You are on page 1of 9

Four Shepherds Divine Academy, Inc

Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

Aralin 1.1.1 Ang Pinagmulan ng Lalawigan


Ayon sa Batas

Panimula

Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang kuwento ng kasaysayan


ng iyong lalawigan at angmga karatig-lalawigan nito. Kung
mapapansin ninyo, may mga lalawigan sa ating rehiyon na mas
mahaba ang kasaysayan kaysa ibang lalawigan. Mayroon pang mga
lalawigan na nagkaroon na ng komunidad bago pa lamang dumating
ang mga dayuhan. Ngunit mayroon din namang nabuo lamang sa mas
kasalukuyang panahon. May mga batas na ipinapasa ang pamahalaan
upang mabuo ang lalawigan. Alamin natin kung sa anong bisa ng batas
nabuo ang ilang lalawigan sa ating rehiyon.

Sa aralin na ito, inaasahang ikaw ay:

1. makapagtutukoy ng mga batas na nagbigay bisa sa pagbuo


ng lalawigan sa rehiyon
2. maisasalaysay ang pagbuo ng sariling lalawigan at ng
karatig nito sa bisa ng batas.

Alamin Mo

Kapag nakikita mo ang simbolong ito, ano ang naiisip mo?

Alam mo ba kung paano


nabuo ang iyong
Ang mga lalawigan/ lungsodlalawigan/lungsod sa
ay nabuo sa pamamagitan ng
pamamagitan ng batas?
mga batas. Ayon sa Local Government Code 1991, may mga
hakbang na kailangang gawin bago mabuo ang isang lalawigan
batay sa sinasabi ng batas. Narito ang mga hakbang.

1
Four Shepherds Divine Academy, Inc
Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

Paano hindi sinang-ayunan ang panukalang magkaroon ng


bagong lalawigan o lungsod? Ito’y nangyayari kapag ang panukalang
lalawigan ay hindi naging karapat-dapat batay sa mga sumusunod na
batayan.

2
Four Shepherds Divine Academy, Inc
Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

Ngunit kahit pa nasunod ang lahat na batayan na ito, maaaring


pa ring hindi naisasabatas ang pagbuo ng bagong lalawigan. Kailangan
ang karamihan sa botante na naninirahan sa panukalang lalawigan ay
boboto na gusto nila ang pagbuo ng bagong lalawigan. Kapag hindi
sapat ang bilang ng boto, hindi maipapasa ang batas.

Naiisip mo na ba kung paano nagkakaroon ng bagong


lalawigan o lungsod ayon sa batas? Tuklasin kung paano naging
lalawigan ang isang lugar.

Basahin ang mga pangyayari sa pagbuo ng isang lalawigan.


Paano nagkakaiba o nagkakapareho sa pagbuo ng ating lalawigan?

ANG LALAWIGAN NG DAVAO DEL NORTE

3
Four Shepherds Divine Academy, Inc
Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

Ang Davao del Norte ay dating kabahagi ng noo’y iisang


lalawigan pa lamang sa rehiyon, ang lalawigan ng Davao.

Ang Congressman noong panahong iyon na si Cong. Lorenzo S.


Sarmiento, Sr. ay nag-akda ng panukala na hatiin ang Davao sa tatlong
lalawigan. Ang panukala ay naging batas sa ilalim ng Republic Act
4867 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong ika-8 ng
Mayo 1967.

Ang Republic Act 4867 ang naghati sa iisang lalawigan ng


Davao sa tatlong probinsiya. Isa sa tatlong ito ang lalawigan ng Davao
del Norte. Ang kabisera nito ay ang munisipyo ng Tagum. Noong
nalikha ang Davao del Norte, ito ay binubuo lamang ng 13 munisipyo:
Asuncion, Babak, Compostela, Kapalong, Mabini, Mawab, Monkayo,
Nabunturan, Panabo, Pantukan, Samal, Sto. Tomas at Tagum.
Nadagdagan pa ito ng anim na mga munisipyo noong ika-6 ng Mayo
1970. Ito ay ang Carmen, Kaputian, Maco, Montevista, New Bataan at
New Corella.

Pagdating ng taong 1996, ang lalawigan ay nagkaroon ng 22


munisipyo, sa paglikha ng Laak sa 1979, Maragusan noong 1988 at
Talaingod noong 1990. Noong Hunyo 17, 1972, ang pangalan ng
Davao del Norte ay pinalitan ng Davao sa ilalim ng Republic Act
6430. Ibinalik din ito sa pangalang Davao del Norte noong Enero 31,
1998 sa bisa ng Republic Act 8470.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa nabasang


talata:
1. Sino ang nagpanukala na magkaroon ng bagong lalawigan mula
sa iisang lalawigan ng Davao?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

4
Four Shepherds Divine Academy, Inc
Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

2. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng panukala ang ilang


kasapi ng lugar upang magkaroon ng bagong lalawigan o
lungsod?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

3. Maaari bang maging lalawigan kapag hindi ito isinabatas ng


Kongreso? Bakit hindi?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

4. Ano-ano ang mahalagang batayan bago magkakaroon ng


botohan para sa pagkakaroon ng bagong lalawigan o lungsod?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

5. Paano naisasabatas ang pagkakaroon ng bagong lalawigan?


_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Gawain A

Basahin ang artikulo tungkol sa pagbuo ng ilang lalawigan ng


Rehiyon XI. Sagutin ang sumunod na talahanayan sa sariling
sagutang papel. Iulat sa klase ang mga sagot.

