You are on page 1of 3

MGA URI AT SANGKAP NG TULA

Pangalan: Gallego, Rocine R. Petsa:_________


Kurso: BSED 3B Marka:_________________

Panuto: Lumikha ng tula ayon sa sumusunod na uri nito. Gamiting batayan sa paglikha ng tula ang
pamantayan sa pagmamarka na nasa ibaba.

1. Karaniwang Anyo
2. Malayang Taludturan
3. Tanaga
4. Dalit
5. Diona
6. Cinquian
7. Haiku
8. Soneto

Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman/Pamamaraan 50%

Istilo 25%

Nilalaman/Pamamaraan 15%

Orihinalidad 10%

Kabuuan 100%

1 | PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus


Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2020-2021
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO
MGA URI AT SANGKAP NG TULA
1. Karaniwang Anyo

Ama

Ang kahulugan mo’y/isang pagmamahal


Na walang kapalit/at walang humpay
Minsa’y sa sakahan/minsa’y sa tahanan
Pag-ibig sa pamilya/ay laging nandiyan

Nalalaman mo/sa iyong damdamin


Ang pamilyang/mayroong hinaing
Sapagkat sa puso’y/sila ang giliw
Kahit mapagod/ may kapalit na aliw

Pawis, pagod, sugat/hirap, dugo, pasakit


Gamit mong armas/kahit malupit
Kapagka ibig mong/masiyahan
Ay saglitang uuwi/sa tahanan

Sa ngiti mo’y naging/makulay ang bahay,


Sa sipag mo’y naging/maalwan ang buhay
Pagmamahal mo’y/walang katapusan
Isang matapang na/haligi ng tahanan.

2. Malayang Taludturan

Gising pa ang mga tala sa umaga,


Ngunit nakabalumbon na ang banig na iyong hinigaan.
Magmamadali kang kunin ang mga gamit mo,
Salakot sa ulo, buslo sa bewang.

Hihilahin mo ang pala at magsusuot ka ng bota,


Sinsigurado mong kumpleto ang iyong armas.
Na wari ba’y isang matandang sundalong sasabak sa giyera.

Bilang sa iyong mga kamay, ang mga balang nakalagay sa malalim mong bulsa.
Tawagin natin itong panalangin, pamilya,
Tawagin natin itong pangarap hindi para sa sarili bagkus ay para sa mga supling.

3. Tanaga

Pulis

Uniporme’y maganda
Maayos, nakaplantsa
Bayani kung tawagin
Naglilingkod sa atin.

2 | PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus


Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2020-2021
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO
MGA URI AT SANGKAP NG TULA

4. Dalit

Silang mga nangangalaga


Sa makukulit na bata
At Sana nama’y maawa
Ibigay sahod ng tama

5. Diona

Ang ina, nakamasid


At titig na titig
Sa asawang makisig.

6. Cinquian

Ama
Mapagmahal
Kumakalinga
Paggabay sa pamilya ay labis
Bayani

7. Haiku

Pulubi

Mata’y malamlam
Maghapon sa daan at
Nahihirapan.

8. Soneto

Sinisinta, minamahal, iniirog


Mga salitang sinasambit ng bibig
Katulad at kasingtamis ng asukal
Kasinginit ng nagaalab na apoy
Parang dinuduyan sa ligaya’t tuwa
Matatamis na salitang sinasambit
Akin ngang nais na marinig sa iyo
Ang pag-aalaga at pag-aaruga
Sa iyo ay nabatid at natamo
Ang pangakong patuluyan na pag-ibig

3 | PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus


Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2020-2021
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO

You might also like