You are on page 1of 14

SCHOOLS DIVISION OF

SCHOOLS DIVISION OF ILOILO


ILOILO Luna Street, La Paz,
Luna Street, La Paz, Iloilo City
Iloilo City

Elementary
Baitang 4

Music, Arts, Physical Education and Health

KAMAPEHMILYA
Kagamitang Angkop sa Malikhain at Aktibong Pagsasanay sa Edukasyong Hahasa sa Mag -aaral
upang Isaalang-alang ang Lahat ng Yamang Angkin

ARTS 4 - Quarter 2 - Week 3-4

Kultura at Sining ng mga Kultural


na Pamayanan sa Bansa

Baitang 4- MAPEH (Arts)


Mga Kompetensi:
Pagtalakay sa mga larawan ng mga lokalidad na may kultural na komunidad kung saan ang bawat uri ng pangkat na bumubuo
nito ay may
Baitang natatanging
4- MAPEH (Arts)tirahan at mga gawi. A4EL Pagpapaliwanag
- sa mga kulay at hugis na makikita sa disenyo kultural na
Mga Kompetensi:
komunidad sa bansa. A4EL-IIb pg. 1 - pangkat na

Pagpapaliwanag sa mga kulay at hugis na makikita sa


kultural na komunidad sa bansa. A4EL
SCHOOLS DIVISION OF
ILOILO Luna Street, La Paz,
Iloilo City
Arts Learning Guide
Pangalawang Markahan – LAS 3 & 4
(Kultura at Sining ng mga Kultural na Pamayanan sa Bansa).
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon Sangay ng mga Paaralan ng


Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.
Ang Arts Learning Guide o anumang bahagi nito ay inilathala upang
gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit
na ipinagbabawal.

Development Team of the Arts Learning Guide

Author/Writer: Jocelle Lyn C. Billena

Editors: Dr. Ma. Fe L. Brillantes


Rommel C. Calceña

Illustrator: Rommel C. Calceña


Layout Artist:
Division Quality Assurance Team:Lilibeth E. Larupay
Dr. Ma. Fe L. Brillantes
Management Team: Dr. Roel F. Bermejo
Dr. Nordy D. Siason
Dr. Lilibeth T. Estoque
Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque
Lilibeth E. Larupay
Dr. Ma. Fe L. Brillantes

Baitang 4- MAPEH (Arts)


Mga Kompetensi:
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon , mga gawi, at mga pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa bansa.
A4EL-IId

pg. 2
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Luna Street, La Paz, Iloilo City

Paunang Salita
Masayang pagbati mula sang asignaturang Arts sa ikaapat
na baitang.

Ang Arts Learning Guide ay isinulat, dinesenyo, at ginawa


ng mga Edukasyon sa Departamento sang Edukasyon, Rehiyong
6 – Kanlurang Bisyas, Sangay sang Iloilo. Ito ay ginawa upang
maging gabay sa mga guro at mag-aaral upang mapalawak ang
karungan hingil sa kurikulum ng K to 12 sa larangan ng sining.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-


aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon
sa kanilang kakayahan at kaalaman. Naglalayon din itong
matulungan ang magaaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang Arts Learning Guide na ito ay ginawa upang


matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral
sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw
sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o
sasagutan ang mga gawain sa Learning Kit na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Arts Learning Guide na ito ay ginawa bilang tugon sa


iyong pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay
matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-
Baitang 4- MAPEH (Arts)
Mga Kompetensi:
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon , mga gawi, at mga pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa bansa.
A4EL-IId

pg. 3
SCHOOLS DIVISION OF
ILOILO Luna Street, La Paz,
Iloilo City
aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob dito. Basahin
at unawain upang masundan ang mga panuto.

Learning Activity Sheets (LAS)

Name of Learner: _______________________________


Grade and Section: __________ Date: __________

ARTS 4 ACTIVITY SHEETS for Week 3 and 4


Kultura at Sining ng mga Kultural na Pamayanan sa Bansa

I. Kompetensi at Code
WEEK 1: Depicts in a role play the importance of communities and their
culture.
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa
pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc

WEEK 2: Compares the geographical location, practices, and festivals of


the different cultural groups in the country.
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon, mga gawi,at mga
pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa bansa. A4EL-IId

II. Tuklasin (Art History)


Ang bawat pangkat-etniko sa pamayanang kultural ay may kani-kaniyang
kultura na pinangangalagaan. Mahalaga ang papel ng pamayanan sa buhay ng
bawat katutubo. Ang kanilang pamayanan ang humuhubog sa kanilang
pagkatao. Ang kanilang mga gawi, pag-uugali, paniniwala, mga kaisipan at
damdamin ay impluwensiya ng kanilang kapaligiran sa kanilang pamayanan.

