Professional Documents
Culture Documents
YUNIT-1 - Gawain
YUNIT-1 - Gawain
Page | 1
ROWILLYN C. TURIJA
Page | 2
YUNIT
1: AN
G
PANITIKA
N
Page | 3
INTRODUKSYO
N
Ang Pilipinas ay mayroon na talagang panitikan, at ito ay nagmula sa sari-saring mga lipon o
pangkat ng mga tao na dumating sa ating kapuluan. Ito ay ang mga Negrito, mga Indones, at mga
Malay. Ito ay nagpapatunay na mayroon ng sistema ng pagsulat at pagsasalita ang bawat Pilipino,
ngunit karamihan ng mga naisulat ng mga Pilipino ay sinunog ng mga Kastila sa panahong kanila
tayong nasakop at ang iba naman ay ibinbaon na sa limot ng kahapon.
Sa pamamagitan nito, malalaman natin kung paano nag-ugat at namuhay ang ating mga
ninuno sa paraan o sistemang kanilang binigyang - pansin. Higit sa lahat, bilang mga nagmamahal
sa sariling kultura ay kailangan nating maipamalas ang pagmamalasakit sa ating bayan – at panitikan
ang siyang magiging daan. Isa pa sa mga dahilan ng pagsasabuhay muli ng panitkan ay makilala at
magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.
Sa yunit na ito, magbabalik – tanaw tayo at bubuksang muli ang portal ng panitikan upang
mabakas at maisatao ang mga akonsepto o kaalaman hinggil sa kaligirang pangkasaysayan at
pinagmulan ng panitkan.
Page | 4
Kaya’t atin nang lakbayin ang mundo ng PANITIKAN!
LAYUNIN
1. Nasusuri ang kaligirang pangkasaysayan ng panitkan;
2. Naipaliliwanag ang katuturan at kahalagahan ng panitikan; at
3. Naisasabalikat ang kahalagahan ng pagtatalakay ng panitikan bilang bahagi ng
kani – kaniyang identidad.
PAKSA
Page | 5
BUHAYIN
_________________________________ ________________________________
_________________________________ ________________________________
_________________________________ ________________________________
Page | 6
_________________________________ ________________________________
_________________________________ ________________________________
Konklusyon:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________ .
Page | 7
ANGKININ
KAHULUGAN NG PANITIKAN
Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping
"pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang
literatura, na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.
Page | 8
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at
pangamba.
KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
Ito ay kaugnay ng kasaysayan dahil sa pag-aaral ng kasaysayan, napapaloob dito ang mga
damdamin, mga paniniwala, kultura at tradisyon na siyang sinasalamin ng panitikan.
Ito ay may malaking bahagi sa ating buhay sa pang araw- araw na gawain man, ito ay
nagbibigay ng kaalaman sa atin upang malaman na ang mga naging buhay sinaunag tao, mga
kultura, mga nagawa tula at iba pa.kahit sa kasalukuyang kaganapan.
Sa pag-aaral ng panitikan:
▪ Masusumpungan ng bumabasa ang pinakatampok na kasaysayan ng daigdig, ang
kamalayan ng bansang kanyang kinabibilangan, ang kanyang katutubong kultura, ang
tradisyong bumabalot sa kanyang lahing pinagmulan.
Page | 9
▪ Nakikilala niya ang kalinangan na kung hindi man kawangis ng sa kanya ay iba kaysa
sa kanyang lahi.
▪ Maangkin ng tao ang likas na kahalagahan ng panitik kahit sa anupamang wika ito
nasusulat, kahit sa anupamang panahon ito nalimbag at sa kahit anupamang paraan ito
ipinahahayag.
PANAHON NG KATUTUBO
▪ Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan
ang mga sinaunang Pilipino.
▪ Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong,
tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula;
mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong
sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Page | 10
▪ Karamihan sa mga panitikang ito
ay pasalin-dila.
▪ May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at
makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo
(archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle
nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.
Page | 11
PANANAKOP NG KASTILA
▪ Dumating ang mga Kastila sa bansa
GOLD at GLORY.
Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo,santa cruzan at tibag; tulang
gaya ng mga pasyong inaawit.
Page | 12
Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o
dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang
awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna,
prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na Florante at
Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.
Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Christiana na nalimbag
noong 1553 na isang panrelihiyong aklat.
Page | 13
DelSuperior Govierno na umabot hangganglabinlimang tomo.
Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala ang mga
pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na
naglalayong“matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang
panlipunan at pang-ekonomiya,
maisiwalat ang malubhang kalagayan ng
bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga
Kastila at upang pairalin ang kalayaan
at
demokrasya.”
Page | 14
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-
panulat upang
maprotektahan ng mga sarili laban sa
mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat.
Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil
sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos.
Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL), Graciano
Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario
Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.
Page | 15
PANANAKOP NG AMERIKANO
▪ Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip
ang mga Amerikano nang dumating sila
noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa
pamahalaang Kastila.Kung relihiyon ang
naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino,
edukasyon naman ang naging
pangunahing ipinamana ng mga Amerikano.
▪ Sa panahong ding ito isinilang ang mga
ilang imortal na makatang Pilipino na
nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
▪ Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa
Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga
panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat. ▪ Kabilang sa
mga manunulat sa panahong ito sina
➢ Cecilio Apostol na sumulat ng mga oda para kay Rizal
➢ Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga talumpati
➢ Lope K. Santos na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at nagpauso ng
panitikang sosyalista
➢ Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may panulat-sagisag
na ‘Huseng Batute
➢ Jose dela Cruz na may panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw ang
ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig
Page | 16
➢ Severino Reyes na sumulat ng imortal na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang
Ama ng Dulang Tagalog
➢ Zoilo Galang na pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at
maraming-marami pang iba.
▪ Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga
gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng
panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.
▪ Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan
din ang panitikan sa bansa.
▪ Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito.
▪ Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga
artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas.
▪ Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga
artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-unting
naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga
Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.
Page | 17
▪ Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga
dokumentaryo ukol sa pagsabog ng mga bulkan at iba
pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga lamang
ng pagka-ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong
Pilipino.
▪ Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa
ay ang pelikulang Zamboanga.
▪ Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa
kamay ng mga Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis
ang pagkamit sa kalayaan.
PANANAKOP NG HAPON
▪ Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl
Harbor noong Disyembre 7, 1941 dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t
sinakop ng Hapon ang Pilipinas.
▪ Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa
panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa.
▪ Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
Page | 18
▪ Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong
Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong
sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang
Pilipino sa mga ito.
▪ Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina
Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na makafeministang
maikling-kwento.
Page | 19
▪ Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 57-5
sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtod at
ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)
▪ Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang
pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat:
➢ Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla
➢ Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo
➢ Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute
▪ Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad
na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas.
▪ Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca
Memorial Awards for Litetature.
Page | 20
▪ Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong
nagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario
(na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang
iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at pangangasiwa
ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang
kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-usbong ng
mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na
katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.
GAMITIN
1. Ano ang panitikan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________ .
Page | 21
___________________________________________________________________________
_____________________________________________ .
Page | 22
TAYAHI
N
Panitikan sa Katutubong Panahon
Punan ang bawat patlang ng mga mahahalagang kaisipan kung paano umusbong at umunlad ang
panitikang Filipino. Paras sa paglalagay ng sagot, gamitin ang kahong inilaan na nasa ilaim ng
bawat titulo.
Page | 23
SANGGUNIAN
https://medium.com/@vargascarlamae50/ang-panitikan-sa-panahon-ng-kasalukuyan-
https://philnews.ph/2019/07/15/ano-ang-panitikan-kahulugan-ng-panitikan-mga-halimbawa/
http://ffaijm.blogspot.com/2017/06/ang-kasaysayan-ng-panitikan-ang.html
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/panitikang -filipino-sa-ibat-ibang.html
http://yzaabldguzman.blogspot.com/2017/08/bakit -mahalaga-ang-panitikan-sa-isang_29.html
http://pinoy-genius.blogspot.com/2008/07/ano-ang-panitikan.html
http://panitikanatlipunan.blogspot.com/2018/
Page | 24