You are on page 1of 11

I.

LAYUNIN
1. Nakapagtutukoy ng mga batas na nagbigay bisa sa pagbuo ng lalawigan sa rehiyon.
2. Naisasalaysay ang pagbuo ng sariling lalawigan sa at ng karatig nito sa bisa ng batas.
3. Nabibigyang halaga ang pinagmulan ng lalawigan ayon sa batas.

II. NILALAMAN
A.Paksa
Pinagmulan ng Lalawigan ayon sa Batas
B.Kagamitan
 Tulong Biswal
C. Sangguniang Aklat
 Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag- aaral

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A.Panimulang Gawain

1.Pagbati sa mga Mag-aaral


- Maari bang magsitayo ang lahat para sa
ating pagbati!Magandang Umaga sa mga nag-
gagandahan at nag gagwapuhan kong mga mag -Magandang Umaga rin po Ma’am!
aaral.

Maaari rin bang paki linis ang inyong mga


mesa at ang tanging maiiwan lamang ay ang
inyong panulat at mga kwaderno sa
asignaturang ito.
Nais kong ang magiging paraan ng inyong
pag-upo ay maayos at matuwid.
-Opo ma’am!
2.Pagtatala ng lumiban
- Nais kong malaman kung mayroon bang
-Ikinagagalak po naming ipahayag na wala
lumiban sa klase ngayong araw na ito?
pong lumiban sa aming hanay.
-Unang hanay mayroon bang lumiban sa
-Ikinagagalak po naming ipahayag na wala
inyo?
pong lumiban sa aming hanay.

-Ikinagagalak po naming ipahayag na wala


- Ikalawang hanay mayroon bang lumiban sa
pong lumiban sa aming hanay.
inyo?

-Ikatlong hanay mayroon bang lumiban sa


inyo?

3.Pagbabalik Aral
-Noong huli nating talakayan ay tinalakay
natin ang patungkol sa kwento ng kasaysayan
ng iyong lalawigan at ang mga karatig-
lalawigan nito. Kung mapapansin ninyo, may
mga lalawigan sa ating rehiyon na mas mahaba
ang kasaysayan kaysa ibang lalawigan.
Mayroon pang mga lalawigan na nagkaroon na
ng komunidad bago pa lamang dumating ang
mga dayuhan. Ngunit mayroon din namang
nabuo lamang sa mas kasalukuyang panahon.
May mga batas na ipinapasa ang pamahalan
upang mabuo ang lalawigan.
B. Paglilinang ng Gawain
1.Pagganyak

Ma'am, ginagamit po ng mga tagahatol sa korte


Mga
bata, Ma'am, pwede pong gamitin sa pagsasagawa
kapag ng batas
nakikita
ninyo
ang simbolong ito, ano ang naiisip ninyo?
Mahusay!

Ano pa?
-Mahusay! Ma'am, lalawigan o lungsod po

Ano nga ba ito?

Mahusay!

Mayroon na ba kayong ideya kung saan


patungkol ang pag- aaralan natin ngayon?
Mahusay!
Ang pag- aaralan natin ngayon ay patungkol sa
Pinagmulan ng Lalawigan ayon sa batas. Ma'am, Lalawigan ayon sa batas

Alam mo ba kung paano nabuo ang iyong


lalawigan ( lungsod) sa pamamagitan ng batas?
2.Pagtatalakay
- Ano nga ba ang pinagmulan ng lalawigan?
Ang mga lalawigan/ lungsod ay nabuo sa
pamamagitan ng mga batas. Ayon sa Local
Government Code 1991, may mga hakbang na
kailangang gawin bago mabuo ang isang
lalawigan batay sa sinasabi ng batas. Narito
ang mga hakbang.
1. May panukala sa sa kongreso na magkaroon
ng bagong lalawigan.
2. Titingnan ng kongreso kung maaaring
magkaroon ng bagong lalawigan ayon sa ilang
batayan.
3. Kapag nakapasa sa mga batayan,
magkakaroon ng botohan o plebisito ng mga
botante sa lalawigan. Magkakaroon ng bagong
lalawigan kapag karamihan sa mga tao ay
bumoto para magkaroon ng bagong lalawigan.
4. Batay sa botohan ng mga tao, isasabatas ng
kongreso ang pagkakaroon ng bagong
lalawigan.
Paano kapag hindi sinang- ayunan ang
panukalang magkaroon ng bagong lalawigan o
lungsod?
Ito'y nangyayari kapag ang panukalang
lalawigan ay hindi naging karapat dapat batay
sa mga sumusunod na batayan.
* Sapat ang kinikita ng lugar upang Ma'am sapat ang kinikita ng lugar, sapat ang
matustusan ang mga kasapi nito. dami ng populasyon at sapat ang laki ng lugar
* Sapat ang dami ng populasyon sa nasabing
panukalang lalawigan.
* Sapat ang laki ng lugar upang mamuhay na
maliwalas ang mga kasapi nito.

