You are on page 1of 8

IBALON

(EPIKO NG BICOL)
Ibalon ay isang salaysay ng pinaniniwalaang at
Bantong, Handiong, ay sa kasalukuyang
napakaikling at nakasulat sa wikang. Gayunman, on
the other hand, isang pinaniniwalaang at sinauna't
mitolohikong salaysay ito ng mga Bikolano.
Gayunman, pinagdududahang epikong-bayan ito
dahil sa kasalukuyang napakaikling anyo nito (240
taludtod) at nakasulat sa wikang Espanyol. Bahagi
ang naturang teksto ng libro ni Padre Jose Castano,
isang paring nadestino sa Bikol. May makatang nag
salin ng teksto sa Bikol ngunit walang nakatuklas
hanggang ngayin ng kahit isang orihinal sa saknong
nito sa wika ng mga Bikolano. May tumatawag ding
Ibalon sa Kabikulan.

Nagsisimula ang salaysay sa isang kahilingan ng


ibong si Yling kay Cadugnung na kantahin ang
kuwento ni Handiong. Isinasalaysay muna ni
Cadungung ang kagitingan ni Baltog na pumatay sa
Tandayag, isang dambuhalng babaoy. Sumonod ang
kuwento ni Handiong. Bago siya dumating ay puno
ng mababangis at malaking hayop ang Kabikulan.
Madali niyang pinatay ang mga ito maliban kay
Oriol, ang mailap na ahas na nagbabalatkayo bilang
isang napakagandang babae. Pagkatapos mapatay si
Oriol ay nagkaroon ng mga pag-unlad sa sining at
industriya sa ilalim ng pamumuno ni Handiong. Ang
hling bayani, si Bantong, ang pumatay sa
dambuhalang si Rabot, isang nilalang na kalahating
tao at kalahating hayop at nagiging bato ang
matingnan. Pinatay ni bantong si Rabot habang
natutulog. Dito huminto sa pag-awit si Cadugnung.

BOUD NG IBALON
Si Baltong ay nakarating sa lupain ng ibalon dahil sa
pagtugis niya sa isang malaking baboy-ramo. Siya’y
nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang
lupain ng ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang
kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang
pamumuahay ng mga tao, isang malaking at
mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit
ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si
Baltong ay
matanda na upang makilaban, Tinulungan siya ang
.

kanyang kaibigang si Handiong.

Pinamunuan ni Hadiong ang mga lalaki ng Ibalon


upang lanilang lipulin ang mga dambuhalng buwaya,
mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating
at mga halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila
ang mga ito maliban sa isang engkantadang
nakapag-aanyong magandang dalaga na may
matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong Si Oriol
sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa
Ibalon.
Naging payapa ang Ibalon. Ang mga taoay umunlad.
Tinuruan niya ang mga tao ng maayos na pagsasaka.
Ang mgs piling tauhan niHandiong ay tumulong sa
kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng
maraming bagay. Ang Sistema ng pagsulat ay
itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang
paggawa ng palayok na iluad at ng iba pang
kagamitan sa pagluluto.fSi Hablon naman ay
nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong
ay gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak
at iba pang kasangkapan sa bahay.

Naging laong maunlad aat masagana ang Ibalon.


Subalit may isang halimaw na namang sumipot. Ito
ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya ay si
Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop
ng kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay
sa kanya subalit sinamang palad na nagging bato.
Naabalitaann iton ni Bantong at inihandong niya ang
sarili kay handiong upang siyang pumatay kay
Rabut. Nalaman ni Banti=ong na saaraw ay tulog na
tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang
natutulog.

Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay


kay Rabut. Diumano, masama man si Rabut, dapat
ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili
nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa
pamamagitan ng isang napakalaking baha. Nasira
ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maramimg
tao. Nakaligtas lamang ang ialng nakaakyat sa
taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang
tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong
buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni
Bantong.

LINK:
https://www.tagaloglang.com/ibalon/

You might also like