ibalon at umunlad ang pamumuhay ng mga tao.
Si Handyong ang naging pinuno ng mga lalaki sa Ibalon. Si Oryol ay naging malaking
tulong sa mga taga nayon, tinuruan nya ang mga ito kung papaano ang tamang pag
tatanim.
At ang systemang pagsusulat ay itinuro naman ni Sural.
Sural: Sa pamamaraan ng pagsusulat mas malinaw ang komunikasyon at pakikipag-
ugnayan natin sa malalayong lugar. Sa aking pananaw ay maganda ang mangyayari sa
nayong ito.
Si Dinahong Pandak naman ang nagturo ng paggawa ng mga kagamitan sa pagluluto
tulad ng palayok na Iluad.
Dinahong Pandak: Sa paggamit ng kasangkapan na ito mas mapapadali ang inyong
pagluluto.
Si Hablon naman ang nagturo sa mga tao ng paghahabi ng mga tela.
Hablon: Sa paggamit at paggawa ng mga tela ay magiging mas maunlad ang bayan na
ito.
At ang panghuli ay si Ginantong, si ginantong naman ang gumawa ng mga kagamitan
sa bahay tulad ng bangka, araro, at itak.
Ginantong: Sa paggamit ng bangka ay mapapadali ang inyong transportasyon at
pangingisda.
Naging maunlad ang bayan ng Ibalon, subalit ang kapalit nito ay isang mapanganib na
tadhana sa mga taga Ibalon.
Isang higante ang naging panganib sa bayan ng Ibalon. Siya ay isang halimaw na
kalahating tao at kalahating hayop na ang dumating sa Ibalon.
Taga Ibalon: Tulungan nyo po kami!
Naging bato ang mga taga Ibalon.
Si Rabut ay isang higante na kayang gawing bato ang sinumang kanyang
maingkwentro.
Na saksihan lahat ito ni bantong.
Bantong: Handyong! Handyong!
Handyong: Anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw?
Bantong: May isang halimaw ang umaatake sa bayan!
Handyong: Anong klaseng halimaw?
Bantong: Isang halimaw na kalahating tao at kalahating hayop. Ako ay pumunta rito
upang tulungan kayo sa pagpapabagsak sa halimaw na iyon!
Handyong: Sigurado ka ba sa iyong desisyon?
Bantong: Gagawin ko ang lahat para sa katahimikan at kapayapaan ng bayan na ito.
Napagtanto ni Bantong na kapag bukang liwayway ay tulog ang halimaw na si Rabut.
Kaya sinamantala nya ang opportunidad na ito para paslangin ang halimaw.
Habang natutulog si Rabut ay pinatay ito ni Bantong.
Bathala: Bakit mo pinatay si Rabut! Hindi mo man lamang binigyan ng pagkakataon na
ipagtanggol nya ang kanyang sarili! Dahil dyan kayo ay aking paparusahan.
Nagalit ang Diyos dahil sa ginawang pagsisinungaling at pagpatay kay Rabut. Ayon sa
kanya kahit gaano kasama ang isang tao o halimaw ay hindi dapat ginagawan ito ng
masama. Kaya pinarusahan ng Diyos ang mga taga-Ibalon sa pamamagitan ng isang
malaking baha. Nasira ang mga bahay at pananim, at nalunod ang maraming tao.
Ngunit nakaligtas ang ilan na nakaakyat sa bundok. Sa panibagong buhay, si Bantong
ang naging pinuno ng Ibalon.
At doon nagtatapos ang Epiko ng Ibalon.

You might also like