You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-B
Division of Puerto Princesa
PALAWAN NATIONAL SCHOOL
Puerto Princesa City

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Luzon.
B. Pamantayan sa Pagganap
 Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news
casting) tungkol sa kanilang sariling lugar.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
 Naisusulat ang sariling tula/ awiting panudyo, tugmang de-gulong, at
palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan (F7Pu-IIIa-c-13)

D. Tiyak na Layunin
 Nakabibigay ng mga salita o pahayag na may kaugnayan sa salitang
karunugan
 Nakapagbabahagi ng mga halimbawa ng bugtong at palaisipan
 Nakasusulat ng sariling tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong, at
palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan.

II. NILALAMAN
A. Paksa : Mga kaalamang-bayan (Tulang/Awiting Panudyo,
Tugmang de-Gulong, Bugtong, Palaisipan)
B. Sanggunian : Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmla
Esguerra-Jose at Alma M. Dayag Pinagyamang Pluma:
Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan, Phoenix
Publishing House, Pp. 280-290
: Albert A. Lagrimas Sikhay: Wika at Panitikan ( K to 12
edisyon) Sunshine Interlinks Publishing House, INC. Pp.
200-216
C. Kagamitang Panturo : PowerPoint Presentation, Kagamitang Biswal gaya ng
Manila Paper at Cartolina
III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimula

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng lumiban

B. Balik-aral sa nakaraang aralin at Ang mga elemento sa pagsulat ng awitin ay ang


pagsisimula ng bagong aralin mga sumusunod;

Noong nakaraang linggo ay tinalakay 1. Sukat


natin ang tungkol sa awiting bayan na 2. Tugma
kung saan kayo ay nagsulat ng sarili 3. Kariktan o kagandahan
ninyong awiting-bayan. 4. Talinghaga

Ibigay ang elemento sa pagsulat ng


awitin.

C. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Panuto: Palawakin ang iyong kaalaman KAALAMAN PAG-


sa salitang nasa loob ng bilog sa UNAWA
pamamagitan ng pagbibigay ng mga
salitang kaugnay nito. KARUNUNGA

KAISIPAN TALINO

KARUNUNGA

-Tungkol sa karunungan
1. Batay sa ating panimulang gawain, ano - Tungkol sa mga kaalaman
sa tingin ninyo ang ating tatalakayin sa -Tungkol sa iba’t ibang kaisipan
araw na ito?

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


Bagong Aralin

Sa araw na ito ay ating tatalakayin ang


tungkol sa karunungang-bayan.

Ang tula ay isa sa panakamatandang uri


ng akdang pampanitikan sa ating bansa.
Masasabing ang tula ang pinagmulan ng
iba pang anyo ng panitikan tulad ng
kasabihan, bugtong, dula, at iba pa.

Isa sa mga sinaunang panitikan ng


Pilipinas na tumutukoy sa mga aral na
nagmula sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng ating mga ninuno na
nagsisilbing batayan at gabay hanggang
ngayon ay ang karunungang-bayan. Ang
tulang panudyo, tugmang de gulong,
bugtong, palaisipan ay kabilang sa mga
karunungang bayan.
Bugtong
Klas, maari ba kayong makapagbahagi -Isang supot na uling,
ng halimbawa ng mga bugtong at mga naroroo’t bibitin-bitin.
palaisipan? -Duhat
-May ulo’y walang buhok,
May tiyan walang pusod.
-Palaka

Palaisipan

Sumandal ako sa dyip, sumandal ako. Ano ang


dala ko?
-Suman

Ano ang masarap sa sinabi ko?


-Biko

E. Pagtalakay sa bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #1

Ang mga karunungang bayan ay ang


mga sumusunod:

Tulang Panudyo- Isang uri ng akdang


patula na kadalasan ay ang layunin ay
manlibak, manukso, o mang-uyam.

Halimbawa:

 Ang amoy mo ay parang isda


kasing amoy ng patay na daga.
 Pedro Penduko
matakaw sa tuyo
nang ayaw maligo
kinuskos ng guro.

Tugmang de gulong- Mga paalala na


maaring makita sa mga pampublikong
sasakyan tulad ng dyip, bus, traysekel.
Karaniwang ito ay batay sa nakatutuwang
pangyayari at nakabatay sa kasabihan o
maikling tula na nagpapaalala sa mga
dati nang kaalamang batid na ng mga
Pilipino.

Halimbawa:

 God knows Hudas not pay.


 Ang di magbayad walang
problema, sa karma pa lang
bayad ka na.

Bugtong- Gumagamit ng talinhaga o mga


metapora sa pagsasalarawan ng isang
partikular na bagay o mga bagay na
hulaan. Maikli lamang at binibigkas ng
patula. Madalas itong nangangailangan
ng katalinuhan at maingat na pagninilay-
nilay para mahuluaan ang palaisipan o
tanong.

Halimbawa:

 Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y


pako.
Sagot: Langka

 Kung kailan mo pinatay saka pa


humaba ang buhay
Sagot: Kandila

Palaisipan- Nasusulat sa anyong tuluyan.


Ginagawa ito upang subukin ang talas ng
isipan upang masagot agad ang isang
katanungan.