III. Mga Sanggunian:


Musika at Sining 4 (Kagamitan ng Mag-aaral)
Musika at Sining 4 (Patnubay ng Guro)

IV. Mga Aralin/ Gawain


Aralin 1, Gawain 1 (Week 1)
Baitang 4- MAPEH (Arts)
Mga Kompetensi:
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon , mga gawi, at mga pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa bansa.
A4EL-IId

pg. 4
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Luna Street, La Paz, Iloilo City

Maraming natatanging kaugalian at gawi ang kulturang Pilipino na


sumisimbolo sa pagkakakilanlan ng ating lahi. Ang ilan sa mga ito ay patuloy
na pinahahahalagahan at isinasabuhay ng mga tao sa ating pamayanan
tulad ng pagmamano, pagdarasal at pagsisimba ng buong pamilya at
pagdaraos ng mga relihiyosong kapistahan at mga kaganapan. Ilan din sa
mga kulturang Pilipino ang nanganganib na mawala at unti-unting
napababayaan tulad ng bayanihan, paghaharana, at mga pambansang laro.
Bigyan natin ng sulyap ang ilan sa mga mahalagang kaugalian at
gawi ng mga Pilipino na makikita sa ating pamayanan.

photo credit: filipino.net photo credit: filipinoculturejb.weebly.com


PAGMAMANO – ito ay kaugaliang Pilipino na BAYANIHAN –kaugalian na nagpapakita ng
sumisimbolo sa pagkamagalang sa pamamagitan pagtulong-tulungan ng mga tao sa pamayanan na
ng paghalik sa kamay ng mga nakakatanda. walang hinihintay na kapalit o bayad.

photo credit: Remy Boquiren photo credit: gunitadesigns photo credit: Vicente Manansala ‘73
www.mutualart.com www.gunitadesigns.com/listing www.artnet.com
PAGKAMADALANGIN HARANA TRADISYUNAL NA LARO
– natatanging kaugalian ng mga – ito ay tradisyunal na gawi sa “LUKSONG-TINIK”
Pilipino na nagbibigay ng lakas panliligaw o pagbibigay-aliw sa – isa lamang ito sa pinakamasayang
at tibay ng loob sa anumang mga bisita. May ilang mga larong-kalye ng mga Pinoy. Ito’y
laban at pagsubok ng buhay. pamayanan na hanggang nagpapasigla sa mga bata sa isang
Pananampalataya at tiwala sa ngayon ay ginagawa pa ang pamayanan. May magandang dulot
Diyos ang sandigan ng mga panghaharana. ang larong ito sa pisikal at sosyal na
mamamayan sa lahat ng oras. pangangailangan ng mga bata.

Aralin 1, Gawain 2 (Week 1)

Baitang 4- MAPEH (Arts)


Mga Kompetensi:
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon , mga gawi, at mga pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa bansa.
A4EL-IId

pg. 5
SCHOOLS DIVISION OF
ILOILO Luna Street, La Paz,
Iloilo City
Ang iba’t-ibang pamayanang kultural ay may mga sinaunang kultura,
mga paniniwala, gawi at pag-uugali na kanilang pinagyayaman hanggang
sa kasalukuyan. Kadalasan ang kultura ng mga tao sa kanilang kultural na
pamayanan ay may kaugnayan sa kanilang kapaligiran at uri ng
pamumuhay. Pagsasaka, pangingisda, pangangaso ang pangunahing
pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga sinaunang mga Pilipino.

A. Gawain 1: (Dula-Dulaan)
Balikan ang mga larawan sa Aralin 1. Alin sa mga sumusunod na
mga kaugalian at gawi ang iyong ginagawa o gustong maranasan? Pumili
ng dalawang (2) kaugalian o gawi na makikita sa Aralin 1, gumawa ng
munting dula-dulaan kasama ang ilang miyembro ng pamilya. Maaaring
isali si Nanay, Tatay, mga kapatid o kung sino mang kasama sa bahay.

