You are on page 1of 11

Ang Bakit at Paano sa Pag-alis at Pananatili ng mga Tao sa Sitio Buntog

BALLESTEROS, Marielle
CANEDA, Eunice
DEL VALLE, Francheska Mae
FERNIZ, Alexandra
GATTOC, Gail
PERILLA, Miriam Joy
TAMIS, Gabriella

Marso 21, 2019


Panimula

Ayon kay De Guzman (2018), ang agrikultura ng Pilipinas ay namamatay na. Ito ang malungkot na realidad na hinaharap ng
mga Pilipino ngayon. Ang mga lupang sinasaka ay madalas nang sumasailalim sa indutrilisasyon, ang mga magsasaka ay tumatanda
na’t ang kanilang mga anak ay mayroon nang ibang propesyon kaya hindi na napapasa ang pagsasaka sa kanila. Ang kadalasang
edad ng mga magsasakang Pilipino ngayon ay nasa 57. Dahil sa life expectancy ng mga Pilipino na hanggang edad 70 lamang,
inaasahan ng gobyerno ang kakulangan sa mga magsasaka sa loob lamang ng 15 taon (Saliot, 2013). Ukol naman sa pagbabago ng
propesyon ng mga manggagawa ngayon, nagsagawa ng sarbey ang monster.com tungkol sa paglipat ng industriya ng mga
manggagawang Pilipino. Sinasabi sa sarbey na mayroong 88% ng mga Pilipining manggagawa ang umaalis sa napili nilang industriya.
Ang naging kadahilanan ng karamihan ay ang kagustuhang makatanggap ng mas mataas na sahod at ang pagkakaroon ng trabahong
sigurado. Ito ang naging sagot ng 54% ng mga Pilipino na nabigyan ng sarbey. Ang sumunod na rason na pinili ng iba ay dahil tingin
nila na mayroong kakulangan sa oportunidad sa napili nilang industriya (News, A., 2018). Maari ring maging rason sap ag-alis ng mga
magsasaka ay ang kakulangan sa sweldo. Ani Saliot, ang karamihan ng bumubuo sa grupo ng mga mahihirap sa bansa ay ang mga
magsasaka’t mfga mangingisda. Hindi sila nabibigyan ng sapat na sahod at pinagkukunang yaman kaya marahil ang mga kabataan
doon ay ayaw nang magtrabaho bilang magsasaka o mangingisda. Tulad na lamang sa Sitio Buntog na may masagana sa industriya
ng agrikultura noon pero tila pabawas na nang pabawas ang kanilang sinasaka’t magsasaka, ‘di lamang magsasaka kundi na rin ang
populasyon nila sa nasabing lugar. Ito’y napansin ng mga mananaliksik sapagkat sinasabing masagana noon ang Sitio Buntog dahil
marami silang sinasaka noon at buhay na buhay ang pagawaan ng kape’t sugar estate.

Ang Canlubang Sugar Estate ay nakuha ng grupo ng mga Tsino na namalagi sa Calamba. Nabili ito sa isang subasta
(auction) sa peninsular ni Don Tomas de Andaya noon 1678, pagkatapos ay tinamo ito ng mga Heswita noong 1759. Nang mapaalis
ang mga Heswita noong 1768 muli ay naibenta ang barangay at nakuha ito si Don Jose Clementa de Azanza. Tinamo nito ang
Dominican Order at nakilala bilang Province of the Most Holy Rosary of the Philippines noong June 28,1831. 1898, Philippine
Revolution, naitigil ang panlupig ng mga Amerikano sa isla. Tinamo ng bagong gobyerno ang lugar bilang “Friar Land”. Binili ni Alfred
Ehrman at ng mga kasamahan niya ang Calamba Sugar Estate sa gobyerno. Ito ang pangalawang sugar central sa pilipinas sa
pamumuno ni Louie Weinzheimer at ng kanyang pamilya. Nagsimula ang sugar mill sa taong 1914. Sa kanlurang bahagi ng Calamba
sugar estate nagtanim sila ng mga coconuts sa “barren slopes”. Dahil kay Louie Weinzheimer naging model sugar plantation ang
Calamba simula 1920s hanggang 1930s. sa Taong 1927 naging legal counsel ng estate ang isang matalino na batang lawyer na si
Jose Yulo Noong nanakop ang mga Hapon, binenta ng Amerika ang Calamba kay Vincente Madrigal noong 1941. Pagkatapos ay
inalok niya ito sa kanyang kaibigan ni si Jose Yulo na naging bagong may ari ng lugar kasama ang kanyang pamilya. Dahil sa kanya
mabilis nag improve ang financial at social status ng calamba within two years. Ang industrial at field workers ay may equal footing at
merong sweldo na mas mataas pa sa standard. Dahil naman asawa ni Mr. Yulo nagkaroon ng agricultural image ang kompanya. Ang
mga benepisyo ng canlubang workers ay times three ng kanyang sahod.

