You are on page 1of 12

Elementarya

Elementarya
Baitang
Baitang 4

Filipino

SANAYAN SA FILIPINO
Ikalawang Kwarter-Linggo
Ikatlong 1-Aralin
Kwarter-Linggo 2- Aralin 2 1

Pagbibigay ng Hakbang ng Isang Gawain

at Pagsusulat ng Simpleng Resipi at Patalastas

1
Kompetensi:
Kompetensi: Nakapagbibigay
Nakapagbibigay ng hakbang
ng hakbang ng isangng isang at
gawain gawain at nakasusulat
nakasusulat ng simpleng
ng simpleng
resipi atresipi at patalastas
patalastas (F4PS-IIIa-8.6;
(F4PS-IIIa-8.6; F4PU-IIIa-2.4)
F4PU-IIIa-2.4)
Filipino – Baitang 4
Sanayan sa Filipino
Pagbibigay ng Hakbang ng Isang Gawain at Pagsusulat
ng Simpleng Resipi at Patalastas
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang Sanayan sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin
ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan
ng Iloilo.
Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino

Writers: Mark John A. Belleza, Rogelio B. Ticar

Florence Therece Fasomingo, Lowela Santisteban
Nhisty Grace Claridad, Leah Declaro, Shela Rose Grandeza
Carlo Legaspina, Nanette Lozada & Irish Kay Gico
& Marlene E. Santillan

Illustrators: Mel June Flores, Ariel L. Amado & Mary Clarence Madero

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor & Eladio J. Jovero

Division Quality
Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan
Armand Glenn S. Lapor, Rogelio B. Ticar

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Ferdinand S. Sy

Dr. Novelyn M. Vilchez, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

2
Kompetensi: Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain at nakasusulat ng simpleng
resipi at patalastas (F4PS-IIIa-8.6; F4PU-IIIa-2.4)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 4.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at

sinuri ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ka, at ang mga gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to 12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa

malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang

pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking
maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o
sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon ka ng kalayaan na pag-aralan
ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa sa kagamitang ito. Basahin at
unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na

papel.

3
Kompetensi: Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain at nakasusulat ng simpleng
resipi at patalastas (F4PS-IIIa-8.6; F4PU-IIIa-2.4)
Nakapagbibigay ng Hakbang ng Isang Gawain
at Nakasusulat ng Simpleng Resipi at Patalastas

Isang magandang araw sa iyo, kaibigan.

Hindi maiiwasan ng bawat mag-aaral ang mga panuto. Sa pagkuha ng mga

pagsusulit at kahit sa pagsagot sa mga pagsasanay sa sanayang ito ay mga hakbang
na dapat sundin. Sa mga gawaing bahay ay may mga hakbang tayong sinusunod.
Kaya mahalagang pag-aralan natin ang mga ito.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang makapagbibigay ng hakbang ng isang

gawain at makasusulat ng simpleng resipi at patalastas, (F4PS-IIIa-8.6).

Handa ka na ba? Halika’t sabay nating tuklasin ang ating aralin.

.
TUKLASIN NATIN

Paano ka nakatutulong sa mga gawaing bahay? Katulad ka ba ni John na

tumutulong sa ina’t ama sa pamamagitan ng pagluluto ng ulam tuwing abala sila sa
iba pang mga gawaing bahay? Halika’t basahin mo ang kanilang usapan para mas
maunawaan mo kung paano si John nakatutulong sa pamilya.