Gawain 2: (Art Production)


Sa mga kaugaliang Pilipino na makikita mo sa iyong pamayanan, alin
ang pinakagusto mo? Ipinta ang isang (1) kaugalian at gawi na nais mong
mananatili sa inyong pamayanan.
Pagpipinta: “Mga Kaugalian o Gawi sa Pamayanang Kultural”
Kagamitan: lapis, water color, brush, 1/4 cartolina o vellum board
(long)
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Pumili ng isang kaugalian o gawi ng mga Pilipino na inilahad sa Aralin 1,
Gawain 1.
3. Pag-aralan ang larawan na gustong ipinta. Iguhit ito sa 1/4 size cartolina o
vellum board.
4. Kulayan ang iyong iginuhit gamit ang water color.
5. Patuyuin ang likhang-sining.
6. Linisin ang mesa at iligpit ang mga gamit.

B. Tayahin (Art Criticism)

Baitang 4- MAPEH (Arts)


Mga Kompetensi:
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon , mga gawi, at mga pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa bansa.
A4EL-IId

pg. 6
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Luna Street, La Paz, Iloilo City

photo credit: Maryann Galeno for Pinterest - Philippines


Planting Rice by Fernando Amorsolo 1951

A. Pag-aralang maigi ang larawan. Isulat sa pangungusap ang iyong sagot


sa mga sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa kultural na pamayanan na
ipinakikita ng larawan?
_______________________________________________________

2. Ano sa palagay mo ang mga kaugaliang Pilipino na maaaring taglay


ng mga tao sa pamayanang ito batay sa ipinakikita ng larawan?
Magtala ng tatlo o mahigit na mga sagot.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

3. Ang larawang ito ay makikita pa kaya sa mga pamayanang kultural


ng mga Pilipino? Kung Oo ang sagot, sa anong uri ng pamayanan ito
makikita?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

2. Guide Questions (Art Appreciation)


Sa isang malinis na sulatang papel, ipaliwanag sa pangungusap
ang iyong gawang sining batay sa mga sumusunod na mga tanong:

A. Anong kaugalian o gawi ang iyong ipininta?


B. Ano ang kahalagahan ng kaugalian o gawing ito sa mga tao na bumubuo
sa isang pamayanan?
C. Paano mo mapapanatili ang mga kultural na kaugalian at gawing Pilipino
sa panahon ngayon?

V. Pagninilay (Reflection)
1. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa mo ang dula-dulaan tungkol
sa mga kaugalian at gawi ng mga Pilipino kasama ang iyong pamilya?

Baitang 4- MAPEH (Arts)


Mga Kompetensi:
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon , mga gawi, at mga pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa bansa.
A4EL-IId

pg. 7
SCHOOLS DIVISION OF
ILOILO Luna Street, La Paz,
Iloilo City
2. Sa pamamagitan ng pagpipinta, paano ka nakakatulong upang
mapahalagahan ang mga kultural na kaugalian at gawi ng mga Pilipino na
mapapanatili hanggang sa susunod na henerasyon?

VI. Gabay sa Tamang Kasagutan


Answers may vary
Tayahin:

VII. Tuklasin (Art History)


Ang Pilipinas ay isang bansa na puno ng masasaya at makukulay na
kultura. Pinatitingkad ang kultura nito ng samot-saring kapistahan na nagdadala
ng kasiyahan sa mga tao saan mang bahagi ng bansa.
Ang bawat probinsiya at bayan sa Pilipinas ay may natatanging
pagdiriwang o festival na naging bahagi ng kanilang pagkakakilanlan. Ito rin ay
bunga ng kanilang heograpikal na lokasyon o kapaligiran na kinabibilangan. Sa
ganitong pagdiriwing nasasalamin at nakikilala ang kaugalian, gawi at uri ng
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Iba-iba rin ang kanilang pamamaraan sa
pagpapakita ng kanilang debosyon at paniniwala. Ang mga ito ay
matutunghayan sa mga indak at saliw ng musika na makikita at maririnig sa
kanilang palabas. May epekto rin ang mga tradisyon na ito sa kanilang
kasalukuyang sining at disenyo.

VIII. Mga Sanggunian:


Musika at Sining 4 (Kagamitan ng Mag-aaral, Patnubay ng Guro)

IX. Mga Aralin/ Gawain (Week 2)


Ang bawat lugar, probinsya o bayan sa Pilipinas ay may kani-kaniyang
panahon ng pista. Ito ay parangal sa santong patron ng lugar at ginagawang
isang beses sa isang taon. Ang iba naman ay nagpapakilala ng pangunahin o
kilalang produkto sa lugar na nasasakupan. Ito’y paraan ng panghihikayat sa
mga turista o kapitalista upang mapa-unlad ang ekonomiya at kultura ng isang
lugar. Masasaya ang tugtugin at musika na puno nang kasiyahan sa
pagsasayaw at pagkain na tampok din sa pagdiriwang. Ilan sa mga sumusunod
ay ang mga kilalang festival sa rehiyon ng Panay at probinsya ng Iloilo.