Ang pag-aaral na ito ay upang maipaalam kung anong nangyayari na sa Sitio Buntog sa Baranggay Canlubang, Calamba
City, Laguna. Noon ay kilala na ang buong Canlubang bilang isang malaking taniman lalo ng mga tubo o sugar cane. Ngunit simula
raw ng mawala ang kuryente noong 2010 at maibenta sa Ayala ang Sitio Buntog ayon sa mga naninirahan doon ay marami ang
nagbago. Noon daw kasi kapag nagtatrabaho ang isang mamamayan sa Yulo nagkakaroon ng mga magagandang benepisyo, libreng
SSS, libreng edukasyon para sa mga anak nila at libreng hospital. Ngunit nang magsara ang planta nawala rin ang mga benepisyo at
napalitan ng ibang pang industriyal na proyekto tulad ng pagpapagawa ng subdivision. Nais ipaalam kung ano ang klaseng
pamumuhay ang meron noon sa sitio at kung ano ang pagbabago ang nangyari sa buhay ng mga naninirahan doon matapos mawalan
sila ng kuryente. Ano rin ang epekto ng pagsara sa planta, pagkawala ng mga taniman at pagsasagawa ng mga proyekto pang-
industriyal sa sitio?Ano-ano ang mga dahilan na nakaapekto sa desisyon ng mga mamamayan na manatili kahit malayo na doon ang
mga pangangailangan nila o iba pang dahilan kaya sila umalis sa sitio. Ipapaalam din dito kung ano ang nangyayari o kung anong
lagay ng pamumuhay ng mga mamamayan sa kasalukuyan matapos magsara ang planta at mawala ang mga taniman.

Ang layunin ng pananaliksik ay mas mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan na naninirahan sa Buntog patungkol sa
pagbabagong nagkaroon sa lugar upang maliwanagan at makapagdesisyon ng mga nais nilang gawin. Sa papamagitan ng
pananaliksik sa kasaysayan at panayam sa mga matagal nang naninirahan na siyang magpapatibay sa mga pag-unlad ng trabahong
industrial laban sa agrikultural kaya umalis ang mga residente rito. Ang impormansyong nakalap at binigyan interpretasyon ay
maaaring makatulong pa sa mga pagpapasya ng mga mamamayan upang mapaunlad ang kanilang kalagayan. Maliliwanagan at
mabigyang eksplanasyon ang mga mambabasa sa mga pangyayari noon at kung paano nito naapektuhan ang kasulukuyan estado ng
Buntog.
Sa Sitio Buntog, ang mga paglalathala at paglilinaw ng mga kaganapan na siyang malaki ang naging epekto sa lugar ay
makatutulong para sa pananaw ng mga mamamayan, sapagkat ang pagliit ng pagtangkilik sa mga trabahong agrikultural at pagtaas sa
mga trabahong industriyal ay makatutulong upang malaman ang mga hanapbuhay na mas malaki ang posibilidad na tumanggap. Sa
susunod na henerasyon, maaaring gabay ito sa kung paano mag-aadapt dahil sa pagbabago ng pamumuhay na silang may
kamalayan na at magagamit upang makapag desisyon nang makabubuti sa kanila sa pangmatagalan.
Bilang mag-aaral sa ilalim ng Humanities and Social Sciences, napag-iigting nito ang paglilingkod sa lipunan dahil sa
pagsusuri sa kasaysayan at mga naging epekto nito ay maihahatid nila ang kamalayan hindi lamang sa mga residente kundi sa mga
ibang mambabasa na hindi manlang kinikilala ang sitio. Mula sa mga persepsyong ang karamihan sa mga barangay ay mayroon nang
basic facilities at unti-unting tumutungo sa urban, mayroong mas maliliit pang komunidad na unti unti namang nababawasan ang mga
mamamayan na maaaring indikasyon ng kakulangan o negatibong pagbabago sa lugar. Nilalayon ng mga nananaliksiksik na bigyang
pansin kung ano ang maaaring naging pagbabagong ito upang mabigyan ng kalinawan ang mga mamamayan.

