You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Iba, Zambales, Philippines
_______________________________________________________________
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
SECOND SEMESTER AY: 2019-2020
ESC12 – Teaching Social Studies in Primary Grades – Philippine History and Government

GRADE 3 – THIRD GRADING

PINAGMULAN NG LALAWIGAN AYON SA BATAS

OBJECTIVES;
1. Nakapagtutukoy ng mga batas na nagbigay bisa sa pagbuo ng lalawigan sa rehiyon.

2. Naisasalaysay ang pagbuo ng sariling lalawigan at sa karatig nito sa bisa ng batas.

3. Nabibigyang halaga ang pinagmulan ng lalawigan ayon sa batas.

TYPE OF GRAPHIC ORGANIZER: Descriptive Organizer

KIND OF GRAPHIC ORGANIZER: Idea Wheel Graphic Organizer

DESCRIPTION/USE OF GRAPHIC ORGANIZER: Idea Wheel is


like a mixture of circle map and the spider map. This graphic
organizer works for brainstorming and organizing ideas at the same
time. The center of the chart holds the main topic which is being
studied and around it tjere can be other circles or shapes. A
sectioned larger circle or connected bubbles.
PINAGMULAN NG LALAWIGAN AYON SA BATAS

Lalawigan ng Davao Lalawigan ng Davao Lalawigan ng Davao Lalawigan ng


del Norte del Sur Oriental Compostela Valley

CONTENT OF SUBJECT MATTER:

PINAGMULAN NG LALAWIGAN. Ang mga lalawigan/ lungsod ay nabuo sa


pamamagitan ng mga batas. Ayon sa Local Government Code 1991, may mga hakbang na
kailangang gawin bago mabuo ang isang lalawigan batay sa sinasabi ng batas. Narito ang mga
hakbang.

1. May panukala sa sa kongreso na magkaroon ng bagong lalawigan.


2. Titingnan ng kongreso kung maaaring magkaroon ng bagong lalawigan ayon sa ilang batayan.
3. Kapag nakapasa sa mga batayan, magkakaroon ng botohan o plebisito ng mga botante sa
lalawigan. Magkakaroon ng bagong lalawigan kapag karamihan sa mga tao ay bumoto para
magkaroon ng bagong lalawigan.
4. Batay sa botohan ng mga tao, isasabatas ng kongreso ang pagkakaroon ng bagong lalawigan.
Paano kapag hindi sinang- ayunan ang panukalang magkaroon ng bagong lalawigan o lungsod?
Ito'y nangyayari kapag ang panukalang lalawigan ay hindi naging karapat dapat batay sa mga
sumusunod na batayan.

* Sapat ang kinikita ng lugar upang matustusan ang mga kasapi nito.

* Sapat ang dami ng populasyon sa nasabing panukalang lalawigan.

* Sapat ang laki ng lugar upang mamuhay na maliwalas ang mga kasapi nito.

LALAWIGAN NG DAVAO DEL NORTE. Ang Davao del Norte ay dating kabahagi
ng noo'y iisang lalawigan pa lamang sa rehiyon, ang lalawigan ng Davao. Ang Congressman
noong panahong iyon na si Cong.Lorenzo S. Sarmiento, Sr. Ay nag akda ng panukala na hatiin
ang Davao sa tatlong lalawigan. Ang panukala ay naging batas sa ilalim ng Republic Act 4867
na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong ikaw-8 ng Mayo 1967. Ang Republic Act
4867 ang naghati sa iisang lalawigan ng Davao sa tatlong probinsiya. Isa sa tatlong ito ang
lalawigan ng Davao del Norte. Ang kabisera nito ay ang munisipyo ng Tagum. Noong nalikha
ang Davao del Norte, ito ay binubuo lamang ng 13 munisipyo: Asuncion,Babak, Compostela,
Kapalong, Mabini, Mawab, Monkayo, Nabunturan, Panabo, Pantukan, Samal, Sto. Tomas at
Tagum. Nadagdagan pa ito ng anim na mga munisipyo noong ikaw-6 ng Mayo 1970. Ito ay ang
Carmen, Kaputian, Maco, Montevista, New Bataan at New Corella. Pagdating ng taong 1996,
ang lalawigan ay nagkaroon ng 22 munisipyo, sa paglikha ng Laak sa 1979, Marasugan noong
1988 at Talaingod noong 1970. Noong Hunyo 17, 1972, ang pangalan ng Davao del Norte ay
pinalitan ng Davao sa ilalim ng Republic Act 6430. Ibinalik din ito sa pangalang Davao del
Norte noong Enero 31, 1998 sa bisa ng Republic Act 8450.