Baitang 4- MAPEH (Arts)


Mga Kompetensi:
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon , mga gawi, at mga pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa bansa.
A4EL-IId

pg. 8
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Luna Street, La Paz, Iloilo City

Photo credit: https://imtnew.net/dashboard Photo credit: https://www.google.com/imgres


Pinterest-Philippines
DINAGYANG FESTIVAL – ito ay prestihiyusong MANGGAHAN FESTIVAL – ito ay kilalang
festival ng probinsya ng Iloilo. Ito’y pagdiriwang pagdiriwang sa probinsya ng Guimaras. Kilala
sa kapistahan ng batang Hesus. Kilala ang ang probinsiyang ito sa tamis ng kanilang
pagdiriwang na ito dahil sa makukulay na damit mangga na sagana sa buong probinsya.
ng mga mananayaw at galing at liksi ng mga Marami ang dumadalo upang matunghayan ang
Ilonggo sa pagsasayaw. makulay na festival na ito.

Photo credit: https://imtnew.net/dashboard Photo credit: https://images.app.gov.g/


TtbmmKFUuYo74bG29
PINTADOS DE PASSI – sa festival na ito KASAG FESTIVAL –ang festival na ito ay
matutunghayan ang tradisyunal na kultura ng mga pinagdidiriwang ng mga mamayan ng bayan ng
tao sa lalawigan ng Passi. Makikita ang bakas ng Banate sa probinsya ng Iloilo. Masagana sa mga
pinta o tattoo sa katawan ng mga mananayaw lamang dagat ang bayang ito. Kilala ang bayan ng
bilang isa sa kanilang kultura na nagpapakita sa Banate sa dami at naglalakihang alimango o blue
kakisigan at katapangan ng mga Pasinhon. crab.

Aralin 2, Gawain 1
Sagutin ang mga katanungan batay sa larawan ng iba’t-ibang pagdiriwang o
festival na ipinakikita sa aralin.
1. Ano ang napapansin mong kulay na nangingibabaw sa mga pagdiriwang?
2. Bakit ang mga kulay na ito ang kadalasang ginagamit sa ganitong uri ng
pagdiriwang?
3. Ano ang pagdiriwang ng inyong lokal na pamayanan o bayan na idinadaos
ninyo taon-taon?
4. Bakit ito ang pangalan ng inyong festival?
5. Ano ang iyong pakiramdam sa tuwing may pagdiriwang sa inyong bayan?

Aralin 2, Gawain 2 (Week 2)


X. Gawain: (Art Production)
Pagpinta: Mga Pagdiriwang sa Pamayanang Kultural
Baitang 4- MAPEH (Arts)
Mga Kompetensi:
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon , mga gawi, at mga pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa bansa.
A4EL-IId

pg. 9
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Luna Street, La Paz, Iloilo City
Kagamitan: lapis, water color, brush, 1/4 cartolina o vellum board (long)

Direksyon: Alamin ang pagdiriwang sa inyong bayan o lungsod ng Iloilo.


Maaaring maghanap ng larawan nito sa google o sa mga social
media kagaya ng facebook. Ipinta ang larawan ng pagdiriwang kung
saan ipinapakita nito ang sentro ng selebrasyon o festival.

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Pag-aralang mabuti ang larawan ng festival ng inyong bayan o lalawigan
ng Iloilo.
3. Pag-aralan mabuti ang disenyong napili at iguhit sa ¼ cartolina o vellum
board (long).
4. Kulayan ang iyong iginuhit gamit ang water color.
5. Patuyuin ang likhang-sining.
6. Linisin ang mesa at iligpit ang mga gamit.

B. Tayahin (Art Criticism)


Pag-aralang maigi ang mga larawan ng mga festivals sa araling ito.
Isulat sa pangungusap ang iyong sagot sa mga sumusunod na mga
tanong:
1. Bakit mangga ang sentro ng pagdiriwang sa Manggahan Festival sa
Guimaras habang alimango naman ang sentro sa pagdiriwang ng Kasag
Festival sa Banate?

2. Ano ang kinalaman ng heograpikal na lokasyon o kinaroroonan ng


kanilang lugar sa pagpili ng festival na ito?