Ano nga ulit ang mga batayan?


Mahusay!

Ngunit kahit pa nasunod ang lahat na batayan


na ito, maari pa ring hindi naisasabatas ang
pagbuo ng bagong lalawigan. Kailangan ng
karamihan sa botante na naninirahan sa
panukalang lalawigan ay boboto na gusto nila
ang pagbuo ng bagong lalawigan. Kapag hindi
sapat ang bilang boto, hindi maipapasa ang
batas.
Narito ang mga pinagmulan ng lalawigan ayon
sa batas;

Ang Lalawigan ng Davao Del Norte


Ang Davao del Norte ay dating kabahagi ng
noo'y iisang lalawigan pa lamang sa rehiyon,
ang lalawigan ng Davao.
Ang Congressman noong panahong iyon na si
Cong.Lorenzo S. Sarmiento, Sr. Ay nag akda
ng panukala na hatiin ang Davao sa tatlong
lalawigan. Ang panukala
ay naging batas sa ilalim
ng Republic Act 4867 na
nilagdaan ni Pangulong
Ferdinand E. Marcos
noong ikaw-8 ng Mayo
1967.
Ang Republic Act 4867 ang naghati sa iisang
lalawigan ng Davao sa tatlong probinsiya. Isa
sa tatlong ito ang lalawigan ng Davao del
Norte. Ang kabisera nito ay ang munisipyo ng
Tagum. Noong nalikha ang Davao del Norte,
ito ay binubuo lamang ng 13 munisipyo:
Asuncion,Babak, Compostela, Kapalong,
Mabini, Mawab, Monkayo, Nabunturan,
Panabo, Pantukan, Samal, Sto. Tomas at
Tagum. Nadagdagan pa ito ng anim na mga
munisipyo noong ikaw-6 ng Mayo 1970. Ito ay
ang Carmen, Kaputian, Maco, Montevista,
New Bataan at New Corella. Ma'am Lalawigan ng Davao del Norte po
Pagdating ng taong 1996, ang lalawigan ay Republic Act 4867
nagkaroon ng 22 munisipyo, sa paglikha ng Cong. Lorenzo S. Sarmiento , Sr.
Laak sa 1979, Marasugan noong 1988 at
Talaingod noong 1970. Noong Hunyo 17, Asuncion, Babak, Compostela, Kapalong,
1972, ang pangalan ng Davao del Norte ay Mabini, Mawab, Monkayo, Nabunturan,
pinalitan ng Davao sa ilalim ng Republic Act Panabo, Pantukan, Samal, Sto. Tomas at
6430. Ibinalik din ito sa pangalang Davao del Tagum.
Norte noong Enero 31, 1998 sa bisa ng Meron po
Carmen, Kaputian, Maco, Montevista, New
Republic Act 8450.
Bataan, New Corella
Ano nga ulit ang lalawigan na ito?
Sa ilalim ng anong hatas ipinanukala ang
lalawigan?
Sino ang nag-akda ng panukala?

Magbigay nga ng mga bumubuong munisipyo


dito?
Mayroon bang nadagdag na munisipyo ?
Ano-ano ang mga iyon?
Magaling mga bata!