LALAWIGAN NG DAVAO DEL SUR. Ang Davao del Sur ay dating kabahagi ng
noo'y iisang lalawigan pa lamang sa rehiyon, ang lalawigan ng Davao. Ang Congressman ng
panahong iyon, Si Cong. Lorenzo S. Sarmiento, Sr.ay nag-akda ng panukala na hatiin ang Davao
sa tatlong lalawigan. Ang panukala ay naging batas sa ilalim ng Republic Act 4867 na nilagdaan
ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong ika-8 ng Mayo 1967. Ang Republic Act 4867 ang
naghati sa iisang lalawigan ng Davao sa tatlong probinsiya. Isa sa tatlong ito ang lalawigan ng
Davao del Sur. Ang kabisera nito ay ang munisipyo ng Digos. Noong nalikha ang Davao del
Norte, ito ay binubuo lamang ng 10 munisipyo: Bansalan, Digos, Hagonoy, Jose Abad Santos,
Malalag, Malita, Matanao, Padad, Santa Cruz at Sulop. Sa kasalukuyan, ang lalawigan ay may
13 na munisipyo. Nadagdag dito ang Magsaysay, Kiblawan, Don Marcelino, Sta.Maria, at
Sarangani. Ang munisipyo ng Digos ay naging lungsod na.

LALAWIGAN NG DAVAO ORIENTAL. Ang Davao oriental ay orihinal na bahagi


ng noo'y iisang lalawigan pa lamang sa rehiyon, ang lalawigan ng Davao. Ang kasalukuyang
Cong. Lorenzo S. Sarmiento, Sr.ay nag-akda ng panukala na hatiin ang Davao sa tatlong
lalawigan. Ang panukala ay naging batas sa ilalim ng Republic Act 4687 na nilagdaan ni
Pangulong Ferdinand E. Marcos noong ikaw-8 ng Mayo 1967. Ang Republic Act 4867 ang
naghati sa iisang lalawigan ng Davao sa tatlong probinsiya. Isa sa tatlong ito ang lalawigan ng
Davao Oriental. Ang kabisera nito ay ang munisipyo ng Mati. Noong nalikha ang Davao del
Norte, ito ay binubuo lamang ng 7 munisipyo:Lupon, Governor Generoso, Mati,Manay, Caraga,
Baganga at Cateel. Sa kasalukuyan, ang lalawigan ay may sampung (10) munisipyo kasama na
ang Banaybanay, Boston, San Isidro at Tarragona. Ang Mati ay naging lungsod na rin.

LALAWIGAN NG COMPOSTELA VALLEY. Ang Compostela Valley, na


tinatawag din bilang ComVal, ay dating kabahagi ng lalawigan ng Davao del Norte. Nakita ng
noo'y Congressman Lorenzo S. Sarmiento Sr.na hindi lubos ang pag-unlad ng lalawigan ng
Davao del Norte dahil sa lawak ng nasasakupan nito.Nag akda siya ng isang panukala para sa
pagkakahati ng Davao del Norte sa dalawang lalawigan. Noong siya ay namatay, humalili sa
kanya ang anak na si Rogelio M. Sarmiento hanggang sa malikha ang bagong lalawigan. Ito'y
ganap na naging isang lalawigan na bisa ng Republic Act 8470 na nilagdaan ng Pangulong Fidel
V. Ramos noong Enero 30, 1998. Pagdating ng Marso 7 ng taon ding iyon, ang batas ay
pinagtibay sa pamamagitan ng isang plebisito na isinagawa sa lahat ng munisipyo ng Davao del
Norte. Ang ComVal ay hinati sa dalawang distrito. Ang District 1 ay binubuo ng Monkaya,
Montevista, Maragusan, New Balaan at Compostela. Ang District ll ay binubuo naman ng Laak,
Mawab, Nabunturan, Maco, Mabini at Pantukan. Ang Munisipalidad ng Nabunturan ay
pinangalang kabisera ng lalawigan at ang unang inihalal na Gobernador ay Atty. Jose R.
Caballero.

SUMMARY OR CONCLUSION: Ang Lalawigan ay isang sakop na kalimitan ay


kumakatawan sa mga sinasakupan ng isang bansa. Mayroong mga lalawigang napanukala
ng batas, at ito ay ang Lalawigan ng Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental at
Compostela Valley. Mahalagang pag- aralan ang mga mga pinagmulan ng lalawigan
sapagkat ito ay nagpapakilos kung ano ang meron tayo ngayon, ito rin ang dahilan kung
bakit mayaman ang ating pamayanan sa pagpepreserba ng ng mga poasyon hinggil sa
pinagmulan ng ating lalawigan.

ACTIVITY: FILL IN THE BOX


DIRECTION: Hahatiin sa dalawang grupo ang klase at parehong
sasagutan ang mga nasa kahon.
Pangalan Batas May -akda Ang mga
bumubuong
munisipyo

Davao del Sur

Davao del Norte

Davao Oriental

Compostela Valley

Rubrics:

REFERENCES: Araling Panlipunan Book Grade 3, Kagamitan ng mga Mag-


aaral Tagalog

You might also like