You are on page 1of 44

Learning Competencies

Nailalarawan ang tauhan batay sa damdamin nito at tagpuan sa binasang kuwento (F6RC-IIa-4)
Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan (F6PB-IVa-1)
Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa:
1 pangako o pinagkasunduan;
2 pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan;
3 pagiging matapat (EsP6P- IIa-c–30)
Nakagagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman (EsP6PPP- IIIe–36)
Treasury of the Storybooks
…………………………

This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2022 of the Department of Education.
Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in this work of Government of the Philippines. How-
ever, prior approval of the Department of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other
things, impose as a condition the payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for the use for any purpose of stat-
ues, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice,
before administrative agencies, in collaborative assemblies and in meetings of public character.
For the purpose of citation, the following is recommended.

DEVELOPMENT TEAM
Sa isang liblib na isla na tinatawag nilang Negros. may mag-asawang sina Toto at Inday. Nagka-anak sila nang anim na mababait at

masisipag na mga supling, na pinangalanan nilang; Lubay, Asia, Ilo, Candon, Bangkal, at Ipala.

Masaya ang kanilang pamumuhay sa Timog na bahagi nang isla sapagkat biniyayaan sila ng malapad na kabukiran, malilinis na ilog,

at mariwasang karagatan. Masagana ang ani nang palay, tubo, prutas, at gulay sa kabukiran, malakas din ang produksyon ng karne

sa mga alaga nilang hayop tulad ng baboy, kalabaw, manok at baka; at mayabong din ang mga lamang dagat na makukuha sa kara-

gatan gaya ng isda, alimango at talaba. Matiwasay ang kanilang pamumuhay na may pagkakasundo sa isa't isa at pagmamahal sa

kanilang magulang at mga kapatid.


Ngunit ang buhay ay hindi lamang puro saya. Dumating ang panahon na nagkasakit at naging mahina na ang kanilang ama na si Toto. Siya

ang dahilan kung bakit malago ang ani at mga produkto sa kanilang lupain at sya rin lang ang may alam kung paano ito pamahalaan. Ngunit,

nakasisigurado naman itong si Toto na kahit pumanaw pa ito, magiging matagumpay pa rin ang mga anak na palaguin ang tanging yaman na

kanyang maiiwan. Kaya bago sya pumanaw, napagpasyahan nilang mag-asawa na paghati-hatiin ang lupain upang pamahalaan ng anim na

mga anak.

"Mga anak, sa inyong mga kamay, pinapasa ko ang responsibilidad na palaguin at pangalagaan ang ating nasasakupang lupain."

mahinang saad ni Toto.

Kinuha ni Ilo ang kamay ng ama at pinisil ito, "Makakaasa po kayo aking ama. Papayabungin ko po ang lupang ibibigay ninyo hang-

gang sa abot ng aking makakaya."

Tiningnan ni Toto ang anak na si Ilo at tumango ito upang ipakita ang pagtitiwala, "Maraming salamat anak".

Mangiyak-ngiyak ang ama habang tinitingnan ang mga anak at asawa. Ngunit, biglang napahikbi si Bangkal, at nangatwiran, "Ama! Sa

aming magkakapatid ako po ang walang masyadong hilig sa pagtatanim at pangingisda at wala pa po akong masyadong alam. Hindi po ako

makasisigurong magagawa ko ang nais ninyo."

Napangiti ang ama at pinahid nito ang mga luha ng anak. "Anak, alam kong lahat kayo ay may kakayahang palaguin ang lupain na

maitapat sa inyo. Sa dalampasigan man o sa kabukiran, maging sa kapatagan o lambak. Tuklasin nyo lamang ang kakayahan nyo at magaga-

mit nyo ito bilang biyaya sa sarili at sa iba."


Nagtinginan ang magkakapatid at tumango tango. At pagkatapos ng ilang araw, ay pumanaw na ang kanilang ama. At doon na nagsimula ang

kanya-kanyang buhay ng magkakapatid. Ibinigay na ng ina na si Inday ang mga nakatokang lupain sa mga anak at kinabukasan ay pinunta-

han na nila ang mga ito.