Ang Lalawigan ng Davao Del Sur


Ang Davao del Sur ay dating kabahagi ng
noo'y iisang lalawigan pa lamang sa rehiyon,
ang lalawigan ng Davao. Ang Congressman ng
panahong iyon, Si Cong. Lorenzo S.
Sarmiento, Sr.ay nag-akda ng panukala na
hatiin ang Davao sa tatlong lalawigan. Ang
panukala ay naging batas sa ilalim ng Republic
Act 4867 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand
E. Marcos noong ika-8 ng Mayo 1967.
Ang Republic Act 4867 ang naghati sa iisang
Ma'am Davao del Sur po
lalawigan ng Davao sa tatlong probinsiya. Isa
sa tatlong ito ang lalawigan ng Davao del Sur. Republic Act 4867
Ang kabisera nito ay ang munisipyo ng Digos.
Noong nalikha ang Davao del Norte, ito ay Si Cong. Lorenzo S. Sarmiento, Sr.
binubuo lamang ng 10 munisipyo: Bansalan, Bansalan, Digos, Hagonoy, Jose Abad
Digos, Hagonoy, Jose Abad Santos, Malalag, Santos, Malalag, Malita, Matanao, Padad,
Malita, Matanao, Padad, Santa Cruz at Sulop. Sta. Cruz at Sulop
Sa kasalukuyan, ang lalawigan ay may 13 na
munisipyo.
Nadagdag dito ang
Magsaysay,
Kiblawan, Don
Marcelino,
Sta.Maria, at
Sarangani. Ang
munisipyo ng Digos
ay naging lungsod na.
Ano nga ulit ang lalawigan na mayroon sa
ating binasa?
Sa ilalim ng anong batas ipinanukala ang
lalawigan?
Sino ang nag-akda ng panukala?
Magbigay nga ng mga bumubuong munisipyo
dito?
Magaling mga bata!

Ang Lalawigan ng Davao Oriental


Ang Davao oriental ay orihinal na bahagi ng
noo'y iisang lalawigan pa lamang sa rehiyon,
ang lalawigan ng Davao. Ma'am Davao Oriental po
Ang kasalukuyang Cong. Lorenzo S.
Sarmiento, Sr.ay nag-akda ng panukala na Republic Act 4867
hatiin ang Davao sa tatlong lalawigan. Ang
panukala ay naging batas sa ilalim ng Republic Si Cong. Lorenzo S. Sarmiento, Sr.
Act 4687 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand
E. Marcos noong ikaw-8 ng Mayo 1967. Lupon, Governor Generoso, Mati,Manay,
Ang Republic Act 4867 ang naghati sa iisang Caraga, Baganga at Cateel
lalawigan ng Davao sa tatlong probinsiya. Isa
sa tatlong ito ang lalawigan ng Davao Oriental.
Ang kabisera nito ay ang munisipyo ng Mati.
Noong nalikha ang Davao del Norte, ito ay
binubuo lamang ng 7 munisipyo:Lupon,
Governor Generoso, Mati,Manay, Caraga,
Baganga at Cateel.
Sa kasalukuyan, ang lalawigan ay may
sampung (10) munisipyo kasama na ang
Banaybanay, Boston, San Isidro at Tarragona.
Ang Mati ay naging lungsod na rin.
Ano nga ulit ang lalawigan na ito?
Sa ilalim ng anong hatas ipinanukala ang
lalawigan?
Sino ang nag-akda ng panukala?
Magbigay nga ng mga bumubuong munisipyo
dito?

Mahusay mga bata!

Ang Lalawigan
Ng Compostela
Valley
Ang Compostela
Valley, na
tinatawag din
bilang ComVal, ay dating kabahagi ng Ma'am, lalawigan po ng Compostela Valley
lalawigan ng Davao del Norte. Nakita ng noo'y Republic Act 8470
Congressman Lorenzo S. Sarmiento Sr.na
hindi lubos ang pag-unlad ng lalawigan ng Rogelio M. Sarmiento
Davao del Norte dahil sa lawak ng Ang District 1 ay binubuo ng Monkaya,
nasasakupan nito.Nag akda siya ng isang Montevista, Maragusan, New Balaan at
panukala para sa pagkakahati ng Davao del Compostela. Ang District ll ay binubuo naman
Norte sa dalawang lalawigan. Noong siya ay ng Laak, Mawab, Nabunturan, Maco, Mabini
namatay, humalili sa kanya ang anak na si at Pantukan.
Rogelio M. Sarmiento hanggang sa malikha
ang bagong lalawigan.
Ito'y ganap na naging isang lalawigan na bisa
ng Republic Act 8470 na nilagdaan ng
Pangulong Fidel V. Ramos noong Enero 30,
1998. Pagdating ng Marso 7 ng taon ding iyon,
ang batas ay pinagtibay sa pamamagitan ng
isang plebisito na isinagawa sa lahat ng
munisipyo ng Davao del Norte.
Ang ComVal ay hinati sa dalawang distrito.
Ang District 1 ay binubuo ng Monkaya,
Montevista, Maragusan, New Balaan at
Compostela. Ang District ll ay binubuo naman
ng Laak, Mawab, Nabunturan, Maco, Mabini
at Pantukan. Ang Munisipalidad ng
Nabunturan ay pinangalang kabisera ng
lalawigan at ang unang inihalal na Gobernador
ay Atty. Jose R. Caballero.

