You are on page 1of 2

PANGALAN: JEAN A.

CAMAY BEED 2A

PAMAGAT: IBALON

MGA TAUHAN: Baltog ,Bantong, Handiong

MAIKLING BUOD SA MAHAHALAGANG PANGYAYARI

Isinalaysay sa kwento ang kagitingan ni Baltog na pumatay sa Tandayag, isang


dambuhalang baboy. Sumunod ang kuwento ni Handiong. Bago siya dumating ay
puno ng mababangis at malalaking hayop ang Kabikulan. Madali niyang pinatay
ang mga ito maliban kay Oriol, ang mailap na ahas na nagbabalatkayo bilang
isang napakagandang babae. Pagkatapos mapatay si Oriol ay nagkaroon ng mga
pag-unlad sa sining at industriya sa ilalim ng pamumunò ni Handiong. Ang
hulíng bayani, si Bantong, ang pumatay sa dambuhalang si Rabot, isang nilaláng
na kalahating tao at kalahating hayop at nagiging bato ang matingnan. Pinatay ni
Bantong si Rabot hábang natutulog. Nagalit ang diyos at binaha ang kanilang
bayan.

ARAL NA NAKUHA SA AKDA

Ang kwentong Ibalon ay nagbibigay aral na sa bawat paggawa o pakikipaglaban


natin kailangan wag muna basta basta tayo susugod o gagawa ng hindi pinag
iisipan ng mabuti para di tayo mapahamak. Sinasabi rin dito na hindi natin
kayang gawin ang isang bagay o gawain kung hindi tayo hihingi ng tulog sa ibang
tao o kaya pati sa ating mga kaibigan.

PAMAGAT: BIAG NI LAM ANG

MGA TAUHAN : Don Juan,Namongan, Lam-ang, Ines kannoyan, Sumarang,


Mga Igorot, Tandang at aso, Rarang, Barkahan

MAIKLING BUOD SA MAHAHALAGANG PANGYAYARI

Si Lam-ang ay pinanganak na mayroon nang ngipin at siya narin ang pumili ng


kanyang pangalan. Isinilang si Lam-ang sa Nalbuan sa mag-asawang Don juan at
Namongan, hindi nya nakita ang kanyang ama dahil ito ay nabihag at napatay ng
mga igorot. Ipinaghiganti niya ang kanyang ama sa mga igorot, pagkatapos
dumako si lam-ang sa ibang nayon at nakila nya si Ines na napangasawa nya,
subalit may isang kaugalian ang pamilya nina Ines kailangan munang manghuli
ni Lam-ang ng mga isdang Rarang. Si Lam-ang ay nakain ng isda, ipa na sisisd ni
Ines ang mg buto ni lam-ang at at tinakpan nang saya si Ines at tumahol ang aso
at tumilaok ang manok, biglang nabuhay si Lam-ang at namhuay silang maligaya
sa mahabang panahon.

ARAL NA NAKUHA SA AKDA

● Ang paghihiganti ay hindi solusyon sa lahat ng bagay.


● Ang mga pagsubok sa buhay ay kayang lampasan.
● Walang ginto ang makakatumbas sa isang tao.

You might also like