5
Four Shepherds Divine Academy, Inc
Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

Ang tatlong tinatalakay na lalawigan ay nagmula sa Lalawigan ng


Davao. Layunin ng pagkakahati ng mga lalawigan na lubos na mabigyan
ng kaukulang serbisyo ang mamamayan sakop ng lupain ng Davao. Ang
kabuuang lawak at saklaw ng orihinal na lalawigan ng Davao ay 7,816 sq
mi. Kung kaya,sa paghahati ng nasasakupan, mas mabibigyang-pansin ng
dagdag na namumuno ang mga pangangailangan ng mga taong
naninirahan sa mga bagong pamayanan.

ANG LALAWIGAN NG DAVAO DEL SUR


Ang Davao del Sur ay dating
kabahagi ng noo’y iisang lalawigan pa lamang
sa rehiyon, ang lalawigan ng Davao. Ang
Congressman ng panahong iyon, Si Cong.
Lorenzo S. Sarmiento, Sr. ay nag-akda ng
panukala na hatiin ang Davao sa
tatlong lalawigan. Ang panukala ay naging batas sa ilalim ng Republic
Act 4867 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong ika-8
ng Mayo 1967.

Ang Republic Act 4867 ang naghati sa iisang lalawigan ng Davao


sa tatlong probinsiya. Isa sa tatlong ito ang lalawigan ng Davao del Sur.
Ang kabisera nito ay ang munisipyo ng Digos. Noong nalikha ang Davao
del Norte, ito ay binubuo lamang ng 10 munisipyo:

Bansalan, Digos, Hagonoy, Jose Abad Santos, Malalag, Malita,


Matanao, Padad, Santa Cruz at Sulop.

Sa kasalukuyan, ang lalawigan ay may 13 na munisipyo.


Nadagdag dito ang Magsaysay, Kiblawan, Don Marcelino, Sta.
Maria, at Sarangani. Ang munisipyo ng Digos ay naging lungsod na.

ANG LALAWIGAN NG DAVAO ORIENTAL


Ang Davao Oriental ay orihinal na bahagi
ng noo’y iisang lalawigan pa lamang sa rehiyon,
ang lalawigan ng Davao.

Ang kasalukuyang Congressman ng


panahong iyon, Si
Cong. Lorenzo S. Sarmiento, Sr. ay nag-akda ng panukala na hatiin ang
Davao sa tatlong lalawigan. Ang panukala ay naging batas sa ilalim ng

6
Four Shepherds Divine Academy, Inc
Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

Republic Act 4867 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos


noong ika-8 ng Mayo 1967.

Ang Republic Act 4867 ang naghati sa iisang lalawigan ng


Davao sa tatlong probinsiya. Isa sa tatlong ito ang lalawigan ng Davao
Oriental. Ang kabisera nito ay ang munisipyo ng Mati.Noong nalikha
ang Davao del Norte, ito ay binubuo lamang ng 7 munisipyo: Lupon,
Governor Generoso, Mati, Manay, Caraga, Baganga at Cateel.

Sa kasalukuyan, ang lalawigan ay may sampung


(10) munisipyo kasama na ang Banaybanay, Boston, San Isidro at
Tarragona. Ang Mati ay naging lungsod na rin.

ANG LALAWIGAN NG COMPOSTELA VALLEY

Ang Compostela Valley, na tinatawag din


bilang ComVal, ay dating kabahagi ng lalawigan
ng Davao del Norte. Nakita ng noo’y
Congressman Lorenzo S. Sarmiento Sr. na hindi
lubos ang pag-unlad ng lalawigan ng Davao del
Norte dahil sa lawak ng nasasakupan nito. Nag-
akda siya ng isang panukala para sa pagkakahati ng Davao del Norte sa
dalawang lalawigan. Noong siya ay namatay, humalili sa kanya ang
anak na si Rogelio M. Sarmiento hanggang sa malikha ang bagong
lalawigan.

Ito’y ganap na naging isang lalawigan sa bisa ng Republic Act


8470 na nilagdaan ng Pangulong Fidel V. Ramos noong Enero 30,
1998. Pagdating ng Marso 7 ng taon ding iyon, ang batas ay
pinagtibay sa pamamagitan ng isang plebisito na isinagawa sa lahat
ng munisipyo ng Davao del Norte.

Ang ComVal ay hinati sa dalawang distrito. Ang District 1 ay


binubuo ng Monkayo , Montevista, Maragusan, New Balaan at
Compostela. Ang District II ay binubuo naman ng Laak, Mawab,
Nabunturan, Maco, Mabini at Pantukan. Ang Munisipalidad ng
Nabunturan ay pinangalanang kabisera ng lalawigan at ang unang
inihalal na Gobernador ay Atty . Jose R. Caballero .

7
Four Shepherds Divine Academy, Inc
Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

Pangalan Batas May-Akda Ang Mga


Bumubuong
Munisipyo
Davao del Sur

Davao del
Norte
Davao
Oriental
Compostela
Valley

8
Four Shepherds Divine Academy, Inc
Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pagbuo ng bagong


lalawigan ayon sa batas batay sa mga sumusunod na pangungusap.
Isulat ang 1 sa unang pangyayari hanggang 4, ang pinakahuling
hakbang.

Nagbotohan sa pamayanan at nanalo ang mga gusto maging


lungsod ang pamayanan.

Isinabatas ng Kongreso ang panukala na magkaroon


ng bagong lalawigan.

Hiniling ng ilang sektor ng lipunan na kung maaari ay maging


lungsod na ang pamayanan.

Pinag-usapan sa kongreso kung karapat-dapat ang


pamayanan maging lungsod o lalawigan ayon sa batayan.

You might also like