Kaligiran ng Pang-aaral

Ang Canlubang sugar estate ay nakuha ng grupo ng mga Tsino na namalagi sa Calamba. Nabili ito sa isang subasta (auction)
sa peninsular ni Don Tomas de Andaya noon 1678, pagkatapos ay tinamo ito ng mga Heswita noong 1759. Nang mapaalis ang mga
Heswita noong 1768 muli ay naibenta ang barangay at nakuha ito si Don Jose Clementa de Azanza. Tinamo nito ang Dominican
Order at nakilala bilang Province of the Most Holy Rosary of the Philippines noong June 28,1831. 1898, Philippine Revolution, naitigil
ang panlupig ng mga Amerikano sa isla. Tinamo ng bagong gobyerno ang lugar bilang “Friar Land”. Binili ni Alfred Ehrman at ng mga
kasamahan niya ang Calamba Sugar Estate sa gobyerno. Ito ang pangalawang sugar central sa pilipinas sa pamumuno ni Louie
Weinzheimer at ng kanyang pamilya. Nagsimula ang sugar mill sa taong 1914.

Sa kanlurang bahagi ng Calamba sugar estate nagtanim sila ng mga coconuts sa “barren slopes”. Dahil kay Louie
Weinzheimer naging model sugar plantation ang Calamba simula 1920s hanggang 1930s. sa Taong 1927 naging legal counsel ng
estate ang isang matalino na batang lawyer na si Jose Yulo.
Noong nanakop ang mga Hapon, binenta ng Amerika ang Calamba kay Vincente Madrigal noong 1941. Pagkatapos ay inalok
niya ito sa kanyang kaibigan ni si Jose Yulo na naging bagong may ari ng lugar kasama ang kanyang pamilya. Dahil sa kanya mabilis
nag improve ang financial at social status ng calamba within two years. Ang industrial at field workers ay may equal footing at merong
sweldo na mas mataas pa sa standard. Dahil naman asawa ni Mr. Yulo nagkaroon ng imaheng agricultural ang kompanya. Ang mga
benepisyo ng Canlubang workers ay triple ng kanyang sahod.

Isa sa mga Sitio na matatagpuan sa Barangay Canlubang ay ang Sitio Buntog. Ang Sitio itong ay tinataniman din noon ng
mga tubo, kape at iba pa. Masagana ang lugar na ito noon ngunit tila nawala ito simula ng mawalan ng kuryente at magsara ang
planta.

Ang pag-aaral na ito ay upang maipaalam kung anong nangyayari na sa Sitio Buntog sa Baranggay Canlubang, Calamba
City, Laguna. Noon ay kilala na ang buong Canlubang bilang isang malaking taniman lalo ng mga tubo o sugar cane. Ngunit simula
nang mawala ang kuryente noong 2010 at maibenta sa Ayala ang Sitio Buntog ayon sa mga naninirahan doon ay marami ang
nagbago. Noon daw kasi kapag nagttrabaho ang isang mamamayan sa Yulo nagkakaroon ng mga magagandang benepisyo, libreng
SSS, libreng edukasyon para sa mga anak nila at libreng hospital. Ngunit ng magsara ang planta nawala rin ang mga benepisyo at
napaltan ng ibang pang industriyal na proyekto tulad ng pagpapagawa ng subdivision.

Nais ipaalam kung ano ang klaseng pamumuhay ang meron noon sa sitio at kung ano ang pagbabago ang nangyari sa buhay
ng mga naninirahan doon matapos mawalan sila ng kuryente. Ano rin ang epekto ng pagsara sa planta, pagkawala ng mga taniman at
pagsasagawa ng mga proyekto pang-industriyal sa sitio? Ano-ano ang mga dahilan na nakaapekto sa desisyon ng mga mamamayan
na manatili kahit malayo na doon ang mga pangangailangan nila o iba pang dahilan kaya sila umalis sa sitio. Ipapaalam din dito kung
ano ang nangyayari o kung anong lagay ng pamumuhay ng mga mamamayan sa kasalukuyan matapos magsara ang planta at
mawala ang mga taniman.