Si Asia ang nakatoka sa pinaka-timog na bahagi ng lupain na may kapatagan, kabukiran, at karagatan. Magkatabi lamang sila ng lupain ni

Ipala na may magandang tubig-dagat, at bukid na puno ng mineral. Si Lubay naman ang napagbigyan ng pinakamahabang dalampasigan at

koprasan sa kanluran. Nasa sentro naman si Candon, na napapaligiran ng lambak. Si Ilo naman ay nakatanggap ng malawak na sakahan at

palaisdaan. At si Bangkal naman ang binigyan ng ama ng malawak na kabukiran sa silangan. Isa lamang ang kanilang misyon, yan ay ang

palaguin ito. Nag-alala ng masyado ang ina sa sinabi ni Bangkal bago pumanaw ang ama kaya napagpasyahan nitong sumama na muna kay

Bangkal sa silangan.
Araw araw ay sumusulat ang mga anak sa ina kung ano at kamusta na ang sitwasyon ng mga ito. Nagpadala ng sulat si Ilo, ang pa nganay na

anak, na marami na daw syang planong gawin para mapalago ang kanyang lupain. Masyado namang natuwa ang ina sa balita. Habang si

Lubay naman ay nagsisimula nang magtanim ng maraming niyog sapagkat kopras ang pinakauna nyang proyekto sa kanyang lupain. Si Asia

naman ay nawili sa pangingisda na kanyang inaangkat at bibenta sa hilaga. Pagpapaganda naman ng kapaligiran ang inuna ni Ipala sapagkat

nahilig sya sa paggawa ng mga hardin at pagtatanim ng mga bulaklak at napakalinis ng karagatang naitapat sa kanya. Si Candon naman na

nasa gitna ng lambak ay nagsimula naring magtanim ng pinya na sa kanyang lupain lamang makikita. Sa kabila nang maliliit na pagbabago at

unti-unting tagumpay na natatamasa ng mga kapatid, si Bangkal naman ay nakikipag-kuwentuhan lamang palagi sa ina patungkol sa mga na-

rating na ng kanyang mga kapatid, at wala pang nagagawa sa lupaing ibinahagi sa kanya ng ama.
Asia

Halos isang taon na ang nakalipas at umaani na ng mga produkto ang kanyang mga kapatid pero si Bangkal ay wala paring napupusuang

gawin sa kanyang lupain. Kaya't inimbitahan sya ng kanyang kapatid na si Asia upang samahan sya sa pagbibenta ng mga isda sa hilaga. Dati-

rati, tuwing nagbibenta si Asia ng isda ay mag-iisang linggo pa bago nya mapapaubos ang limang banyerang isda at kung minsan nga'y di nya

na ito mabibenta'ng lahat sapagkat ito ay malansa at bulok na. Pero, nung isinama nya si Bangkal sa kanya, eh naubos kaagad ang limang

banyera sa iisang araw pa lamang. Nakita nyang magaling si Bangkal sa pakikipag-usap sa mga kostumer nito. Halos isang linggo ang pagbisi-

ta ni Bangkal kay Asia, at doon, nakita nya kung paano hinati-hati ni Asia ang kanyang lupain sa pagsasaka, pag-aalaga ng hayop, at sa

pangingisda.

"Maari pa lang ipagsama ang pagsasaka, pag-aalaga ng hayop, at pangingisda sa isang lugar Asia?" pagkamangha ni Bangkal.

"Oo naman Bangkal. Kailangan yan lalo na't habilin sa atin na palaguin ang lupang naibigay sa atin, at dapat tumindig sa sari li nating

mga paa lalo na at wala na ang ating ama." Sagot naman ni Asia.
Ipala

Matapos ang isang linggo ay nakatanggap na naman si Bangkal ng sulat galing kay Ipala, na nasa kabilang dako lamang nang lupa in ni
Asia. Pumunta doon si Bangkal gamit ang kabayong ibinigay ni Asia sa kanya. Pagdating doon, masyado syang namangha sa napakalawak na
dagat na may maputing buhangin. Kulay asul at napakalinis na tubig na tila sumasalamin sa langit ang sumalubong sa kanya doon. Mapayapa
ang lupain ni Ipala. "Siguradong magugustuhan ito ni ina." Napaisip si Bangkal.

"Ohh, narito kana pala, ang kapatid kong Bangkal. Kamusta na kayo ni ina? Labis ang aking pagkasaya na iyong tinanggap ang aking im-
bitasyon." Bungad ni Ipala kay Bangkal.

"Maraming salamat din aking kapatid. Ako ay labis na nagagalak sapagkat ika'y aking muling nasilayan." Sagot ni Bangkal. "Napakaganda
ng iyong lupain Ipala. Maraming taga-labas ang maiingganyu sa pagpunta sa lupain mo lalo na't paparating na ang tag-init."