Ang Resipi ni John

Ni: MJ Belleza
Magtatanghali na ay abalang-abala pa rin sa kani-kanilang gawain ang
pamilyang Dela Cruz. Ang ina ni John ay pagod na sa paglilinis ng bahay samantalang
ang ama ay kahihinga pa lamang sa pagkumpuni ng kanilang aparador. Wala pang
pagkain sa pananghalian. Nag-alala na si John dahil ang alam lang niyang lutuin ay
ang magsaing ng kanin.
John: Inay, alam kong pagod ka na. Gusto mo ako na lang ang magluluto ng
ulam natin?
Nanay Beth: Aba! Tamang-tama at parang mapipilay na yata ang mga kamay
ko sa pagod.
Mang Bentoy: Ako rin John. Puwede bang ikaw na lang ang magluto ng ulam? May
mga nahiwang bangus pa sa ating refrigerator. Magluto ka ng paksiw,
kaya ba?
John: Itay, baka hindi ko po alam.
Tatay Bentoy at Nanay Beth: Huwag kang mag-alala. Ituturo namin ang mga
hakbang kung paano magluto ng paksiw na bangus.
John: Sige po, Itay.

1
Kompetensi: Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain at nakasusulat ng simpleng
resipi at patalastas (F4PS-IIIa-8.6; F4PU-IIIa-2.4)
Nanay Beth: Sige ihanda mo ang sumusunod na mga sangkap.
1/2 basong suka 1 basong tubig
2 kutasarang asin 1 kutasaritang paminta
1 katamtamang laking bangus (milkfish)nilinis at hiniwa sa 4 na piraso
1 luya (nakahiwa) 6 (cloves) bawang
1 nakahiwa sibuyas 3 berdeng siling Tagalog
John: Ang dami pala, Inay. Sige, po! Ihahanda ko na po. Ano po ang mga
hakbang sa pagluluto?
Tatay Bentoy: Sundin mo anak ha?
1. Una, painitin ang kawali at ilagay ang suka at tubig.
2. Idagdag ang asin at buong paminta, saka haluin at pakuluin.
3. Pagkatapos ay ilagay ang isda sa kawali, ilagay ang luya,
bawang, sibuyas, at siling Tagalog.
4. Takpan at pakuluan sa loob ng 20 minuto. Ihain kasabay ng kanin
habang mainit pa.
John: Madali lang pala. Tara! Kainan na po, ’Nay ‘Tay.
Nanay Beth: Wow! Ang sarap anak. Kinikilig ako sa sarap.
Tatay Bentoy: Oo nga, anak. Mula ngayon ito na ang resipi mo.

Gawain 1
Panuto: Pagkatapos mong mabasa ang usapan ng pamilyang Dela Cruz, sagutin
mo ang sumusunod na katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Anong resipi ang niluto ni John?

A. litsong paksiw C. paksiw na bangus
B. nilagang karne ng baboy D. sinigang na hipon
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sangkap sa resiping niluto ni John?
A. tubig C. kalamnsi
B. luya D. paminta
3. Ano ang unang hakbang ang ginawa ni John sa paggawa ng kaniyang
resipi?
A. Pagpakulo ng tubig C. Pagpapakulo ng suka
B. Pagpapainit ng kawali D. Paglagay ng isda sa kawali
4. Ano ang ginawa ni John upang maging mas masarap ang kaniyang
inihaing paksiw na bangus?
A. Inihalo niyang lahat ang mga sangkap.
B. Nilagyan niya ng sikretong sangkap ang kaniyang niluto.
C. Sinunod niya ang mga hakbang sa pagluluto ng paksiw na bangus.
D. Pinakuluan niya muna ang suka at tubig bago inilagay ang mga
sangkap.

2
Kompetensi: Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain at nakasusulat ng simpleng
resipi at patalastas (F4PS-IIIa-8.6; F4PU-IIIa-2.4)
5. Gamit ang mga larawan sa ibaba, pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pagluluto
ng bangus na paksiw.

1 2

3 4

A. 1, 2, 3, 4 C. 1, 3, 4, 2
B. 1, 4, 2, 3 D. 1, 3, 2, 4
6. Para mas makatutulong sa mga gastusin ng pamilya, gusto ni John na gawing
negosyo ang kaniyang pagluluto ng bangus na paksiw. Alin sa mga patalastas sa
ibaba ang puwede niyang gamitin sa pagganyak ng mga mamimili?
A. Hmmmm…kapag matikman, siguradong kiligin ka sa sarap.
B. Paksiw na bangus ni John. Masarap na, magaan pa sa bulsa.
C. Order na ng masarap na paksiw na bangus ni John. Kikiligin ka sa tamis
asim. Puno ng sustansiya, siguradong mabubusog ka talaga!
D. Lahat ay tama.
Kumusta ang pagsagot mo sa ating gawain? Madali lang ba? Ano ang dapat
mong gawin para masagot mo ang mga tanong? Halika, alamin natin.