Halimbawa:

 Ano ang prutas na payat?


Sagot: Kasuy dahil labas ang buto
nito.

 May dalawang aso. Ang isa ay


pinakawalan at ang isa ay
nanatiling nakakulong. Sino ang
ang sisigaw na “pakawalan ninyo
ako”?
Sagot: Wala dahil hindi
nagsasalita ang aso.

F. Pagtatalakay sa bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2 Rubrik sa Pagsulat ng Karunungang-Bayan

Pangkatang Gawain Pamantayan sa


Pagmamarka
Nakapagaling
(4)
Nagagawa Na
(2-3)
Magsikap Pa
(0-1)
Nilalaman Lubusang Nakapaglahad ‘Di
nakapaglahad ng nakapaglahad
Panuto: Sumulat ng sariling halimbawa ng impormasyon/ ng
ng karunungang-bayan batay sa impormasyon/ kaisipan sa impormasyon/
kaisipan sa maayos na kaisipan sa
itinakdang pangkatang gawain. maayos na paraan. maayos na
paraan. paraan.
Pagkakabuo Lubusang Nakapaglalahad Di malinaw ang
Pangkat 1 – Tulang Panudyo nakapaglahad ng dalawa inilahad na
Pangkat 2 – Tugmang de-Gulong ng hanggang impormasyon o
impormasyon/ tatlong kaisipan.
Pangkat 3 – Bugtong kaisipan mula inaasahang
Pangkat 4 – Palaisipan sa lima o higat
pang
impormasyon o
kaisipan.
inaasahan.
Kaangkupan sa Angkop na Hindi gaanong Hindi angkop
Paksa angkop ang angkop ang ang mga salita
mga salita sa mga salita sa sa tamang
tamang tamang pamantayan sa
pamantayan sa pamantayan sa pagbuo ng
pagbuo ng pagbuo ng karunungang-
karunungang- karunungang- bayan
bayan. bayan
Pagkamalikhain Lubos na Hindi gaanong Walang
nagpamalas ng naging ipinamalas na
pagkamalikhain malikhain sa pagkamalikhain
sa paghahanda. sa
paghahanda. paghahanda.

G. Paglinang ng Kabihasaan (tungo sa


Formative Assessment)

-Magbabahagi ang mga mag-aaral ng kanilang


mga ginawang pangkatang gawain.

Ang guro ay magbibigay ng fidbak sa


mga mag-aaral.
H. Paglalapat ng aralin sa Pang-araw-
araw na Buhay

Batay sa inyong mga ginawang -Ito ay sumasalamin sa pagiging masiyahin ng


pangkatang gawain, anong kaugaliang mga Pilipino.
Pilipino ang iyong maisasalamin? - Ito ay sumasalamin sa pagiging malikhain ng
mga Pilipino.
- Ito ay sumasalamin sa pagkakaroon ng
ugnayan ng mga Pilipino sa bawat isa.

I. Paglalahat ng Aralin

Bakit mahalagang buhayin at panatilihan -Sapagkat naipapabatid nito ang sariling


ang mga karunungang-bayan gaya ng kahusayan, mga kapintasan at kahinaan upang
tulang panudyo, tugmang de-gulong, maging daan sa pagpapabuti at pagpapaunlad
bugtong, at palaisipan? ng kakayahan ng isang tao.

-Sapagkat natutuklasan ang angking talino at


kasanayan.

-Sapagkat naipapabatid at naipapakita ang


pagiging isang tunay na Pilipino na marunong
magmahal sa sariling kultura.

J. Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang


pagpapahayag ay tama at MALI kung ito ay hindi
Ang guro ay magbibigay ng binary type of nagpapahayag ng kawastuhan.
test. Ito ay isang uri ng summative type
assessment. ________1. Ang tulang panudyo ay ginagawa
upang subukin ang talas ng isipan at masagot
Susi sa pagwawasto: agad ang isang katanungan.

1. Mali - Palaisipan ________2. Ang tugmang degulong ay mga


2. Tama paalala na maaring makita sa mga pampublikong
3. Mali - Bugtong sasakyan tulad ng dyip, bus, traysikel.
4. Mali- Tulang panudyo
5. Tama ________3. Ang palaisipan ay maikli lamang at
binibigkas ng patula. Madalas itong
nangangailangan ng katalinuhan at maingat na
pagninilay-nilay para mahuluaan ang palaisipan
o tanong.

________4. Ang bugtong ay isang uri ng akdang


patula na kadalasan ay ang layunin ay manlibak,
manukso, o mang-uyam.

________5.Ang karunungang-bayan ay
kinabibilangan ng tulang panudyo, tugmang de-
gulong, palaisipan, at bugtong.

H. Karagdagang Gawain para sa


Takdang-aralin at Remediation

Pag-aralan ang tinalakay sa loob ng isang


linggo at maghanda para sa mahabang
pagsusulit sa susunod na linggo.

Inihanda ni:

IAN CHRISTIAN U. CADIZ


Gurong-Mag-aaral

Sinuri at Pinagtibay ni:

AIKA JOY C. ESCALONA


Teacher III

You might also like