3. Sa palagay mo, bakit makukulay ang damit ng mga mandirigma ng


Dinagyang Festival kaysa sa mga mandirigma ng Pintados de Passi?
Saan hango o nanggaling ang mga kulay na ginagamit sa kasuotan ng
mga kalahok sa Dinagyang Festival?

4. Bakit makikisig at matatapang ang mukha at ayos ng mga mandirigma at


mananayaw ng Pintados de Passi kaysa sa mga mananayaw ng
Manggahan Festival? Ano ang pinagbabatayan nito?

XI. Guide Questions (Art Appreciation)


Baitang 4- MAPEH (Arts)
Mga Kompetensi:
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon , mga gawi, at mga pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa bansa.
A4EL-IId

pg. 10
pg. 11
A4EL-IId
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon , mga gawi, at mga pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa bansa.
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc
Mga Kompetensi:
Baitang 4- MAPEH (Arts)
Tayahin:
1. Dahil manga ang pangunahing produkto at ikinabubuhay ng mga tao sa
probinsya ng Guimaras. Samantala, ang bayan ng Banate ay malapit sa
karagatan at masagana sa lamang dagat kagaya ng alimango.
2. Ang heograpikal na lokasyon o kinaroroonan ng lugar ang tumutukoy sa uri
ng pamumuhay ng mga tao at humuhubog sa kanilang kultura, gawi at
paniniwala. Ang kanilang tradisyunal na pagdiriwang o festival ay hango sa
uri ng pamumuhay na dulot ng kanilang heograpikal na lokasyon.
3. Ang mga mandirigma ng Dinagyang Festival ay may makukulay na damit
hango sa kasuotan ng Mahal na Batang Hesus na siyang sentro ng
pagdiriwang nito. Samantala, ang mga mandirigma ng Pintados de Passi ay
hango sa kinagisnan nilang kultura sa pagpapagawa ng tattoo sa kanilang
balat sa katawan.
4. Makikisig at matatapang ang mukha ng mga mandirigma ng Pintados de
Passi kaysa sa mga mananayaw ng Manggahan Festival dahil ang tattoo na
sentro ng pagdiriwang sa Pintados de Passi ay tanda ng pagiging matapang.
Ang Manggahan Festival naman ay may matatamis at palangiting mukha na
sing-tamis ng kanilang produktong manga.
XIII. Gabay sa Tamang Kasagutan
festival sa inyong pamayanan?
Anong ang iyong nararamdaman sa ganda at kasiyahan na dala ng
XII. Pagninilay (Reflection)
para sa pagkakakilanlan ng isang bayan o lugar? Bakit?
 Mahalaga ba ang mga disenyo at kulay na ginagamit ng bawat festival
sining ng isang lugar?
 Paano naimpluwensiyahan ng festival o mga pagdiriwang ang lokal na
Luna Street, La Paz, Iloilo City
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
SCHOOLS DIVISION OF
ILOILO Luna Street, La Paz,
Iloilo City
Arts 4 Q2 – Summative Test 2
A. PANUTO: Basahin ang sumusunod na katanungan piliin ang titik ng tamang
sagot.
Gawin ito sa inyong notebook.
1. Anong kaugalian ang tawag sa tulong-tulong na paggawa ng mga gawain sa
isang pamayanan na walang hinihintay na kapalit?
A. pagmamano B. bayanihan C. pagdarasal D. pagharana
2. Isang kultural na gawi ang pagmamano. Ano ang simbolo nito?
A. pagtulong B. pagmamahal C. pagkamasipag D. pagkamagalang
3. Bata pa si Lucas. Kailangan niya ng kaibigan at matibay na pangangatawan. Alin
ang makakatulong sa kanya?
A. Paglaro ng online games.
B. Paglaro ng habol-habolan.
C. Pagbuhat ng mga mabibigat na mga bagay.
D. Pagsama sa mga nanghaharana sa kabilang barangay.
4. Ang mga sumusunod ay ang mga gawain na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pamayanan. Alin sa mga ito ang HINDI?
A. Pagbigay ng suporta sa mga programa ng bayan.
B. Paglahok sa mga kaganapan at pagdiriwang sa bayan.
C. Pagsuway at pagkutya sa mga patakaran at batas ng bayan
D. Paggalang at pagsunod sa mga kinagisnang kultura at paniniwala ng bayan.