Kasalukuyang Obserbasyon

Ang mga naging tugon ng mga residente na naninirahan sa Sitio Buntog ay makikita bilang isang pamayanan na
nagkukumahog sa pagsabay sa pag-unlad ng buhay. Ang lupa na nasasakupan ng Sitio Buntog ay isa sa mga pag-aari ng mga Yulo.
Gagawin nang isang subdbisyon ang pinagkakatayuan ng ilang mga bahay sa Sitio Buntog, ito ang dahilan sa pagbaba o paglipat ng
mga maninirahan sa Sitio Buntog. Napag-alaman rin namin na sa pagkamatay ng “Matandang Yulo” nagsimula ang pagtanggal sa
pabrika ng asukal at pagkapabaya sa mga bukirin ng Sitio Buntog. Dahil sa pagkasara ng pabrika na pagawaan ng mga asukal galing
sa mga tubo, na nakatanim rin sa mga lupa sa Sitio Buntog, ay nabawasan ang mga trabahong maaring pagkaabalahan ng mga
naninirahan sa Sitio Buntog. Kasunod nito ay ang pagkawala ng mga pananim na lansones at kape na noon ay ang pangunahing
kabuhayan sa Sitio Buntog. Ito ang nagbunga sa pag-baba o sa paglipat ng mga maninirahan sa Sitio Buntog ng bahay upang
mapalapit sa kanilang mga trabaho. Mula sa aming mga obserbasyon sa Sitio at sa mga sagot ng mga residente ay aming nakita at
napagtanto kung bakit pinipili na lamang ng mga tao sa Sitio Buntog na lumipat sa mga bayan upang sila ay magkaroon ng
pangkabuhayan. At amin ring napansin na mas madalas na ang mga nakatira sa mga tahanan sa Sitio Buntog ay mga matatanda na
mayroong gulang na pumapagitna sa 50-96 na gulang o di man kaya mga bata na hindi tatanda sa 17 na gulang.
Napansin rin ng mga mananaliksik na kakaunti ang mga bilihan sa Sitio Buntog. Sa pag-iikot ng mga mananaliksik, mayroon
lamang silang nadaanang apat hanggang limang sari-sari store na magkakalayo, kaya naman madalas nang mamili nang maramihan
ang mga residente ng nasabing lugar tuwing sila’y nakakababa sa mga mall. Ito’y naranasan ng mga mananaliksik nang sila’y papunta
pa lamang sa Sitio Buntog. Ang van na nasakyan nila ay puno ng mga grocery at tubig. Isa pang na-obserbahan ng mga mananaliksik
ay ang pagbabago sa pisikal na hitsura ng Sitio Buntog. Mayroong mga residente na nagpakita ng mga litrato noon ng kanila ng lugar.
Noon, marami pang puno sa lugar, ngayon, May puno pa namang nakatayo sa lugar, ngunit hindi ito kasing rami tulad nang dati.

