You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
Tanay Sub-Office
STA INES INTEGRATED HIGH SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Petsa: ___________________
Baitang at Pangkat: ___________________

I. Inaasahang Bunga:
Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan sa mga mag-aaral na makakamtan ang mga sumusunod:
1. Natutukoy ang mga uri at anyo ng mga panitikang Asyano.

II. Paksang Aralin: Uri ng Panitikan sa Asya


Kagamitan: Pisara, mga larawan, Sangguniang Aklat at Pantulong-Biswal
Sanggunian: Fil 9: Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral (DepEd)
CG K to 12 Curriculum – Filipino
MELCS – Filipino 9

Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagtala ng Liban
3. Pagbibigay-pansin sa kalinisan ng silid
4. Pagwawasto ng Takdang Aralin
Tatawag nang kahit limang bata na magrerecite ng Vision, Mission at Core Values ng
DepEd

5. Pagbabalik-aral
a. Ano ang Bisyon ng DepEd?
b. Ano ang Misyon ng DepEd?
c. Ano ang mga pangunahing pagpapahalaga ng DepEd?

III. Pamamaraan

A. Aktibiti
Sa pamamagitan ng puzzle, buuin ang mapa ng Kontinente ng Asya.

B. Analisis

School ID: 308118 Facebook: DepEd Tayo Blue Rizal Sta. Ines National High School
Email: 308118@deped.gov.ph Address: Estefania Street, Barangay. Sta. Ines, Tanay, Rizal
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
Tanay Sub-Office
STA INES INTEGRATED HIGH SCHOOL

Batay sa isinagawang aktibidad, sagutin ang mga sumusunod:


1. Ano-ano ang mga bansa/rehiyon ang kabilang Asya?
2. Ano ang mga bansang may malalaking teritoryo sa Asya?
3. Magbigay ng isang bansa sa Asya na pamilyar ka na.
4. Magbigay ng mga halimbawa ng mga bagay, pagkain, pelikula, kasuotan, kultura, kaugalian o
mga pagdiriwang na alam mong makikita sa napiling bansa sa Asya?
5. Sa iyong palagay ang mga bagay na ito ba ay nakaiimpluwensiya sa pamumuhay ng lipunang
Asyano? Sa kanilang panitikan?

C. Abstraksiyon

URI NG PANITIKAN SA ASYA

AKDANG TULUYAN/PROSA AKDANG PATULA/TALUDTURAN


(PROSE) (POETRY)

PIKSIYON DI-PIKSIYON NARATIBO/ LIRIKO/


(FICTION) (NON-FICTION) PASALAYSAY PADAMDAMIN

SANAY-
NOBELA EPIKO ODA
SAY

ANEK-
ALAMAT KORRIDO ELEHIYA
DOTA

MAIKLING TALUM-
DALIT
KUWENTO PATI
AWIT /
TULA-
SINTA
PABULA BALITA (Metrical PASTORAL
Romance)

PARA- TALAM- HAIKU


BULA BUHAY

EDITO-
MITO TANKA
RIYAL

KUWENTONG LATHA-
SONETO
BAYAN LAIN

TALA-
AWITSUYO
DAGLI ARAWAN

D. Aplikasyon

School ID: 308118 Facebook: DepEd Tayo Blue Rizal Sta. Ines National High School
Email: 308118@deped.gov.ph Address: Estefania Street, Barangay. Sta. Ines, Tanay, Rizal
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
Tanay Sub-Office
STA INES INTEGRATED HIGH SCHOOL

D.1. Pilot Section


Sa pamamagitan ng pangkatang gawain, ang bawat pangkat ay magbibigay ng mga halimbawa ng mga
panitikang mula sa Asya na makikita, binabasa, napapanood o itinuturo sa ating lugar.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Kaangkupan ng mga Halimbawang Inilahad: 5pts
Presentasyon: 3pts
Pagkakaisa ng Pangkat: 2pts
Kabuuan: 10pts

D.2. Regular Section


Sa pamamagitan ng pangkatang gawain, ang bawat pangkat ay maglalahad ng mga natutunan patungkol
sa katangian ng mga halimbawa ng panitikang matatagpuan sa Asya tulad ng mga sumusunod:
Pangkat 1: FPJ’s Ang Probisyano
Pangkat 2: Halimbawa ng Korean Drama/Movies
Pangkat 3: Obra Maestrang Asyano (Ibong Adarna)

IV. Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. May dalawang pangunahing uri ng panitikan. Ito ay ang panitikang tuluyan o prosa at panitikang tugmaan
o patula. Ano ang pagkakaiba ng dalawa?
A. Ang prosa ay nabubuo sa pamamagitan ng mga tugma, sukat at taludtod, samantalang ang patula ay
nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng mga pangungusap, pahayag at mga talata.
B. Ang prosa ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng mga pangungusap, pahayag at mga talata,
samantalang ang patula ay nabubuo sa pamamagitan ng tugma, sukat at taludtod.
C. Ang prosa ay nagsasalaysay samantalang ang patula ay inaawit.
D. Ang prosa ay isang piksyon samantalang ang patula ay di-piksyon.

