You are on page 1of 3

PAHAYAG NG PANININDIGAN NI GOV. RAFFY P.

NANTES
UKOL SA PAGHAHATI NG QUEZON

Sa Aking mga Minamahal na Kalalawigan,

Tayo po sa ngayon ay nahaharap sa isang mapagpasyang hamon – ang


napipintong paghahati ng lalawigan ng Quezon. Mahirap po sa aking
katatayuan bilang Ama ng Lalawigan ang usapang ito dahil naging bahagi
ako sa pag-aakda ng batas na ito at personal pang malalapit sa akin ang
mga nagsusulong nito.

Nagtikim-bibig po ako hinggil sa usaping ito na may bigat sa aking


dibdib. Noong ako po ay inihalal ninyo bilang Ama ng Lalawigan ay
pinagkatiwalaan ninyo ako na pamahalaan ang lalawigang ito. Kailanman ay
hindi ko po kayo bibiguin sa mandating ipinagkaloob ninyo sa akin.

Sa mahabang panahon ko ng pananahimik ay katakut-takot na


pagbabatikos po ang ipinukol sa akin ng mga taong nagsusulong ng
paghahati.

Bagamat naging kaakda ako ng naturang batas noong 1998, sa


pagtakbo ng proseso nito ay napagtanto ko na ang batas na ito, pagkaraan
ng 11 taon, ay di akma sa kasalukuyang kalagayan ng ating lalawigan sa
makabagong panahon ng teknolohiya at maayos na transportasyon.

Bagay na idinulog ko sa aking mga kasama sa pag-aakda nito, Cong.


Procy Alcala at Cong. Erin Tanada, kasama sina Ka Bobby Tanada at Ka Oca
Santos, na ipagpaliban na muna ang pagsusulong nito.

Sa isang praktikal na pananaw sa buhay, walang sinumang Ama ang


nagnanais na ang kanyang pamilya ay mahati o magkawatak-watak. Sa
ganitong punto po ay kailangan kong magsuri at manindigan sa
mapagpasyang hamon na ito.

TUTOL PO AKO SA PAGHAHATI ng Lalawigan ng QUEZON!

Sa pagpapahayag ko po ng aking paninindigan na ito ay mas pinipili ko


na tingnan ang kapakanan at kagalingan ng higit 1.8 milyong mga
kababayan – di ng aking pansariling interes. Ito po ay sa gitna ng mga
paghadlang ng iilan na naghahangad na biguin ang tinatamong kaunlaran ng
ating lalawigan.

Ang Republic Act 9495, sa akin pong pagsusuri, ay isang depektibong


batas. Di po nito isinaalang-alang ang demokratikong proseso at
partisipasyon ng mamamayan na itinadhana ng Local Government Code of
1991 na nagtitiyak sa paghikayat ng partisipasyon ng Sangguniang
Panlalawigan at Pambayan.
Taliwas din po ito sa probisyon na naglalayong makibahagi ang Quezon
del Sur sa Real Property Tax (RPT) sa dalawang (2) planta sa bayan ng
Pagbilao at Mauban, na matatagpuan sa Quezon del Norte. Ang
pamumuwisan po ay dapat lamang nakabatay kung saan nakatayo ang ari-
arian. Salungat din po ito sa itinadhana ng Saligang Batas ng Republika ng
Pilipinas sa pagkakaroon nito ng higit sa isang paksa sa isang titulo.

Dahil po sa argumentong ito ay kinatigan kamakailan lamang


(Nobyembre 25) ng Kataas-taasang Hukuman (Supreme Court) ang
paglalabas ng isang Temporary Restraining Order (TRO) ang di
pagpapahintulot ng proklamasyon sa resulta ng plebisito.
Pagpapatunay po na kinilala ng naturang Hukuman ang matagal ko ng
ipinapahayag na talagang may depekto ang nasabing batas.

Kailanman po ay di napahintulutan ng inyong Ama na malagay


kayo sa balag ng alanganin sa pagpapatupad ng depektibong batas
na ito...sapagkat tunay ko pong MAHAL ang lalawigang ito.