Tala ng Pakikipanayam sa ilang residente ng Sitio Buntog

Julita Canlubo Lourdes Buno Teodora Vergara Virgilia Dimapilis


Edad 70 74 94 83
Ilang taon ng 70 taon din. Dito na 74 taon na ding Nakatira na dito simula Simula bata; dito na
naninirahan sa ipinanganak at tumanda nakatira dito. Sa Buntog noong ipinanganak. ipinanganak
buntog? na isinilang.
May anak bang Meron, dalawa. Yung Meron, anim ang Mayroong anak na Anim ang buhay na anak.
nakatira dito noon? babae nagtatrabaho sa kaniyang anak. Ang nakatira dito, ang naging May tatlong nakatira sa
Kung meron ano factory kasama pa rin ni mga lalaki ay pumasok trabaho ay kay Mr. Yulo sitio at ang tatlo ay umalis
ang kanilang nanay hindi umalis sa sa Don Bosco mga din abaka sa asukalan. dahil may bahay sa labas.
trabaho at bakit Buntog Yung isang lalaki pioneer. Samantala ang Ang isa ay tricycle driver. Ang trabaho ng bunsong
umalis? umalis dahil may trabaho dalawang babae ay sa May anak na hindi na anak ay sa Isuzu, ang isa
sa Nuvali at nag-asawa Santa Cecilia. Ngayon, nakatira dito ngunit sa ay hindi na nagtatrabaho
na. may anak na na nasa kasalukuyan ay walang dahil sa mga anak, tapos
abroad pero umuuwi pa trabaho. yung isa pa ay retired na
rin naman sa Buntog.
Anong trabaho Noong bata pa 18-25 Nagtrabaho noon sa Ang trabaho noon ay Ang trabaho dati ay sa
noon? Masasabi taong gulang sya ay kapehan, nangunguha naglilinis ng abaka. kapihan at lanzonesan.
bang kaya nitong isang mananahi sa ng kape na dinadala sa Naggagamas din sa Nag retiro tsaka tapos na
tustosan ang Philippine American Canlubang. Nagtrabaho alpha ang upa ay 75 ang kontrata ng mga Yulo,
pangangailangan Embroidery at kalaunan din sa Casa Yulo ng pesos araw-araw. Ang na nagging dahilan bakit
nung araw? ay naging lady guard paghahalaman at sweldo ay kaya namang nawala ang kapihan
matapos mamatay ang tumutulong din sa pangtustos sa pang kasama na ang pabrika
asawa. Masasabing kaya paglilinis ng simbahan. araw-araw. ng asukal.
pang tustosan ang Nagtitipid at kinakayang
pangangailangan noon pangtustos ang kita
dahil mura pa ang bilihin. para sa pag-aaral ng
mga anak. Lahat ay
nakapagtapos.
Masasabi niyo bang Madaming nagbago, dahil Yung iba, dahil kakaunti Maraming nagbago lalo Walang nagbago, noong
may nagbago sa noon lahat nagtatrabaho lang ang sweldo noon na ngayon, ibang-iba na. matapos ang kontrata
pinipiling trabaho kahit maliit ang sweldo kesa ngayon. Hindi na Ngayon, madali ang wala na. Pagkatapos ng
ng mga residente? dahil iyon kay Mr. Yulo. popular ang agrikultura kwarta mahirap naman 50 years inalis na lahat
Bakit hindi na gaano Ang klase ng trabaho dahil nawalan na ng ang paggastos. Hindi na ang asukalan at ospital,
ka-popular ang noon ay kapehan, sinasaka. agrikultura ng pinipili ng ang natira na lang ay
agrikultura ngayon? niyugan, lanzonesan at mga tao dahil ang lugar simbahan.
citrus. Hindi na popular ay napasali na sa ayala.
ang agrikultura dahil
namatay na ang
matandang Yulo at mga
anak, ang mga apo
naman na natira ay mas
interesado sa industriyal,
nagpatayo ng mga
subdivision.
Ano sa tingin mo Umaalis ang mga tao Umalis ang ibang tao Kaya umaalis ang mga Wala pang alam na
ang iba’t-ibang dahil walang tubig at dahil nabigyan na ng tao dahil mahirap sa tubig kakilalang umalis.
dahilan kung bakit kuryente lupa sa ibang lugar. Isa at ilaw (kuryente) tsaka
umaalis ang mga pang dahilan ay malayo sa trabaho
tao? nawalan ng tubig at kasama na ng
kuryente. transportasyon.
Kalimitang nagtatrabaho
na sa Nuvali, Sta. Rosa
at Batangas.

Sa talaan ng pakikipanayam, mapapansin na ang apat na tagatugon ay sa Buntog na isinilang at lumaki sapagkat nais ng
mga nananaliksik na malaman kung paano ba ang buhay noong panahon pa ni ginoong Yulo. Ukol sa mga respondante ang Sitio
buntog ay masagana noon, maraming benepisyong nakukuha sa pagtatrabaho sa ilalim ng mga Yulo. Hinggil sakanila ang kalimitang
trabaho dati ay pang-agrikultura. Mga lupain na sinasakop ng niyugan, lanzones, citrus at kapehan. Isa ding pangkabuhayan dati ay
ang abaka. May pabrika ng asukal na pag-aari ng mga Yulo. Makikita sa sakanilang ekspresyon ang kaluguran habang nagpapayag
ng buhay noon. Halos lahat ng tagatugon ay sinasabing tama lang ang kinikita noon. Kahit maliit ang sweldo sakanila ito’y sapat na
dahil mura lang ang bilihin noon at mas magaan dahil may kaakibat din na benepisyo na nakukuha sa paglilingkot sa mga Yulo. May
dumadating na supply or rasyon, libreng ospital at maraming pang iba. Sa pangkalahatan hindi maitatangi na talagang masagana ang
sitio noong araw.