2. May dalawang uri ng panitikang patula. Ito ay ang tulang liriko at tulang pasalaysay. Ano ang pinagkaiba
ng mga tulang ito?
A. Ang liriko ay may layuning awitin, samantalang ang pasalaysay ay may layuning magkuwento.
B. Ang liriko ay nabibilang sa panitikang piksyon samantalang ang pasalaysay ay di-piksyon.
C. Ang liriko ay nakatuon sa pagpapahayag ng marubrob na damdamin, samantalang ang pasalaysay ay
nagkukuwento ng mga pangyayari sa paraang patula.
D. Lahat ng mga nabanggit ay tama.

3. Ang panitikan ay maaaring mahati sa piksyon o di-piksyon. Piliin ang wastong analohiya na nagpapakita
ng tamang halimbawa ng panitikang piksyon at di-piksyon.
A. Piksyon: Anekdota; Di Piksyon: Epiko C. Piksyon: Tula; Di Piksyon: Sanaysay
B. Piksyon: Balita; Di Piksyon: Kasaysayan D. Piksyon: Alamat; Di Piksyon: Talambuhay

4. Ang awit ay nabibilang sa Panitikang Patula. Maaaring makita ito sa Tulang Pasalaysay at Tulang Liriko.
Piliin ang halimbawa ng awit na maiuuri sa tulang pasalaysay.
A. Paubaya (ni Moira Dela Torre) C. Florante at Laura (ni Francisco Baltazar)
B. Tatsulok (ni Bamboo) D. Hari ng Tondo (ni Gloc9)

5. Anong uri ng tulang pasalaysay ang tumatalakay sa kabayanihan ng isang tao laban sa mga supernatural na
puwersa? Ang halimbawa nga nito ay ang Ibalon, Bi-ag ni Lam-ang at Tulalang.
A. Epiko B. Alamat C. Mitolohiya D. Parabula

Index of Mastery
Frequenc
y
5
4
3
2
V. Takdang-Aralin 1

School ID: 308118 Facebook: DepEd Tayo Blue Rizal Sta. Ines National High School
Email: 308118@deped.gov.ph Address: Estefania Street, Barangay. Sta. Ines, Tanay, Rizal
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
Tanay Sub-Office
STA INES INTEGRATED HIGH SCHOOL
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikang Asyano?
A. Dahil ito ay itinakda ng kurikulum ng DepEd.
B. Dahil wala lang maituro ang mga guro sa Filipino.
C. Upang magkaroon tayo ng higit na kamalayang global patungkol sa angking kasaysayan, kultura,
paniniwala at kaisipang Asyano.
D. Upang magkaroon tayo ng mga babasahing aklat na magsisilbing libangan natin kung wala tayong
ginagawa.
2. May tatlong anyo ng panitikan. Ang mga WattPad, E-book at mga artikulong naka-post o publish sa social
media o saanmang website ay maibibilang natin sa anong anyo ng panitikan?
A. Pasalindila B. Pasalinsulat C. Pasalintroniko D. Pasalin-salin

3. May mga matatandang pamahiin, kuwentong matanda, at mga tugmaang naririnig natin mula sa mga
matatanda na walang makapagsasabi kung sino ba ang lumikha o nag-akda sapagkat ito ay naipapasa
lamang sa pamamagitan na paulit-ulit na pagkukuwento. Sapagkat ito ay nasasalin sa mga henerasyon., ito
ay naiingatan hangang sa kasalukuyan. Anong anyo ng panitikan ang tinutukoy?
A. Pasalindila B. Pasalinsulat C. Pasalintroniko D. Pasalin-salin

4. Anong uri ng prosa ang ginamit ng ating mga ninuno sa kanilang pagtatangkang ipaliwanag ang
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig?
A. Mitolohiya B. Alamat C. Sanaysay D. Maikling Kuwento

5. Anong uri ng prosa ang gumagamit ng mga hayop bilang tauhan sa akda?
A. Parabula B. Pabula C. Korido D. Mitolohiya

VI. Kasunduan (Closure)


Pagmunihan ang kasabihang ito:

Pinagkunan: https://epikokapaligiran.blogspot.com/2021/06/talata-sa-pinagkaiba-iba-ng-alamat.html

Inihanda ni:

JONATHAN R. PEREZ
Guro sa Filipino

Iwinasto:

ESMERALDO T. TAYAM
HT-I

Binigyang-Pansin:

ALLAN R. BUENAMENTE
HT-III, School Head, SIIHS

School ID: 308118 Facebook: DepEd Tayo Blue Rizal Sta. Ines National High School
Email: 308118@deped.gov.ph Address: Estefania Street, Barangay. Sta. Ines, Tanay, Rizal

You might also like