Itinuturo po ang katotohanan sa ating mga na nalalabuang pananaw


na wala tayong matatamong kinabukasan sa paghahati ng lalawigan. Bagkus
ng higit lalong kahirapan...higit lalong kaapihan...at higit lalong
kaalispustaan.

Wastong pamamahala at makabuluhang programa po ang susi upang


ganap na umunlad ang lalawigang ito. Lahat ng ito sa kasalukuyan ay
binigyang buhay ko sa isang panawagan at panuntunan na “PILIPINAS,
QUEZON NAMAN” Sa tulong at pakiisa ng ating mga mamamayan ay
nabigyan natin ng tamang tunguhin ang ating lalawigan.

Hindi po ako nagkulang sa paglilingkod sa inyo aking mga kalalawigan.


Ang gabi po ay ginagawa kong araw upang makaharap at makadaupang
palad higit lalo ang mga kababayan natin na nagbuhat pa sa malalayong
barangay.

Sa mahigit isang taon at kalahating panunungkulan ko bilang Ama ay


naipaabot ko ang mga pangangailangang panlipunang serbisyo tulad ng
pamamahagi sa 1,242 na barangay ng P25,000 bawat barangay sa
proyektong pangkabuhayan na nagkakahalaga ng P31 milyon, P500,000 para
sa One Town One Product ng 39 na bayan na nagkakahalaga ng P19.5
milyon, P40 milyon para sa 8,000 iskolar, P12.5 milyon para sa 25,000
benepisyaryo ng Philhealth, P288 milyon para sa pagpapatayo ng mahigit
300 siloid paaralan, P120 milyon para sa pagpapatayo ng gusali para sa
SLSU College of Medicine tabi ng Quezon Medical Center para sa mga
kabataang mahihirap na nagnanais kumuha ng libreng pag-aaral sa kursong
medisina, P15.2 milyon para sa pagpapatayo ng apat (4) na malalaking
Grandstand, P140 milyon para sa pagpapatayo ng Quezon Science Center at
Quezon Trade and Investment Center, P4.3 milyon para sa plantation ng
Jathropa Curcas sa 100,000 ektaryang lupa ng mga kooperatiba, P20 milyon
para sa 102 units ng multi cab pambarangay at pagbubukas ng P1.8 bilyon
Marikina – Infanta Road na magbibigay daan sa pagtatayo ng International
Container Port sa Heneral Nakar.

Kailanman po ay di pahihintulutan ng inyong Ama na


mahadlangan ang mga pang-kaunlarang programang itinataguyod ng
Pamahalaang Panlalawigan sa aspeto ng Agrikultura, Turismo, at
Economic Enterprise...sapagkat tunay na PAGKALINGA ang
ipadadama ko sa inyo.

Di po kailanman magiging solusyon ang paghahati ng lalawigan. Di po


ito pagpapalakas bagkus magpapahina pa ito ng ating lalawigan. Ang
mahalagang pag-usapan po dapat sa ngayon ay kung papaano natin sama-
samang pauunlarin ang lalawigang ito na matagal ng pinapangarap ng ating
mga kababayan.

Kayo po ay mahaharap sa isang mapagpasyang hamon sa Plebisito


na gaganapin sa Disyembre 13, 2008. Sa inyo pong makabuluhang
pagpapasya ay nakasalalay ang kagalingan, kapakanan, at kinabukasan di
lamang ninyo – kaakibat ang susunod pa ninyong salinlahi. Anuman po ang
maging bunga ng pagpapasyang ito kailanman ay di na natin muli pang
maibabalik.

Kung kaya’t hinihikayat ko po kayo na lumabas, lumahok at bumoto ng


NO TO HATI QUEZON!

Sama sama po nating paunlarin ang Lalawigan ng Quezon.

Pagpalain po tayo ng Dakilang Lumikha

RAFFY P. NANTES
Governor

You might also like