Nabigla naman si Ipala sa sinabi ng kapatid. Bigla syang napaisip na maganda ang ideya ni Bangkal. "Oo nga aking kapatid. Ako'y matagal
nang naninirahan dito pero hindi ko pa naiisip yan. Magaling ka at matalino Bangkal. Maraming salamat at sa tingin ko ay mapa palago ko nang
maigi ang lupain na ito dahil sa iyong ideya."

"Walang anuman yon kapatid. Ngunit sa aking lupain, wala pa rin akong maisip na magandang gawin sa pagpapalago nito." Saad ni
Bangkal.

"Makakapagdesisyon ka rin Bangkal. Maghintay ka lamang sapagkat kailangan pag-isipan ng mabuti ang mga tungkol diyan." Tugon ni
Ipala.

Nagtawanan na lamang ang magkapatid at nagpalipas ng gabi sa bahay ni Ipala. Kinaumagahan, dinala ni Ipala si Bangkal sa hila gang-
silangang dako ng lupaing nasasakupan nito at doon nakita ni Bangkal ang mataas at malaking bukid ni minimina ng mga tao.

Napatanong si Bangkal, "Ano iyan kapatid? Bakit ginigiba ninyo ang bukid na iyan?"

Napatawa si Ipala, "Hindi ginigiba ang bukid na iyan Bangkal. Pagmimina ang tawag diyan. Kinukuha ang mga mineral sa bukid na iyan
upang mapakinabangan."
"Ahh, ganu'n pala yan Ipala. Pagpasensyahan mo na't wala akong alam sa mga ganyan." Napatawa narin si Bangkal. Maya -maya ay

iminungkahe sa kanya ni Ipala na bumisita pa siya sa iba pa nilang kapatid para matuto pa sya ng maraming bagay.

"Naiintidihan ko ang nais mo kapatid, ngunit mas mabuti siguro kung makakaalam ang ina bago ako umalis dito upang mai-

wasang sya'y mag-alala." Suhestiyon ni Bangkal.

"Oo nga kapatid. Pasensya at nakalimutan ko. Sige, ako na ang bahalang sumulat sa ina, hintayin na lang natin ang kanyang tu-

gon." Pag-sang-ayon ni Ipala.

Naipadala na nila ang sulat sa ina gamit ang kalapati. Habang hinihintay nila ang tugon nang ina na maaring matanggap matapos

ang dalawang araw, nakapagpasyal pa doon ng maigi si Bangkal.

"Napakaganda ng paglubog ng araw dito. Naalala ko tuloy ang paglisan ni ama. Matutuwa kaya siya kung nalaman nyang wala

pa akong nagawa? Ang mga kapatid ko ay matagumpay na. Ngunit ako, wala pang narating. Ano kaya ang aking talento? Sa pagsasa-

ka ba? Sa pangingisda? O sa pag-aalaga ng hayop? Tulungan mo sana ako ama." Kausap ang sarili.

Makalipas ang dalawang araw, dumating na ang tugon ng ina na nagsasabi sa anak na mag-ingat pa lalo at hinihintay sya doon ng

ina. Magaan naman ang loob ni Bangkal na maayos ang kalagayan ng ina doon. Nagpatuloy na si Bangkal sa pagbisita sa kanyang mga
Lubay

Ang sunod na pinuntahan nya ay si Lubay. Pagkapasok pa lang nya sa teritoryo ni Lubay, napansin na nya ang napakalawak na koprasan sa gilid

ng daan. Matataas at matitirik na daan na sa kabila ay bukid at sa kabila ay dagat, asul na karagatan, malalawak na palayan, tubong kinakarga sa mala-

laking de-gulong na sasakyan, at malalaking isda sa mga bagong daong na bangka. At doon namangha nang lalo si Bangkal kay Lubay. Habang si-

nasalubong si Bangkal ay may masiglang pagpatik ng mga instrumentong gawa sa puno ng kawayan. Napakasigla ng lugar ni Lubay.

"Sakto ang dating mo Bangkal. Mayroon kaming kasiyahan bilang pasasalamat sa aming masaganang ani. Halika't uminom ng alak mula sa puno

ng niyog." Pag-aalok ni Lubay.

"Maraming salamat kapatid. Napakasaya ng inyong pagdiriwang dito." Saad ni Bangkal.

