You are on page 1of 1

PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN: Arianne U. Jenotan SEKSYON: F12.1

PAMAGAT NG GAWAIN: Ako Bilang Tauhan ng Kuwento PETSA: Oktubre 05, 2020

MAGSASAKA

Magsasaka, hindi dahil ito ang kinagisnan kong kultura


Suballit dito ay maihahambing ang sarili ng buo, na…
Tila ako’y isang magsasakang walang hacienda o sakahan
Kaya, kumakayod kahit sukong - suko na ang nararamdaman.

Oo, kagaya ako ng isang magsasakang tunay


Hindi man ako iyong tipong nagtatanim ng palay
Kundi nagtatanim ng oras at tyagang maialay
Sa kinabukasang tila punô ng pag-asa’t kulay.

Madalas man atakihin ng mga peste sa buhay


Subukin man ang pasensya’t arukin man angking taglay
Heto, hindi patitinag makamit lang ang tagumpay
Nang sa huli’y maranasan ang buhay na matiwasay.

Ako’y isang anak-pawis ng masisipag na mga magulang


May kayumangging kulay na gaya sa magsasakang matatapang
Matipid man magsalita ay mabuting tagapakinig naman
Kung ikaw ay nagtataka, Arianne Jenotan ang tanging pangalan.

You might also like