Professional Documents
Culture Documents
Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni
Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa
Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan.
Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.
Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na
kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at
nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay
nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang
magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa
ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng
kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang
lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na
tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng
mahabang panahon.