Nagkasiyahan sila buong gabi. Kinaumagahan nakita ni Bangkal ang mabilis na pag-unlad sa lupaing nasasakupan ni Lubay. At tinanung ni

Bangkal kung ano ang sekreto ni Lubay dito.

"Lubay, ano ba ang sekreto sa iyong pag-unlad?"

"Simple lang yan Bangkal, kailangan mo lang maging masaya". Sagot ni Lubay.

"Totoo nga. Kapag masaya ka sa ginagawa mo, magiging mabilis ang iyong pag-unlad, pansarili man o panglipunan" Napagtantu ni Bangkal.

Naglibot-libot si Bangkal, habang si Lubay naman ay maiging nagku-kunsulta ng mga kabayong ipapadala sa mga lugar na hindi abot ng sasa-

kyang de-gulong. Masyadong maunlad ang lupaing ito. May maliliit na isla pa sa teritoryo ni Lubay na pinangalanan nyang Isla ng Danjug at Isla

Mahika. Katulad nang sa lupain ni Ipala, malaki rin ang potensyal na dadayuhin ito ng mga taga-ibang isla at lugar.

"Napaka-swerte mo naman Lubay. Hindi bale, magpupursige akong makagawa ng maliit na komunidad na puno ng saya at kasaganahan para

bumilib din kayo sa akin. Gayunpaman, mabigyan ko rin ng karangalan ang ating ama at ina." Saad ni Bangkal.

"Walang imposible dyan kapatid. Malaki ang tiwala namin sa iyo. Para sa ano pa at madidiskubre mo rin ang mga bagay na hilig mo at matu-

tuklasan mo rin ang iyong nakatagong talento. Hihintayin namin ang pag-unlad mo." Pag-aapirma ni Lubay sa kapatid.
Maagap na mang sumagot si Bangkal, "Gustuhin ko mang manatili dito, kailangan ko nang bumisita sa iba pa nating mga kapatid lalo na't baka

inaasahan na nina Ilo at Candon ang aking pagdating."

Inakbayan ni Lubay si Bangkal, "Maraming salamat sa pagbisita Bangkal. Inaasahan ko ang pagbalik mo rito kasama si ina. Bago ka

umalis, kumuha ka sa bodega nang limang sakong bigas at anim na sakong kopras para dalhin kay Ilo."

Tumango lang si Bangkal at tumungo na sa bodegang sinasabi ni Lubay. Isinakay nya ang mga bigas at kopras sa sasakyang de-gulong na

pinahiram sa kanya ng kapatid para ihatid sa kanya sa lupain ni Ilo.

Tinahak na ni Bangkal ang daan papunta sa lupain ni Ilo at nakarating sya doon ng tanghaling tapat.
Ilo

Pagdating nya doon, sumalubong sa kanya ang limang ektaryang palaisdaan. Talagang kilala si Ilo sa galing nya sa pagpapadami ng isda

noong bata pa, tulad ng mga bangus at tilapia, at bakas sa kanyang lupain ang husay nya rito. Ilang kilometro lang at napadaan si Bangkal sa

isang malaking ilog kung saan may nakatirik na mga pinutol na puno ng kawayan na may nakadikit na mga talaba. Natakam tuloy si Bangkal

sa kanyang nasilayan. Magaan ang loob ni Bangkal nang makita kung gaano kalaki ang pagbabagong nagawa ni Ilo sa lupain ng ama, sabik na
Habang naglalakad si Bangkal, napatingin sya langit. Asul ang mga ito na may nakakalat na mapuputing ulap. Napapikit sya sa ganda habang

nakikinig sa magagandang awit ng ibon at malumanay na pihit ng hangin. Dama nya rin ang maalat na hanging dumadampi sa kanyang balat,

ang init ng araw at ang paang nakaapak sa buhangin. Biglaan namang sumagi sa kanyang pang amoy ang mga lutuin sa bahay na kan yang

tinutungo. At doon naalala nya ang pakay sa pagpunta sa lugar na ito. Dala dala nya parin ang pinadalang bigas at kopras galling sa kapatid
Habang papalapit na si Bangkal, biglang may lumabas sa bahay. Yun ay ang kanyang kapatid na si Ilo. Napatakbo naman si Ilo papunta sa

kanya. Bumaba naman si Bangkal at niyakap nya ang kapatid ng mahigpit.

