You are on page 1of 1

HANDIONG

Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas mabait at matipuno. Anak siya ni Handiong ang pinuno ng
kanilang bayan. Isang araw ikinuwento sa kanya ng ama ang kalunos lunos nilang kalagayan sa kanilang
bayan. Marami silang kaaway na dumating upang patayin at sirain ang kanilang pinagkukunan ng
ikabubuhay. Ang iba sa kanila ay namatay na dahil sa kagutuman."Pagod ng lumaban ang mga tao at
gusto na nila ng mapayapang buhay" sambit ng kanyang ama. "Ano ang gusto mong ipagawa sa akin
ama" tanong ni Baltog.

Tumingin ng direstso sa kanyang mata ang kanyang ama at hinawakan sa balikat.

"Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay tayong panatag at payapa." Iginala nya ang kanyang
mata sa paligid at nakita nya ang kahirapan na nangyayari sa kanilang bayan at siya din ay nalungkot.
"Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka pa, malakas at
matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga mamamayan." muling dugtong ni
Handiong.

Nagbigay ng basbas si Handiong kay Baltog. Kinagabihan naglayag si Baltog sakay ng isang maliit na
bangka na magdadala sa kanya sa lugar ng Kabikulan. Sa malawak na dagat, nasagupa ni Baltog ang
malakas na hangin at malalaking alon na sumira sa kanyang bangka. Kinailangan niyang lumangoy at
muntikan na siyang malunod bago niya ligtas na narating ang dalampasigan ng baybaying bayan ng
Kabikulan.

Nang makarating siyanagsimula siyang magikot hanggang nakita niya ang lupain ng Ibalon isang
magandang lugar para sa kanya at sa mga mamamayan. Ang lupa ay mataba at magandang pagtamnan
ng mga halamang ugat, palay at mga gulay. Ito rin ay maganda para sa kanilang mga hayop. Para itong
lupain ng gatas at pulot.

Nagustuhan ni Baltog ang lupain. Ngunit meron palang naninirahan ditong ilang buwaya na may pakpak
na nakakalipad, mga baboy ramong kasinglaki ng elepante at isang sawa na may ulo ng isang babae.
Pero desidido si Baltog na mapasakanila ang lupain ng Ibalon.

Kaya nilabanan niya ang mga buwaya at mga baboy ramo ng buo niyang lakas. Dahil sa kanyang galing sa
mano-manong pakikipaglaban natalo niya lahat ng buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at pinagpira-
piraso. Ngunit, ang sawa na may ulo ng babae ay nakatakas at humanap ng ibang matitirahan.

Bumalik na siya sa kanilang bayan at ibinalita sa kanyang ama ang tungkol sa lupain di na sila nagsayang
ng oras at agad agad silang umalis kasama ang mga mamayanan. Tinuruan nina Handiong at Baltog ang
mga mamamayan ng ilang paraan upang magkaroon ng kabuhayan. At hindi nagtagal ay gumanda ang
kanilang pamumuhay. Pinuno nila ang lupain at nagkaroon sila ng masaganang ani. Sa lupaing iyon ang
gutom ay naging alaala na lamang ng nakaraan.

You might also like