5. Paano nakakatulong sa bayan ang pagpinta ng mga kaugalian at kultural na


gawi ng mga Pilipino?
A. Pinapaalala ng sining ang mga tao ng kanilang kaugalian at gawi na dapat
pahalagahan.
B. Ang perang galing sa ibinentang mga gawang-sining ay maaaring ibili ng mga
modernong gadget upang may paglaruan ang mga bata.
C. Pinapaalala nito ang hirap ng buhay ng mga katutubo dahil sa mga lumang
paniniwala at gawi ng mga ito.
D. Pinapakita nito ang mga katawa-tawang kalagayan ng mga sinaunang
Pilipino.

Baitang 4- MAPEH (Arts)


Mga Kompetensi:
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon , mga gawi, at mga pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa
bansa. A4EL-IId

pg. 12
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Luna Street, La Paz, Iloilo City

6. Kaing Festival ang tawag sa kultural na pagdiriwang sa bayan ng Leon.


Pagsasaka ang pangunahin nilang ikinabubuhay dahil masagana sa gulay at
prutas ang kanilang lugar. Ang “kaing” ay siyang pinaglalagyan ng kanilang mga
ani at produkto. Iba ito kaysa sa Kasag Festival ng Banate. Ano ang dahilan ng
pagkakaroon nila ng ganitong kabuhayan at pagdiriwang?
A. kinagisnang gawi C. istilo ng pamumuhay
B. heograpikal na lokasyon D. paniniwala at relihiyon

7. Mas makukulay ang mga kasuotan ng mga mandirigma at mananayaw ng


Dinagyang Festival kaysa sa ibang kultural na pagdiriwang dahil
______________________________________________.
A. sagana sa tela at palamuti ang Iloilo.
B. maganda tingnan ang matitingkad na kulay sa T.V.
C. sa gabi ginaganap ang pagdiriwang at kailangan ng makukulay na kasuotan.
D. hango ito sa magarang kasuotan ng Batang Hesus na siyang sentro ng
pagdiriwang.

8. Tultugan ang tawag sa kultural na pagdiriwang sa bayan ng Maasin habang


Pandayan Festival naman ang tawag sa kultural na pagdiriwang sa bayan ng
Badiangan dahil _______________________________________________.
A. magaling gumawa ng bahay ang mga mamamayan doon.
B. kilala sa galing sa pagpanday ng mga patalim ang mga tao doon.
C. kilala sila na magaling sa larangan ng pandirigma gamit ang patalim.
D. magaling sila sa pangunguha ng mga kawayan na ginagawang bahay.

9. Ano ang pinagkaiba ng Dinagyang Festival sa pintados de Passi?


A. Isang relihiyosong pagdiriwang ang Dinagyang, habang ang Pintados
naman ay isang kultural na pagdiriwang.
B. Mananayaw ang tawag sa bumubuo na mga kalahok sa Dinagyang,
samantala mga mandirigma lang ang bumubuo sa Pintados.
C. Pawang bata lamang ang maaaring lumahok sa mga tribu sa Dinagyang,
samantala mga matatanda naman ang bumubuo sa Pintados.
D. Maiitim ang kulay ng balat ng mga mandirigma sa Dinagyang, samantala
pawang mapuputi lamang ang mga mandirigma sa Pintados.

10.Sa pagpinta ng isang pagdiriwang, mahalaga ang may alam tungkol sa tunay na
mga kaganapan upang _____________________________________.
A. mayroon kang ikwento o maipagyabang sa iba.
B. malaman kung nagsisinungaling ang mga unang turista na nakapanood ng
pagdiriwang.
C. maipinta ang mga tao na kilala sa pamayanan at maibenta ito ng mas mahal
at isang magandang oportunidad sa negosyo.
Baitang 4- MAPEH (Arts)
Mga Kompetensi:
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon , mga gawi, at mga pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa
bansa. A4EL-IId

pg. 13
SCHOOLS DIVISION OF
ILOILO Luna Street, La Paz,
Iloilo City
D. ito’y maging makatotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng mga kulay,
disenyo, lokasyon at pangyayari na angkop sa pagdiriwang.

Answer Key – Arts 4 Q2 Summative Test 2 (Note: For Teacher Use Only)

10. D
9. A
8. B
7. D
6. B
5. A
4. C
3. B
2. D
1. B

Baitang 4- MAPEH (Arts)


Mga Kompetensi:
Pagpapakita ng kahalagahan ng pamayanan at ng kanilang kultura sa pamamagitan ng dula-dulaan. A4EL-IIc
Paghahambing sa heograpikal na lokasyon , mga gawi, at mga pagdiriwang ng iba’t-ibang kultural na pangkat sa
bansa. A4EL-IId

pg. 14

You might also like