"Aking kapatid! Na miss kita ng husto. Kamusta na kayo ni Ina?" Sabik na tanong ni Ilo.

"Namiss din kita Ilo!" Mangiyak-ngiyak na tugon ni Bangkal. "Maayos naman kami doon ni ina. Pumasyal ka na man doon minsan

upang magpakita kay ina. Masyado na syang nangungulila sa iyo at sa iba pa nating mga kapatid."

"Makakaasa ka doon Bangkal. Ngunit sa ngayon, medyo mahihirapan akong iwan ang lupain sapagkat wala pa akong kasama dito. At

isa pa, medyo napabayaan ko na rin ang lupaing ito dahil sa aking sugat na natamo habang nagsasaka. Kailangan ko lamang gamutin itong

sugat ko at makakabalik na ako sa aking pagtatrabaho." Binuksan ni Ilo ang telang itinakip sa paa at ipinakita kay Bangkal.

"Mas mabuti siguro kung doon na natin tingnan iyan sa loob. Masyadong mainit sa labas at mabuhangin, baka lumala pa iyan." Mungka-

he ni Bangkal sa kapatid.
"Halika at pumarito sa aking bahay. Luto na rin ang mga alimango kong bagong kuha sa dagat." Mainit na pagtanggap ni Ilo kay Bangkal.

"Ay, oo nga pala. May ipinadala pala si Lubay sa akin para sa iyo." Pag-alala ni Bangkal.

Napatanong tuloy si Ilo, "Ano iyon Bangkal? Ito'ng talaga si Lubay, nag-abala pa."

"Kopras at bigas yang dala ko kapatid. Masagana ang ani ni Lubay doon at napakasaya. Mauna kana doon sa loob at ako na ang magka-

karga nito papunta sa loob. Ako na ang bahala." Pagpresenta ni Bangkal.

"Sigurado ka ha? Sige, sige at ihahanda ko na ang ating pagkain." Pumasok na si Ilo at inihanda ang pagkain.

Ikinarga naman ni Bangkal ang mga bigas at kopras papasok sa bahay. Maya-maya't nagsimula na silang kumain. Matataba ang alimango

na inihanda ni Ilo, malalaki at mapupula. Sarap na sarap sila sa pagkain habang nagku-kuwentuhan tungkol sa mga pinagdaanan nila noong mga

bata pa.
Matapos mananghalian ay tiningnan na ni Bangkal ang sugat ni Ilo.

"Matagal na rin itong sugat mo Ilo, dapat noon mo pa ito ginamot. Hugasan nalang natin ito at patuyuin. Kukuha ako ng mga halamang

gamot sa labas." Saad ni Bangkal.

"Alam naman nating ikaw lang ang may alam sa medisina Bangkal, kaya't mabuti narin at napunta ka rito." Tugon ni Ilo.

Lumabas na si Bangkal at kumuha ng mga halamang gamot. Ginamot nya ang sugat ni ng kapatid at pagkatapos noon ay nagpahinga na

sila ni Ilo.

Bago lumubog ang araw, namasyal si Bangkal sa lupain ni Ilo at nakita nyang may tanim ring tubo si Ilo, mga palay, at mais. Sa dakong

silangan, may malawak na babuyan at malapad na damuhan ng mga baka. Si kanluran naman ay may dalampasigan. Maganda ang pagkagawa ni

Ilo sa kanyang palaisdaan at bilib na bilib si Bangkal sa kapatid. Hanggang sa matapos ang isang linggo, kailangan na namang umalis ni

Bangkal at bumisita naman kay Candon.

Bago umalis si Bangkal ay pinabaunan naman nya ito ng mga talaba at alimango upang dalhin kay Candon. Malungkot man para sa kanil-

ang dalawa ang paglisan ni Bangkal, kailangan nila itong tanggapin. Kaya't nagsimula nang tahakin ni Bangkal ang paglalakbay patungo sa lu-

gar ni Candon.
Candon

Malalaking lambak, maalipuok na daan, malamig na klima, at maberdeng kapaligiran, ito ang lupain ni Candon. Noong unang dumating

si Candon sa lupain na ito, ay puro kagubatan at bukid lamang ito. Ngunit, ibang-iba ang nadatnan ni Bangkal dito ngayon. Malalaking puno

ng prutas, malawak na taniman ng pinya, sari-saring gulay ang nakatanim sa malapad na kapatagan, at mahalimuyak na palay ang bumungad

kay Bangkal.
"Napakahusay mo naman sa pagtatanim Candon." Bungad ni Bangkal sa kapatid.

