Professional Documents
Culture Documents
[Mga tauhan]
Don Pedro,Don Diego,Don Juan,Haring Fernando,Donya Valeria,Manggagamot,Ibong
Adarna
[Setting: Kaharian]
[nakapalibot si Don Pedro, Don Diego at Don Juan kay Haring Fernando.]
Narrator
: Noong unang panahon, mayroong isang kaharian na tinatawag na Berbanya. Ang
namumunodoon ay isang hari na hinahangaan ng lahat. Dahil sa angking kahusayan,
maganda ang nagingpamamalakad sa Berbanya. Ngunit, Isang araw, nagkasakit ito.
Haring Fernando:
(nakahiga at nanghihina ngunit gising)
Donya Valeria:
(Nakatingin sa mga anak at nalulungkot) Malubha na ang sakit ng inyong ama.[darating
ang isang alipin]
Alipin:
(yuyuko) Narito na po ang manggagamot. (aatras at yuyuko ulit bago umalis)
Manggagamot:
(yuyuko muna sa reyna at mga prinsipe bago lumapit sa hari.) ang sakit ng hari aymabigat
at maselan.
Don Pedro:
Maylunas pa ho ba ang kanyang karamdaman?
Manggamot:
(mag-
iisip… ngingiti) huwag kayong mawawalan ng pag
-asa mahal na prinsipe. (lalakad-lakad)May mabisang gamot na magpapagaling sa
hari. Kailangan niyang mapakinggan ang awitng ibong adarna.
Don Pedro:
Saan namin makikita ang ibong ito?
Manggagamot:
Naninirahan ito sa Bundok Tabor. Makikita niyo ito sa isang punong tinatawag naPiedras
Platas na makinang.
Haring Fernando:
Mga anak ko. Nanghihina na ako. Maaari nyo bang hulihin ang ibon na iyon para
saakin?[mananahimik ang lahat]
Haring Fernando:
Pedro?
Don Pedro:
Ano po ang aking maipag-lilingkod, ama.
Haring Fernando:
Ikaw ang nakatatanda. Maaari mo bang hulihin ito para sa akin?
Don Pedro:
isa poi tong malaking karangalan, aking ama.
Narrator:
at iyon nga ang nangyari. Naglakbay si Don Pedro papuntang bundok Tabor. At nang
maratingniya itong bundok.
[Setting: Bundok Tabor]Don Pedro:
(hinihingal)
hay nakakapagod. (sasandalan ang puno) ( iinum ng tubig at titingin sa itaas) Itona kaya
ang bahay ng Ibong iyon? (uupo sa paanan ng puno)
Ibong Adarna:
(aawit)
Don Pedro:
(makakatulog)
Narrator:
Sa kapagudan at sa awit ng Ibong Adarna nakatulog si Don Pedro. Ang ibon ay huminto
sapag-awit ngunit may ugaling magbawas pagkatapos ng kanyang magandang tinig.
Sakasamaang palad, Si Don Pedrong mahihimbing napatakan at naging batong buhay sa
ilalim ngPiedras Platas [pause] Sa hindi pagbalik ni Don Pedro, nagkagulo ang buong
Berbanya. At angIpinadala naman ay si Don Diego.[papasok si Don Diego. Lalakad-lakad at
mapapansin ang batong kapatid ngunit hindi nito makikilala.Uupo ito sa tabi ng batong
kapatid.]
Narrator:
kaparehong kapalaran ang sinapit ng magkapatid. Nakinig ng awit at siya’y napahimbing.
At sa
pagkakahimbing, napatakan ito at siyang kaawa-awang naging batong buhay din.
IKALAWANG PARTE: IKATLONG PAGLALAKBAY
[Mga tauhan]
Haring Fernando,DonyaValeria,DonJuan,Ermitanyo
[Setting: Kaharian],
[Nakaupo si Donya Valeria sa Tabi ng Hari.]
Narrator:
Dahil sa hindi pagkakabalik ng dalawang magkapatid lumala lalo ang karamdaman ng
Hari.[Papasok si Don Juan]
Don Juan:
Ama, nais ko kayong gumaling. Maaari nyo poh ba akong payagang pumunta sa Tabor
upanghulihin ang ibon at hanapin ang aking mga kapatid?