Ano nga ulit ang lalawigan na ito?


Sa ilalim ng anong hatas ipinanukala ang
lalawigan?
Sino ang nag-akda ng panukala?
Magbigay nga ng mga bumubuong munisipyo
dito?
Mahusay mga bata!

3.Pangkatang Gawain
Bubuo ng tatlong grupo ang klase. Ang bawat grupo ay may iba't ibang
gagawin.
Unang grupo- Sagutin ang sumunod na talahanayan. Iulat sa klase ang sagot.

Pangalan Batas May -akda Ang mga


bumubuong
munisipyo
Davao del Sur
Davao del Norte
Davao Oriental
Compostela Valley

Ikalawang grupo- Iguhit ang mga hakbang sa pagkakaroon ng bagong lalawigan o lungsod.
Punan ang graphic organizer upang ipakita ang mga hakbang.

Ikatlong grupo- Ayon sa Local Government Code 1991, may mga


nagpapanukala sa pagkakaroon ng bagong lalawigan o lungsod upang mas
makakatugon ang pamunuan sa pangangailangan ng mga taong naninirahan dito.
Sa paanong paraan nakakatulong ang pamunuan upang mapabuti ang pamumuhay
sa lalawigan? Isulat ang inyong mga saloobin tungkol dito. Piliin ang talatang iyong
bubuuin upang ipakita ang iyong saloobin.
Sa palagay ko, nakakabuti ang pagkakaroon ng bagong
lalawigan__________________________________.
Sa palagay ko, hindi nakakabuti ang pagkakaroon ng bagong
lalawigan__________________________________.
1. 2. 3. 4.

Pamantayan:
Kooperasyon- 10 pts.
Nilalaman- 10 pts.
Presentasyon- 10 pts.
Kabuuan : 30 pts.
C.Pangwakas na Gawain
1. Paglalahad/Pagbubuod
Gabay na Tanong:
1. Ano na nga ba ang lalawigan?
Ang lalawigan o probinsiya ay isang sakop na kalimitan ay kumakatawan sa mga sinasakupan ng
isang bansa.
2 .Sa inyong pagkaka-unawa ano ang kahulugan ng lalawigan ayon sa batas?
Ang lalawigan ayon sa batas ay ang mga lalawigan na napanukala ng batas na kung saan may
nag- akda.
3 .Ano nga ba ang napanukalang lalawigan ayon sa batas?
Ito ay ang Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental at Compostela Valley.

2. Pagpapahalaga
a.Bakit nga ba kailangan nating pag-aralan ang Pinagmulan ng lalawigan ayon sa batas?
b.Sa inyong palagay bakit kailangan nating matutunan ang mga iba’t ibang lalawigan na may
napanukalang batas?

IV. PAGTATAYA
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino ang nagpanukala na magkaroon ng bagong lalawigan mula sa iisang lalawigan ng
Davao?
2. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng panukala ang ilang kasapi ng lugar upang magkaroon
ng bagong lalawigan o lungsod?
3. Ano- ang mahahalagang batayan bago magkaroon ng botohan para. sa pagkakaroon ng
bagong lalawigan o lungsod?
4. Maari bang maging lalawigan kapag hindi ito isinabatas ng kongreso? Bakit hindi?
5. Paano naisasabatas ang pagkakaroon ng bagong lalawigan?

V. Takdang- Aralin
Gumupit ng limang larawan na may kaugnayan sa pagbabagong nangyayari sa ating lalawigan
na may kinalaman sa rehiyon. Idikit ito sa inyong kwaderno.

You might also like