3
Kompetensi: Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain at nakasusulat ng simpleng
resipi at patalastas (F4PS-IIIa-8.6; F4PU-IIIa-2.4)
ALAMIN NATIN

Ngayon at alam mo na ang mga paraan ng pagsagot sa mga tanong, handa ka na

ba sa mga susunod na pagsasanay? Huwag kang mag-alala, madali lang iyon.

Isang paraan ng pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan sa iba ang pagbibigay ng

tuntunin, direksyon at panuto. Sa mga paglalaro o paggawa ng isang bagay, kailangan ang
direksyon o mga hakbang na susundin upang maging madali at maayos ang paggawa ng
mga ito.
Ang panuto ay binubuo ng mga hakbang na sinusunod sa paggawa ng isang bagay
katulad ng pagluluto, pag-eehersisyo, o mga gawaing pampaaralan.
Ito ang mga pamatnubay sa pagsulat ng panuto:
1. Pag-aralang mabuti ang mga larawan o dayagram o gawaing dapat gawin.
2. Isipin muna nang mabuti ang iyong isusulat tungkol sa larawan o gawaing dapat
gawin.
3. Tuwirang ibigay o ilahad nang malinaw ang tuntunin. Iwasan ang paligoy-ligoy na
panuto.
4. Ilahad ang mga panuto nang sunod-sunod.
5. Gumamit ng mga payak na salita.

Halika na at magsanay ka!

SANAYIN NATIN

Gawain 1
Panuto: Marunong ka bang gumawa ng isang kard? Pag-aralan mo ang bawat
larawan sa susunod na pahina at sumulat ng mga panuto tungkol sa
paggawa ng isang kard.

Maghanda ng: -papel

-krayola o watercolor
-gunting
-papel na maykulay
-pandikit
-iba pang dekorasyon

4
Kompetensi: Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain at nakasusulat ng simpleng
resipi at patalastas (F4PS-IIIa-8.6; F4PU-IIIa-2.4)
Panuto: Panuto:
________________________________ ________________________________

Gawain 2
Panuto: Sa tulong ng mga nakatatanda sa bahay, gumawa ng isang resipi ng isang
paboritong lutuin ng iyong pamilya.

Pangalan ng Resipi: _________________________________________________

Mga Kagamitan at Sangkap na Kakailanganin:
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Mga Hakbang:

5
Kompetensi: Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain at nakasusulat ng simpleng
resipi at patalastas (F4PS-IIIa-8.6; F4PU-IIIa-2.4)
Gawain 3
Panuto: Gumawa ng isang patalastas tungkol sa pagganyak ng ibang tao kung ang
iyong niluto ay iyong ibebenta. Isulat ito sa hiwalay na papel.

Binabati kita! Alam mo na kung paano sumunod sa mga panuto? Halika at

tayahin natin ang iyong natutuhan.

TAYAHIN NATIN

Gawain 1
Panuto: Ang ika-apat na baitang na mag-aaral sa Atimonan Elementary School ay
gumawa ng liham paanyaya. Ayon sa kanilang guro, dapat nilang tandaan
ang paraan ng pagtutupi ng liham. Isulat sa hiwalay na papel ang mga
hakbang sa pagtupi nito gamit ang mga larawan sa ibaba.

