You are on page 1of 5

Four Shepherds Divine Academy, Inc

Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

Aralin 1.1 Ang Pinagmulan ng mga Lalawigan


sa Kinabibilangang Rehiyon

Panimula

Maligayang pagdating sa Ikalawang Modyul sa Araling


Panlipunan!

Sa unang modyul, natutuhan mo kung paano matunton ang


iyong lalawigan at ang mga karatig-lalawigan sa iyong rehiyon
gamit ang mapa. Sa iyong paggamit ng mapa, nakita mo at napag-
aralan ang mga karatig-lalawigan sa iyong rehiyon. May mga
pagkakaiba at pagkakapareho ang mga lalawigan sa iyong rehiyon.
Sa nakaraang aralin, hindi lamang ang iyong lalawigan ang iyong
napag-aralan kung hindi ang mga karatig-pook nito. Bakit nga ba
nagbubuklod-buklod ang mga lalawigan sa rehiyon? Saan nagmula
ang pagsasama-sama ng mga lalawigan sa rehiyon?

Sa modyul na ito, mas lalawak pa ang kaalaman mo tungkol sa


iyong lalawigan at rehiyon. Matututuhan mo ang mga kasaysayan ng mga
lalawigan sa rehiyon kabilang ang mga simbolo at sagisag, ang official
hymn at iba pang anyo ng sining nito; at ang mga bayani sa iyong
lalawigan at ng iba pang lalawigan sa rehiyon na iyong tiyak na
maipagmamalaki sa ibang tao.

Handa ka na ba? Simulan na natin ang aralin.

Sa aralin na ito, inaasahang ikaw ay:


1. makapagtutukoy ng mahahalagang pangyayari
sa pinagmulan ng iyong lalawigan at mga
karatig lalawigan
2. makapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling lalawigan at
mga karatig-lalawigan sa pamamagitan ng malikhaing
pagpapahayag at iba pang anyo ng sining.

1
Four Shepherds Divine Academy, Inc
Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

Tuklasin Mo

2
Four Shepherds Divine Academy, Inc
Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

Ano ang Kasaysayan ng Aking Lalawigan?

Ang lahat ng lalawigan ay may sariling kasaysayan. May mga


lalawigan na mahaba ang naging kasaysayan at mayroon din namang
maikli lang. Pag-aralan natin kung paano nagsimula ang ilang
lalawigan. Paano nagkaiba ang pinagmulan ng mga lalawigang ito sa
iyong lalawigan?

Palawan
Isa sa pinaka mahabang kasaysayan ng lalawigan ng bansa ay
ang lalawigan ng Palawan. Ang kasaysayan ng Palawan ay makikita
22,000 taon ng nakalilipas na napatunayan ng pagkatuklas ng mga
fossil ng mga Taong Tabon sa Quezon. Bagama't ang pinagmulan ng
mga ito ay hindi pa
napatunayan, pinaniniwalaan na nagmula sila sa Borneo. Marami ring
salin ang pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalan na "Palawan".
Pinaninindigan ng iba na nanggaling ito sa salitang Tsino na "Pa-Lao-
Yu" na nangangahulugang "Land of Beautiful Harbors". Ang iba
naman ay naniniwala nanggaling ito sa salitang Indiyano na
"Palawans" na ibigsabihin ay "Territory". Sinasabi rin ng iba na
nanggaling ito sa pangalan ng halaman na "Palwa". Ngunit ang pinaka-
popular na paniniwala ay nanggaling ito sa salitang Kastila na
"Paragua" dahil ang hugis daw ng Palawan ay kamukha ng nakasarang
payong.
Maynila
Mahaba din ang kasaysayan ng pinagmulan ng Lungsod ng
Maynila. Isa na ang Maynila sa pinakamatandang lungsod ng bansa.
Ang Maynila ay kabilang sa Kaharian ng Tondo na noon pa may
nakikipagkalakalan na sa ibang bansa katulad ng Tsina. Ang
kasalukuyang Maynila ay bahagi ng isang malawakang pook na
pinamumunuan ng mga Raha. Sa kanlurang bahagi ng Ilog Pasig ay
mga komunidad ng mga Muslim na pinamumunuan nina Rajah
Sulayman at Rajah Matanda. Si Lakandula naman ang namuno sa
Kaharian ng Tondo, isang komunidad ng mga Hindu na matatagpuan sa
timog ng ilog. Hindi naglaon, ang dalawang komunidad ay pinagsanib
upang itaguyod ang kaharian ng Maynila. Ang kaharian ay nakikipag-
ugnayan sa Sulanato ng Brunai na si Bolkiah. Nang masakop ang bansa

3
Four Shepherds Divine Academy, Inc
Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

ng mga Espanyol, ang Maynila ang naging sentro ng pamahalaan nang


may tatlong daang taon mula 1565 hanggang 1898. Sa panahon ng
pananakop, naging sentro ang Maynila sa kalakalang Maynila-
Acapulco ng Mehiko papuntang timog-silangang Asya. Dahilan
marahil dito kung bakit lumawak ang Maynila at naging sentro ng
kalakalan at pamahalaan hanggang sa kasalukuyan.

Bataan
Bago pa man dumating ang mga Espanyol, ang Bataan ay isang
mayamang komunidad sa tabing dagat. Ang pangalan ng lalawigan ay
Vatan at kabilang ito sa malaking kaharian ng Kapampangan kung saan
kabilang din ang mga kasalukuyang lalawigan ng Pampanga, Nueva Ecija,
Tarlac, Bulacan, Zambales and Pangasinan. Sa pananakop ng mga
Espanyol, ang Bataan ay itinatag bilang lalawigan noong 1754 sa
pamumuno ni Gobernador Pedro Manuel Arandia. Nang pumutok ang
himagsikan ng 1898, isa
ang lalawigan sa pinakauna na nag-alsa laban sa mga Espanyol. Ngunit
ang lalawigan ay mas maalaala sa kagitingan na ipinakita ng mga taga-
Bataan noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig noong 1941
kung saan isa sa pinakahuling sumuko ang mga sundalo sa mga Hapon
noong sinakop nito ang bansa. Makikita sa bundok ng Samat ang sagisag
ng kagitingan ng mga sundalo sa “Shrine of Valor” sa bundok na ito at
ipinagdiriwang tuwing ika 9 ng Abril ang pagunita ng kadakilaan na
ipinakita ng mga sundalong Pilipino.

Gawin Mo

Gawain A
Ano-ano ang pangyayari sa pagbuo ng rehiyon kung saan kabilang
ang iyong lalawigan? Isulat ang tatlo hanggang limang natatanging
pangyayari sa pinagmulan ng iyong rehiyon.
1. ___________________________________________
2. ___________________________________________
3. ___________________________________________

4
Four Shepherds Divine Academy, Inc
Araling Panlipunan
GRADE 3 SIMPLICITY

Gawain B
Isalaysay ang pinagmulan at ang mga pagbabago sa sariling
lalawigan/rehiyon. Sundan ang mga gabay na tanong. Maghanda sa
pag-uulat.
1. Ano ang dating pangalan ng inyong
lalawigan/rehiyon (kung mayroon)?
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

2. Ano ang itsura ng lalawigan noon? Ano ang uri ng pamumuhay


mayroon ang mga tao sa lalawigan noon?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

3. Kailan nagkaroon ng mga pagbabago sa inyong lalawigan?


__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

4. Ano ang naging resulta ng mga pagababago sa inyong lugar?


__________________________________________________
__________________________________________________

5. Paano mo mailalarawan ang lalawigan mo ngayon?


_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

You might also like