Haring Fernando:
hindi maaari, anak. Ikaw na lamang ang natitira sa akin at kapag ikaw ay nawalay pa.
Tiyak ako’y mamamatay na.
Don Juan:
Ngunit, ama, ang makita kang ganyan ay mas mahirap para sa akin. Patawarin ninyo
akongunit kung hindi ninyo ako papayagan, ako ay aalis na lamang ng labag sa inyong
kalooban.
Haring Fernando:
(nalungkot) Sige anak magtagumpay ka nawa.
Don Juan:
(magmamano at yayakapin ng ama)
Narrator:
Umalis ang paboritong anak ng hari kahit labag ito sa kanyang kalooban. Hindi tulad
ngdalawang kapatid, umalis siyang limang tinapay lamang ang baon at hindi siya sumakay
ngkabayo. Sa bawat isang buwan ng paglalakbay ay saka lamang niya kakainin ang
tinapay. Nangmakalipas ang 4 na buwan, isang tinapay na lamang ang natitira sa kanya. Sa
kanyangpaglalakbay, nasalubong niya ang isang leprosong matanda.
[Setting: Gubat]Ermitanyo:
Ginoo, maawa ka. Ako po’y humihingi kahit kaunting pagkain lamang
Don Juan:
(naawa, kukunin ang natitirang tinapay at ibibigay sa matanda)
Ermitanyo:
(kukunin ang tinapay) Maraming salamat, Ginoo, sa inyong kabaitan. Ano po ba ang
inyongpakay at baka maaari ko kayong matulungan.
Don Juan:
Ang aking ama ay may sakit at ang tanging lunas ay ang awit ng ibong adarna. Nauna na
angdalawa kong kuya ngunit tatlong taon na noong sila ay lumisan.
Ermitanyo:
Ginoo, mahirap ang inyong binabalak ngunit maaari ko kayong matulungan. Pagdating
sabundok ay may makikitang puno. Huwag doon tumigil. Tumingin lamang kayo sa ibaba
at maymakikita kayong kubo, kung saan naninirahan ang taong magbibigay sa inyo ng
payo upangmahuli ang ibon. (iaabot ang tinapay) mahaba pa po ang byahe ninyo kaya
kunin nyo na po ito.
Don Juan:
Nagbibiro ka ba? Ibinigay ko na iyan sayo.
Ermitanyo:
ngunit mas kailangan ninyo ito(iaabot ngunit aalis si Don Juan sa Set) , Ginoo! (pahabol
ngLeproso)
IKATLONG PARTE: BUNDOK TABOR
[Mga tauhan]
Don Juan,Ermitanyo,Don Pedro,Don Diego,Ibong Adarna
[Setting: Bahay ng Ermitanyo]
Narrator:
Nang marating ni Don Juan ang Bundok Tabor, Nakita niya ang sinasabi ng Leprosong
matandasa kanya. Nakita niya ang kubo at nagtungo doon.
Don Juan:
(nagulat at hindi makapaniwala) ako ba’y namamalikmata lamang o talagang kamukha
mo
ang taong nilimusan ko ng tinapay.
Ermitanyo:
ano ang iyong hangad, Don Juan?
Don Juan:
ako po ay nandito upang hulihin ang Ibong Adarna na makapagpapagaling sa aking mahal
naama.
Ermitanyo:
Hindi madali ang iyong pakay, Don Juan. Sigarado ka ba sa iyong balak?
Don Juan:
natiis ko poh ang gutom, pagod at puyat sa paglalakbay. Disididong disidido po ako sa
akingpakay.
Ermitanyo:
kung gayon, ganito ang iyong gawin. Sa Piedras Platas (tuturo sa taas) nananahan ang
ibongadarna. Dumarating ito tuwing hating gabi. Sa pagkadapo, ito ay aawit. Ang awit nito
aynakaaantok, iwasan mo, Don Juan ang makatulog. (kukunin ang labaha at dayap tapos
ibibigaykay Don Juan) Heto ang labaha at dayap. Tuwing aantukin hiwain ang iyong palad
ay patakanito ng dayap. Tiyak antok mo ay mawawala. Pitong awit ang gagawin nito at
pitong beses dingmagpapalit ng balihibo. Pagkatapos nitong umawit, ito ay magbabawas.