Panuto: Panuto:
__________________________ _________________________

Panuto: Panuto:
__________________________ _________________________

6
Kompetensi: Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain at nakasusulat ng simpleng
resipi at patalastas (F4PS-IIIa-8.6; F4PU-IIIa-2.4)
Gawain 2
Panuto: Ang adobo ay ang ating pambansang pagkain. Paborito ito ng lahat ng mga
Pilipino. Tuwing may handaan, ang adobo ay hindi nawawala sa ating hapag-
kainan. Sa tulong ng mga nakatatanda sa bahay, gumawa ng isang resipi ng
isang adobo (manok, babok, o gulay). Ilista ang mga kagamitan, sangkap at
mga hakbang sa paggawa nito sa hiwalay na papel

Pangalan ng Resipi: _________________________________________________

Mga Kagamitan at Sangkap na Kakailanganin:
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Mga Hakbang:

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Narito ang pamantayan sa paggawa ng resipi.

Napakahusay Mahusay Mapaghuhusay Nangangailangan

pa pa ng pantulong
na kasanayan

4 3 2 1
Kumpleto at May kulang ng May kulang ng Maraming kulang
buo ang isa sa mga dalawa sa mga sa mga sangkap
Sangkap sangkap na sangkap na sangkap na na kakailanganin
kakailanganin kakailanganin kakailanganin sa pagluluto
sa pagluluto sa pagluluto sa pagluluto
Nasunod nang Nasunod nang Hindi nasunod Hindi nasunod
maayos at maayos ngunit nang maayos nang maayos at
Pagsunod sa walang may konting at may maraming
wastong pagkukulang pagkukulang pagkukulang sa pagkukulang sa
hakbang sa mga sa mga mga hakbang mga hakbang ang
hakbang na hakbang na na isinagawa isinagawa
isinagawa isinagawa
Malinis at Malinis pro di Hindi Marumi at wala sa
maayos ang gaanong masyadong ayos ang kabuuan
kabuuan ng maayos ang malinis at di- ng presentasyon
Presentasyon
presentasyon kabuuan ng gaanong
presentasyon maayos ang
presentasyon

7
Kompetensi: Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain at nakasusulat ng simpleng
resipi at patalastas (F4PS-IIIa-8.6; F4PU-IIIa-2.4)
Gawain 3
Panuto: Gumawa ng isang patalastas tungkol sa pagganyak ng ibang tao kung ang
iyong adobo ay iyong ibebenta upang mapagkakikitaan. Isulat ito sa hiwalay
na papel.

Naging madali ba ang iyong pagsagot?

Ano ang pakiramdam na nasagot mo lahat ang mga pagsasanay?
Ngayon, pwede mo nang mahingi sa iyong mga magulang ang susi sa
pagwawasto.

8
Kompetensi: Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain at nakasusulat ng simpleng
resipi at patalastas (F4PS-IIIa-8.6; F4PU-IIIa-2.4)
resipi at patalastas (F4PS-IIIa-8.6; F4PU-IIIa-2.4)
Kompetensi: Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain at nakasusulat ng simpleng
9
TUKLASIN NATIN
Gawain 1:
1. C 2. C 3. B 4. C 5. C 6. D
SANAYIN NATIN
Gawain 1:
1. Tiklupin ang papel ng apat na beses.
2. Gumuhit ng disenyo na naaayon sa selebrasyon o mensahe. Kulayan ang
disenyo.
3. Sumulat ng mensahe para sa padadalhang kaibigan, nanay o tatay.
4. Maaaring dikitan ng papel na may iba’t ibang hugis at kulay.
Gawain 2: Iba-iba ang sagot
Gawain 3: Iba-iba ang sagot
TAYAHIN NATIN
GAWAIN 1:
1. Gumamit ng malinis na papel. Tiklupin ito ng tatlong beses.
2. Tingnan muli kung ang papel ay nahahati sa tatlong parte.
3. Siguraduhing may sobrang ½ pulgada sa papel na tiniklop.
4. Pagkatapos ay ipasok ang liham sa loob ng sobre.
GAWAIN 2: Ang mga sagot ay maaaring iba-iba.
GAWAIN 3: Ang mga sagot ay maaaring iba-iba.
Quarter 3 Week 1 Lesson 1
Filipino 4
Susi sa Pagwawasto

You might also like