Sa kasalukuyang obserbasyon ng mga nananaliksik nakita nila kung ano na ang estado ng sitio. Walang kuryente kalimitang
naka-depende sa mga solar panels, wala ring tubig, ang kanila lamang pinagkukunan ay isang malinis na spring, na ang sabi nila ay
pinagkukunan din ng tubig nang mga taga-cabuyao at kalapit na lugar sa Santa Rosa. Ayon kay Aling Julita Canlubo, madaming
nagbago sa pagpili ng trabaho ng mga nakatira roon, dahil dati lahat nagtatrabaho ng pang-agrikultural, niyugan kapehan at iba pa at
dahil iyon sa mga Yulo. Ngunit nagbago ang lahat ng mamatay ang matandang Yulo at mga anak. Sabi nya simula noon ang mga apo
na ang namahala ng lupain ngunit mas interesado na ang mga ito sa industriyal na naging unang hakbang sa pagtatayo ng mga
subdivision. Nag aalisan ang mga tao sa lugar dahil sa nabanggit na suliranin at iyon ay ang kawalan ng tubig at kuryente. Ang ibang
mga anak ng respondate ay umalis sapagkat nag-asawa na at isa ding dahilan ay ang pagtatrabaho sa mga kalapit na lugar sa ibaba
ng bundok. Nakakalungkot na ang masaya, simple at masanang sitio ay unti-unti nang nawawala dahil sa industriyalisasyon.

Implikasyon ng Pagbabago

Ayon sa konklyusyon ng mga mananaliksik, ang rason ng mga residente ng Sitio Buntoc ay hindi umalis dahil sa pagbabago
sa kanilang mga pinipiling trabaho, kundi dahil wala na silang natitirang opsyon.

Ito ay nagpapahiwatig na kasakiman ang puno’t dulo ng pag alis ng mga tao sa Sitio, at muli, kapitalismo ang nagiging dahilan
sa paghihirap ng mga mamamayan nating walang ginawa kundi magtrabaho sa ilalim ng mga taong siyang nagiging dahilan ng
kanilang mga suliranin. Ang masaklap pa ay walang kamalay malay ang mga tao sa Sitio sa nasabing kasakiman dahil sa mga
kabaitang ipinakita umano ng kanilang employer. Nagpapahiwatig naman ito na ang mga nasa taas ay tinatakpan ang mga mata ng
kanilang mga ninanakawan sa pamamamagitan ng pagpapanggap na sila ay tumutulong.

Konklusyon
Ang Sitio Buntog ay isang pamayanan na noon ay kinilala ang mga Yulo dahil sa rami ng mga nakapagtrabaho sa ilalim nito
at sa lapit ng lupaing ginamit para sa pagtatanim. Sa kasalukuyan ang mga lupain na siyang nilinang nga mga mayayaman kagaya ni
Yulo ay nabiling muli upang simulant nang gawing subdivision. Simula noong magsara ang planta, nawala na ang isa sa
nakapagbibigay ng maraming oportunidad sa trabaho. Nakaapekto ito at nabawasan ang regular na transportasyon. Sa huli,
napagtanto ng mga mananaliksik na hindi ang pagsikat ng mga industriyal na trabaho and pangunahing rason kung bakit umaalis ang
mga tao sa Sitio Buntog. Ayon sa mga panayam na nakuha ng mga mananaliksik, ang kadahilanan ng kanilang pag-alis ay ang
pagpapabaya sa mga lupang sinasaka at sa pagsasara ng planta ng asukal at kape na siyang nagputol sa pagkakaroon ng kuryente at
maayos na daloy ng tubig na hanggang ngayon ay hindi naibibigay. Isa pang kadahilanan na kailan lamang umusbong ay ang pagbibili
sa lupa at nalalapit na pagpapalipat sa kanila.

Sa pagpapatuloy ng paglinang sa lupa para sa pagpapatayo ng subdivision ay nangangahulugang hindi na ito magagamit
upang tayuan ng mga malalaking planta o sakahan. Marahil ay mababawasan pa lalo ang mga trabaho na maaaring pasukan sa lugar
at humanap na lamang sa karatig na barangay.

