You are on page 1of 1

ANG ASO AT ANG UWAK

May ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.


Tinangay niya ito at lumipad ng malayo. Sa dulo ng sanga ng
isang puno, sinimulan niyang kainin ang karne. Ngunit narinig
niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabi: “Sa lahat ng
ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”.
Natuwa ang uwak at binuksan ang bibig para humalakhak. Ang
nangyari ay nalaglagang ang karne mula sa kanyang bibig.
Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso.
THE END
Aral: Huwag agad maniwala sa papuri dahil ang papuri ay
maaaring uri ng panloloko rin.

You might also like