You are on page 1of 8

Four Shepherds Divine Academy, Inc

1st Quarter Filipino 4


GRADE 4 BENEVOLENCE

Aralin 1

GAWAING PAGKATUTO

PAGGAMIT NANG WASTO NG MGA PANGNGALAN SA PAGSASALITA TUNGKOL SA


SARILI AT IBANG TAO SA PALIGID

Panimula (Susing Konsepto)

Ang PANGNGALAN ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, at


pangyayari. Ito ay may dalawang uri: pantangi at pambalana.
Pantangi ang tawag sa pangngalan kung tiyak o tunay ang ngalan na
tinutukoy. Nagsisimula ito sa malaking titik.

Panimula (Susing Konsepto)

Ang PANGNGALAN ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, at


pangyayari. Ito ay may dalawang uri: pantangi at pambalana.
Pantangi ang tawag sa pangngalan kung tiyak o tunay ang ngalan na
tinutukoy. Nagsisimula ito sa malaking titik.

Halimbawa:

Tao Joy, Nathaniel, Gng. Cariaga

Bagay Gintong Pamana


Pook Siyudad ng Ilagan

Pangyayari Araw ng mga Puso, Pasko

Pambalana – ang tawag sa pangngalan kung karaniwang ngalan o di tiyak ang


tinutukoy . Nagsisismula sa maliit na titik.

Halimbawa: babae, guro,aklat, paaralan, kasalanan

1
Four Shepherds Divine Academy, Inc
1st Quarter Filipino 4
GRADE 4 BENEVOLENCE

Mauuri rin ang pangngalan ayon sa nakikita at di nakikita. Konkreto ang


pangngalan kung nakikita at di-kongkreto naman kung hindi nakikita.

HALIMBAWA:

konkreto mag-aaral, babae, paaralan


di-konkreto katuwaan, katapatan, kapayapaan

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagtukoy tungkol sa sarili at


ibang tao sa paligid
(F4WG-Ia-e-2)

Gawain 1

Ipakilala ang iyong sarili gamit ang pangngalan. Sabihin din kung saan kayo
nakatira at ilan pang bagay tungkol sa iyong pamilya. Sundin ang pormat na nasa
ibaba.

Panuto: Punan nang angkop na pangngalan ang talata sa ibaba.

Ako si______________________________. Ako ay nakatira sa _________________. Ang


aking ama ay si ___________________________. Siya ay nagtatrabaho bilang isang
________________________.

Ang aking Ina ay si ________________________. Siya ay nagtatrabaho


sa________________________.

2
Four Shepherds Divine Academy, Inc
1st Quarter Filipino 4
GRADE 4 BENEVOLENCE
Ako ay nag aaral sa ___________________________________. Ang aking guro sa
Filipino ay si _________________________. Ang paborito kong asignatura ay
_______________________________.

Ako ay may alagang _______________at siya ay mahal na mahal ko.

Gawain 2

Basahin mo ang tula at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

PAMILYANG PILIPINO
Ni Arjohn V. Gime
Pamilyang Pilipino, tunay na huwaran
Nagbubuklod, tunay na nagkakaisa
Magkaagapay sa hirap at ginhawa
Laging magkasama, sa lungkot at ligaya.

Mapagkandiling INA’y, laging nakaagapay


Sa pangangailangan, tunay na nakaalalay
Dakilang pagmamahal, sa ami’y bumubuhay
Kanyang payo at aral, gabay sa buhay.

AMAng haligi, di nagsasawang umintindi


Sa pangangailangan ng pamilya, di nag-aatubili
Gahol niyang panahon, pagod na katawan
Di naging hadlang, sa pamilyang nais paglingkuran.

Masisipag na ANAK, tiyaga ang puhunan

3
Four Shepherds Divine Academy, Inc
1st Quarter Filipino 4
GRADE 4 BENEVOLENCE
Karangalan para sa magulang, laging inaasam
Pagsisikap sap ag-aaral, mulat na kamalayan
Sandatang kaalaman, dala para sa bayan.

1. Ano-ano ang katangian ng bawat kasapi ng isang pamilyang Pilipino?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Katulad ba ng pamilya sa tula ang sa iyong sarili?
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Sino-sino at ano-ano ang dapat mong bigyan ng pagpapahalaga?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4
Four Shepherds Divine Academy, Inc
1st Quarter Filipino 4
GRADE 4 BENEVOLENCE
Isulat ang ngalan ng mga ito ayon sa hinihingi ng talahanayan.
Pantangi Pambalana

Gawain 3

Panuto: Punan ng angkop na pangngalan ang sumusunod na usapan. Piliin ang


sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

paeng daigdig Adamson University ama Bowling


parangal idolo

Bata 1: Panalo na naman sa _____________ si _________________.


Bata 2: Apat na beses na yata siyang kampeon sa _______________ sa
buong____________.
Bata 1: Sa ________________ pala siya nagtapos.
Bata 2: OO, binigyan nga siya ng ________________.
Bata 1: Ang unang guro niya ay ang kanyang ___________.
Bata 2: OO, __________niya ang kanyang ama.

5
Four Shepherds Divine Academy, Inc
1st Quarter Filipino 4
GRADE 4 BENEVOLENCE

Gawain 4

Panuto :Itala ang mga pangngalang pantangi at pambalana na nakikita mo sa


loob at labas ng inyong tahanan. Gamitin ng wasto ang mga pangngalan sa
pagsasalita tungkol sa mga ito

HALIMBAWA: Tatay Manuel


Si Tatay Manuel ay mapagmahal at masipag na ama.
1.
_________________________________________________________________________.
2.________________________________________________________________________.
3.________________________________________________________________________.
4.________________________________________________________________________.
5.________________________________________________________________________.

Gawain 5

Panuto: Basahin ang talata. Itala ang mga pangngalan na ginamit dito at
ipangkat ito ayon sa uri nito. Gamitin ang graphic organizer sa ibaba.

Si Aling Juliet ay maagang nabalo. Itinataguyod at pinagsusumikapan


niya ang pag-aaral ng kanyang tatlong anak sa pamamagitan ng pagtitinda ng
ibat-ibang uri ng mga prutas at gulay.
May kaunting salaping iniwan ng kanyang asawa na si Mang Diokno at
idinagdag niya ito sa puhunan sa pagtitinda. Umuupa si Aling Juliet ng maliit na

6
Four Shepherds Divine Academy, Inc
1st Quarter Filipino 4
GRADE 4 BENEVOLENCE
pwesto sa isang bagong tayong supermarket. Pinag-ibayo niya ang kanyang lakas
ng loob at inaasikaso nang husto ang kanyang munting negosyo.
Dahil sa sobrang kasipagan at katiyagahan ni AlingJuliet, napaunlad niya ang
kanyang negosyo at nakapagtapos rin ng pag-aaral ang kanyang tatlong anak
na sina Dianne, John, at Feng.

Pangwakas o Repleksiyon
Panuto: Isulat ang iyong karanasan/ saloobin sa pagsagot sa mga gawain. Isulat
ito sa patlang.

Natutuhan ko ang
_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Natuwa ako sa
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Gusto kong matutuhan pa ang tungkol sa


________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

MGA SANGGUNIAN

● Hiyas sa Wika4 Batayang Aklat ni: Lydia P. Lalunio,Ph.D. Francisca G. Ril


● Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa 4 Patnubay ng guro
● Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa 4 kagamitan ng Mag-aaral

7
Four Shepherds Divine Academy, Inc
1st Quarter Filipino 4
GRADE 4 BENEVOLENCE

You might also like