Dahil sa mga developer, ang mga bulubundukin at kapatagan dito na noon ay puno ng mga sinasaka at kakahuyan ay
tatanggalin para magamit ang lupa sa kabahayan. Marapat lamang na pagtuunang pansin ng mga namamahala sa paglinang ng lupain
ang paninigurado na may paraan upang hindi tuluyang maubos at mamatay ang pinagkukunang likas na yaman. Dapat na kaalinsabay
sa pagsasaayos sa mga lansangan at bahay ay ang mga puno at halaman. Ang ilog na napapaloob sa lugar ay hindi dapat mabuwag
o pagtapunan ng kahit anong kalat mula sa konstruksyon. Hindi mabuti na hindi bigyan ng sapat na oras at pamamaraan ang mga tao
para mapaghandaan ang pagbabago na dulot nila. Bago pa man simulan ang proyekto dapat nilang mabigyang seguridad ang mga
residente sa kanilang paglipat.

Para sa lokal na gobyerno na siyang hindi natuunan ang responsibilidad na mapanigurado ang tuloy-tuloy na suplay
ng tubig at kuryente sa mga residente nang maraming taon, ngayon mas lalong dapat nila bigyang pansin ang mga pangangailangan
nila. Dapat silang makapaghandog ng iba’t ibang oportunidad sa trabaho ngayon at maaaring lumayo na ito para kung sakaling lilipat
sila ay may kita na siyang susuporta sa kanilang araw araw na pamumuhay. Dapat nilang mabigyan ng transportasyon na maaaring
gamitin ng mga mamamayan paalis at pabalik ng sitio lalo na at may mas maayos na lansangang naitayo na.

Ang mga mamamayan ay dapat lubusang bigyang kamalayan sa mga dahilan kung bakit nasa ganoong estado ang kanilang
sitio. Ang kasaysayan ng pagpapalipat lipat ng lupain sa mga mayayaman at sa kanilang kapangyarihan na makapaglagay at alis ng
mga bagay ay nakaapekto sa paraan ng kanilang pamumuhay. Ang hindi pagbibigay konsiderasyon sa kanilang kalagayan sa
pagkawala ng mga planta sa pamamagitan ng pagpapabaya sa mga pasilidad na kaya nilang ipaayos ay nasa kaalaman dapat nilang
lahat.

Sa mga kabataan na siyang maaaring hindi gaanong malaki ang kamalayan sa mga kapangyarihan na siyang nagagamit sa
hindi ikinabubuti ng iba ay dapat mabigyang oras na ito’y suriin. Malaki ang posibilidad na hindi nila ito nararanasan lalo na at sila’y
nag-aaral pa lamang. Mahalagang hindi lamang tignan ang mga malalaking korporasyon bilang pinanggagalingan ng trabaho kung
hindi ay bilang kabilang sa maliit na bahagi ng lipunan na mayaman. Ang kapangyarihan na mayroon sila ay nakapagdadala rin ng
kapahamakan na siyang realidad sa mga lugar at tao sa kanilang pagkakait. Hindi man ito binibigyang diin at ipinapahayag sa
mainstream, mas lalong dapat bigyang pansin ang mga trabahador sa ilalim ng mga pamumuno nila at suriin kung sila ba ay
nabibigyan ng kaukulang seguridad at tinatratong may dignidad.
Mga Sanggunian

"Canlubang History." Barangay Canlubang Magazine October 2013: 2 - 3. Magazine.

De Guzman, S. S. (2018, June 18). Agriculture is dying in the Philippines | Philstar.com. Retrieved March 20, 2019, from

https://www.google.com.ph/amp/s/www.philstar.com/opinion/2018/06/18/1825542/agriculture-dying-philippines/amp/

Saliot, A. (2013, February 23). Filipino Farmers – A Dying Breed? – Philippines. Retrieved from
https://reliefweb.int/report/philippines/filipino-farmers-dying-breed

News, A. (2018, October 30). Majority of Filipino workers would switch careers for better salary, stability: Survey. Retrieved from

https://news.abs-cbn.com/business/10/30/18/majority-of-filipino-workers-would-switch-careers-for-better-salary-stability-survey
Appendix

Dokumentasyon

Ang pakikipagpanayam ng grupo sa ilang residente ng sitio.


Isa sa mga lansangan sa sitio. Isang lumang litrato ng lupain bilang taniman.

Paglalakad ng grupo patungo sa kabahayan


ng makakapanayam na residente.

You might also like