"Natuto lang ako kay ama, Bangkal. Sa naalala mo noon, ako palagi ang sumasama kay ama sa pagtatanim at pagsasaka. Kung kaya't

nagamit ko nang maigi ang mga kaalamang naiwan ni ama. Halika ka at magpahinga muna nang saglit." Pag-imbita ni Candon sa kapatid.

Inihanda ni Candon sa hapag-kainan ang bagong varayti ng bigas na kanyang ani, masusustanyang gulay ang ulam, at matatamis na pinya

at manga ang panghimagas. Sarap na sarap naman si Bangkal sa mga ito. Pagkatapos nilang kumain, pumunta sila sa lupang sakahan ni Candon

at namangha si Bangkal sa kagandahan ng lupain ng kapatid, sadyang malamig ang klima doon at mainam ito sa pagtatanim at pagsasaka.

"Napakaganda naman ng tanawin dito sa lugar mo. Di bale sa susunod dadalhin ko rito si ina. Tiyak na matutuwa sya sa tanawing ito."

Sabi ni Bangkal.

Napatawa naman si Candon at tinapik ang balikat ni Bangkal, "Ikaw talaga kapatid, napaka-bolero mo. Halika't tuturuan kita ng sekreto

para mas madami ang iyong ani kapag ikaw magtatanim na."
Naubos ang dalawang linggo ni Bangkal sa lupain ni Candon na nag-aaral ng mga bagong teknolohiya at paraan sa pagsasaka.

"Kapatid, maraming salamat sa iyong tulong. Nais ko nang bumalik sa aking lupain at balikan doon si ina. Huwag kang mag-alala at

babalik kami rito upang bisitahin ka." Pagpapaalam ni Bangkal.

"Walang anuman iyon, Bangkal. Umuwi ka na't subukan ang mga bagong itinuro ko sa iyo. Ipapadala ko itong varayti ng bigas, kape,

at matatamis na pinya. May naireserba din akong mga buto ng gulay upang iyong maitanim doon. Pakisabi nalang kay ina na miss na miss ko

na sya. Mag-ingat kayo doon ha." Habilin ni Candon.

"Makakaasa ka kapatid. Mag-ingat ka rin dito. Oh siya, uuwi nako. Paalam at hanggang sa muli!" Kinarga na nila ang mga gamit at

nagsimula nang muli ang paglalakbay ni Bangkal.


Bangkal

At sa wakas, matapos ang ilang buwan na naglakbay si Bangkal, naka-uwi rin sya sa kanyang lupain. Sinalubong sya ng ina at

nakipagkuwentuhan kaagad si Bangkal patungkol sa kanyang mga nakita at nadatnan sa lupain ng mga kapatid. Labis namang natuwa ang ina

sa mga nadinig at sa mga pasalubong galing sa mga anak.

"Kamusta naman Bangkal? Nakatulong ba sa iyong pagpapasya ang iyong naging paglalakbay?" Tanong ng ina.

"Opo ina. Malaki ang reyalisasyon ko sa aking paglalakbay. Noong nasa lupain ako ni Asia, hindi ako masyadong nahilig sa pangingisda,

ngunit nang ako'y tumulong sa pagbibenta nito, naging mabisa ako at masaya ang pakiramdam. Noong sa lupain naman ako ni Ipala, nakita

kong Malaki rin ang potensyal na paglagu ng isang lupain kapag magpo-pokus ka sa turismo. Ang aral naman na nakuha ko kay Lubay ay ang

maging masaya sa lahat ng gawain sapagkat kapag masayahin ka, magiging magaan ang iyong mga gawain." Tugon ni Bangkal.

"Tama ang mga iyon, anak. Ano naman ang natutunan mo kina Ilo at Candon?" Tanong ulit ng ina.

"Ha… Ha… Ha…" tumawa si Bangkal, "Maraming marami ina. Natuto ako kung paano hati-hatiin ang lupain para matugunan ang pan-

gagailangan ng isang lupain. Natuklasan ko rin na mahalaga ang kaalaman sa medisina upang makapagbigay ng serbisyo sa kapwa. Si Candon

naman ang nagturo sa akin ng mga bagong paraan sa pagtatanim at pagsasaka, at tinuruan nya rin ako kung paano gumamit ng mga makaba-

gong teknolohiya."

