You are on page 1of 2

Name: JABAJAB, Claivan Jade R.

3 -BEED

Alamat ng Pinya (SOUTH COTABATO)


____________________________________
Angineth G. Bautista

Noong unang panahon sa pook ng South Cotabato, may


isang pamilya na salat sa buhay ang nakikita’t
nakaibigan ang isang ada. Binigyan sila nito ng
mahika at tinuturuan silang gumawa ng isang
tanim na mapagkikitaan nila.

Isang araw, ang mag-asawa sina Aling Pita at Mang Tonyo ay abala sa
pagtitimpla ng mga sangkap sa kanilang gagawing tanim.
Natuwa sila at agad itinanim nang
pahilera sa kanilang bakanteng
lote.

Pagkalipas ng ilang taong pag-aabang, nagalak ang mag-asawa


dahil sa dami ng kanilang pipitasing bunga. Hindi nila mawari
kung anong klaseng bunga iyon sapagkat maami itong mata at
may koronang katulad ng sa dahon
nito. Kumuha sila ng isang bunga,
binalatan at tinikman ito. Manilaw-
nilaw, may hibla at katakam-takam
ang laman nito kaya kaya nasabik si Aling Pita na lasapin ito. “Ang
asim!”, sambit niya at kasunod noo’y biglang nangati ang kanyang
dila. Sumunod naman si Mang Tonyo at ganoon din ang nangyari.
Napagtanto nilang palpak ang pagkakatimpla ng tanim na iyon kaya
nagpatulong sila sa kaibigang ada.
Sumubok muli sila at hindi nawalan ng pag-asa. Sinisigurado nilang nasunod ang payo ng
ada upang maging matamis at hindi makati o hindi maganda ang kalalabasan nito. Sinusunod
nila ang tamang proseso ng pagtatanim at naghintay muli ng ilang taon. Dumaan ang halos
dalawang taon at natapos na rin ang kanilang paghihintay. Agad nilang pinitas at tinikman ang
bunga ng ikalawa nilang subok.
Namangha ang mag-asawa sa ubod ng tamis nito at nagpasalamat sa ada sapagkat mayroon na
silang pagkakikitaan. Lumipas ang maraming taon,
sagana at malawak na ang kanilang taniman ng prutas
na iyon na kung tawagin ay “Pinyo” (mula sa pangalan
ng mag-asawa na sina Aling Pita at Mang Tonyo) na
bunga ng kanilang paghihintay at pagsisikap. Kalaunan
ang “Pinyo” ay napalitan at naging “Pinya” ay ngayon
ang South Cotabato (lalo na sa Polomolok at Tupi) ay
kilala na sa
plantasyon ng mg pinya.

You might also like