You are on page 1of 2

MGA TAUHAN:

 Baltog – Kauna-unahang lalaki na nakarating sa Bikol galling sa Botavara.


 Handiong – isang dayo sa bikol na nagligtas sa mga tao mula sa malaking nilalang kaya tinawag
din syang bayani.
 Oryol – isang ahas na nagbabago ng anyo. Ito rin ay nagging isang kaakit-akit na siren ana may
magandang boses at tinig na balak linlangin si Handyong.
 Ginanotng – ang nakaimbento ng bangka sa kwentong ito.
 Bantog – kaibigan ni Handyong na nagligtas sa bayan laban sa halimaw na si Rabut.
 Hablon – ay naturo sa mga tao ng paghahabi ng tela.
 Sural – ang nagtuturo ng Sistema ng pagsusulat.

TAGPUAN:

 Batawara – kung saan nanggaling si Baltog.


 Ibalon – kung saang lugar naganap ang Epiko.

BANGHAY:

Si Baltog, isang bantog na mandirigma, ay mula sa Batavara at naparaan sa Bikol. Napamahal sa kanya
ang Bikol dahil sa maganda nitong tanawin. Lumipas ang mga taon at siya ay naging hari ng Ibalondia.
Siya ay napamahal sa mga tao roon dahil sa siya’y maunawain, matapang at makatarungan.

Sa gitna ng kasaganaan ay sumipot ang isang dambuhalang baboy-ramo na pumuksa sa ani ng


mamamayan at pumuti ng buhay ng maraming kawal. Si Baltog, ang bayaning katulad ni Beowulf, ay
siyang pumatay sa higanteng baboy-ramo. Nagbalik na muli sa Ibalondia ang katahimikan.

Nang tumanda si Baltog, sumipot naman sa Ibalondia ang mga higanteng kalabaw, mga pating na
lumilipad at buwayang ganggabangka. Si Handiong na naparaan doon ang sumagip sa kahambal-hambal
na katayuan ng kaharian. Pinagpapatay niya sa tulong ng kanyang mga kawal ang mga damulag.

May isang kaaway na hindi mapasuko ni Handiong. Ito’y si Oriol na minsa’y ulupong at minsa’y
nakabibighaning binibining nais manlinglang. Siya’y hindi nagtagumpay kay Handiong. Hindi niya madaya
ang bayani kaya kanyang tinulungan ito upang lipulin ang mga salimaw, ang mga malignong
mapanligalig. Si Oriol ay naniniwala sa kasabihang “Kung hindi talunin, makiisa sa layunin.”

Ang kilabot na si Rabot ay dumating sa Ibalondia. Kung kanyang maibigan, ang mga tao’y kanyang
nagagawang pawang bato. Sapagkat na si Handiong, ang humalili sa kanya na bagong tagapagligtas ay si
Bantong.
Ang dambuhala ay napatay ng makapangyarihang espada ng bagong manunubos. Dahil sa labanan, ang
lupa ay yumanig at umalon ang karagatan. Nang matapos ang malagim na sagupaan, namalas na may
maliliit na pulo sa dagat sa kalapit ng Ibalondia. Nagbago ng landas ang Ilog Inarinan. Ang bundok ng
Bato ay lumubog at ito’y naging lawa. Namalas sa gitna ng mga sira-sirang paligid ang isang umuusok na
bulkan. Iyan ang Bulkan ng Mayon ngayon.

You might also like