"Mabuti iyan Bangkal. Ako'y labis na natutuwa't bakas sa iyong mukha ang pagkasaya at kumikislap ito sa pagkasabik." Tugon ng ina.
Nagsimula na nga ang paglinang nya sa lupain. Naghanap sya ng magandang lokasyon upang magpatayo ng isang paggamutan na tatanggap ng

mga taong nangangailangan ng kanyang serbisyo. Nagpatayu rin sya ng isang pampublikong pamilihan upang magbenta ng mga produktong galing

sa ani ng kanyang mga kapatid lalo na't napag-alaman nyang siya'y magaling sa pagne-negosyo. Pinaganda nya rin ang natuklasang talon na

tinawag nyang Magaso upang mahalina ang mga turista.

"Nakakamangha ang iyong paraan sa pagpapalagu ng lupain anak. Kakaiba at napakahusay. Hindi mo lamang tinulungan ang iyong sarili

kundi pati narin ang iyong mga kapatid. Naging sentro ka ng komersyo at medisina at hindi ka tumuon ng iyong atensyon sa kaka yahang wala ka.

Imbis na magpokus ka sa pagsasaka, ginamit ang iyong utak." Paghanga ni Inday.

"Ganyan talaga ang buhay ina, natuklasan kong wala akong talent sa pangingisda at wala rin naman tayo sa posisyon para piliin ang

pangkabuhayan na iyan sapagkat naituon tayo sa lupaing sakahan. Kaya't tutulong nalang ako sa pagbibenta ng kanilang ani. Sa paraang iyan, hindi

lang tayo ang makakalikom ng pera kundi pati narin ang mga mahal kong kapatid." Ani ni Bangkal.

Hindi lamang nagpokus si Bangkal sa pagne-negosyo kundi nagtanim narin sya ng palay at tubo. Naging maunlad na rin si Bangkal kasama

ang kanyang mga kapatid. Nagtulungan sila sa pagpapalago ng lupaing naiwan ng ama at sigurado silang masaya at nabigyan nila ito ng karanga-

lan.

Makalipas ang ilang dekada, nagpatuloy sa pag-unlad ang lupain hanggang sa ipinangalan na sa kanila ang lupaing pinamunuan at pina-unlad.

Tinawag itong Asia, Ipala, Lubay, Ilo, Candon, at Bangkal upang magbigay pugay sa anim na magkapatid. Kalaunan ang Asia naging Hinoba-an,

ang Ipala naging Sipalay, ang Lubay naging Cauayan, ang Ilo, naging Ilog, ang Candon naging Candoni, at ang Bangkal naging Kabankalan. Ang

anim na lupaing ito ang bumubuo sa ika-anim na distrito sa probinsya ng Negros Occidental sa kasalukuyan.

Kaya, laging tandaan na hindi dahil mahina ka sa isang aspeto ng buhay, ay mahina ka na rin sa lahat. Lahat ng tao ay may magkaka-ibang

talento at kakayahan, maging matiyaga lang sa pagtuklas nito at sa paggamit nito hindi lamang sa kabutihan ng isa, kundi ng karamihan.
Nagsimula ang istorya sa mag-asawang Toto at Inday na may anim na mga anak na pinangalanan nilang Lubay, Asia, Ilo, Candon,

Bangkal, at Ipala. Masaya at matiwasay silang namumuhay at namamahala na may masaganang ani sa kanilang malawak na lupain sa

Timog. Tinuruan din ni Toto ang mga anak sa pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop. Subalit, hindi nagtagal, ay nagkasakit at namatay

si Toto. Kung kaya't naiwan sa asawa at mga anak ang pag-aalaga ng kanilang lupain. Ang huling bilin ng ama ay ang palaguin ang

bawat piraso ng lupaing nakatakda sa bawat isa sa kaniyang mga anak.

Ang istorya ay nakapokus sa anak na si Bangkal kung saan siya'y nahirapan sa pagtuklas ng kanyang talento sa pagpapalago ng lupain,

sapagkat sa kanilang anim na magkakapatid, siya lamang ang walang masyadong alam sa pagsasaka at pag-aalaga ng hayop at ang nai-

wang hindi maunlad ang pamumuhay. Paano kaya nya mapapalago ang lupain? Matutupad ba niya ang bilin ng kaniyang ama? Nag-

tagumpay kaya silang anim na magkakapatid?

You might also like