Iwasan mo, Don Juan,
na ika’y mapatakan. Pagkatapos nito ang ibon ay matutulog.
(kukunin ang taling ginto atiaabot kay Don Juan.) Itali mo siya gamit ito.
[Setting: Bundok Tabor]Narrator:
Nang marinig itong lahat, umalis na si Don Juan upang hulihin ang Adarna. Lahat ng utos
aykanyang ginawa. Sa bawat awit ng adarna, sinusugatan niya ang palad niya at
pinapatakan itong dayap. Sa sobrang hapdi siya ay nagigising. Pitong sugat ang natamo
niya. Naiwasan niyaang ipot ng ibon at naghintay siya na mahimbing na ito. Sa
pagkakahimbing ng ibon ay tinaliannya na ito at ipinakita sa Ermitanyo.
Ermitanyo:
magaling, Don Juan. Maari mo bang kunin ang palayok na iyon?(ituturo ang palayok)
Don Juan:
(kukunin ang palayok)
Ermitanyo:
magmadali ka at punuin iyan ng tubig at pagkatapos ay buhusan mo ang dalawang bato
atmawawala sa pagiging bato ang dalawa mong kapatid.
Narrator:
Iyon nga ang ginawa ni Don Juan. Naging tao muli sila Don Pedro at Don Diego. Bumalik
silangtatlo sa bahay ng Ermitanyo upang magpasalamat. Umuwi sila ng sabay-sabay.
IKA-APAT NA PARTE: ANG PAGTATAKSIL
[Mga tauhan]
Don Juan,Ermitanyo,Don Pedro,Don Diego
[Setting: Gubat]Narrator:
Habang naglalakad sa kagubatan
[naglalakad ng sabay si Don Pedro at Don Juan. Nasa likod nila si Don Diego. Hawak naman
ni Don Juanang ibon. Hihinto sila at magpapahinga sa ilalim ng isang Puno. Magkatabi si
Don Pedro at Don Juan]
Don Pedro:
(tumabi kay Don Diego) Naging maganda ang lakad ng ating bunso. Tiyak na sa
kanyananaman ang mga parangal at basbas ni ama.
Don Diego:
Mahusay si Don Juan, Kuya. Wala tayong magagawa doon. Kabiguan ang nasa atin
atkatagumpayan naman ay sa kanya.
Don Pedro:
Bakit hindi na lang natin sya patayin? (grin) Tiyak na sa atin ang mga parangal at basbas
ngama.
Don Diego:
Ayos ka lang ba, Kuya? Sarili mong kapatid ay papatayin mo?
Don Pedro:
Hindi ka ba naiinggit sa kanya? Tignan mo. Paborito sya ni ama at ngayon nasa
kanyananaman ang mga karangalan.
Don Diego:
Hindi, Kuya. (umiiling-iling) mali ito. Magkakapatid tayo.
Don Pedro:
Kung masama ang pagpatay (ibubulong sa kapatid ngunit rinig ng lahat) pagtulungan
nalamang natin siya.
Don Diego:
Bahala ka kuya, ngunit, hindi ako kasama dyan. Magbubulag-bulagan na lamang
ako.(tumingin sa malayo)
Don Pedro:
(tatawa at bubugbugin si Don Juan hanggang sa mawalan ito ng
malay)(pagkataposbugbugin, kakalabitin si Don Diego at aalis sila sa set)[papapasok ang
Ermitanyo at aasikasuhin si Don Juan][nagkamalay si Don Juan. Magaan na ang
pakiramdam]
Don Juan:
maraming salamat po.
Ermitanyon:
Walang anuman, Don Juan. Ngayon ay umalis ka na. Tiyak na hinahanap ka na ng
iyongama.
Narrator:
Dali-daling bumalik si Don Jua
n sa Berbanya. Ang mga paa niya’y tila lumilipad. Anung saya
ang naramdaman ng buong kaharian sa pagdating nya.
Nagmano sa ama’t ina at niyakap ang
dalawang kapatid.