You are on page 1of 1

“Ulan at Payong” Critique Paper

Sa kasalukyan, dalawampu’t isang siglo, masasabi nga natin na natututo na tayo at mas nagiging
bukas ang isipan sa mga pagbabago na hatid ng lipunan. Sa kabila nito, hindi pa rin natin maipagkakaila na
hindi pa talaga tanggap ng buong-buo ang mga miyembro ng LGBT. Talamak pa din ang diskriminasyon ukol
sa isyu na ito kung kaya naman labis na naaapektuhan ang mga tao na kabilang sa ikatlong kasarian. Dahil na
rin dito, tila nahihirapan sila na magtiwala sa kanila sarili at sa ibang tao sapagkat natatakot sila na
mahusgahan. Ang maikling istorya na nilika ng manunulat na may alyas na AnonymousGuy na “Ulan at
Payong” ay tumatalakay sa buhay pag-ibig ng isang lalaking mag-aaral na may pusong babae. Inilahad ng may
akda kung paaano minamahal ng palihim ng protagonista ang isa niyang kapwa lalaki at ang mga insidente na
nagpalapit sa kanila. Pinagtuunan ng pansin ng manunulat ang kawalan ng kumpiyansa sa sarili ng binabaeng
tauhan dahil sa pagmamahal nito sa kaparehong kasarian. Tinalakay ng istoyang ito hindi lamang ang
diskriminasyong panlipunan na nararanasan ng mga miyembro ng LGBT, kundi ang lagay ng kanilang pag-iisip
at kung paano, dahil sa impluwensiya ng isang mapanghusgang lipunan, sinisira nila ang kanilang sarili sa pag
aakalang hindi sila sapat, dahil hindi sila pangkaraniwan.

Si Denver, ang protagonista sa kuwento at ang kaniyang minamahal na kapwa lalaking si Ismael ang
tanging naging tauhan sa Ulan at Payong. Labis ang pagmamahal ng nauna kay Ismael, ngunit inakala niya na
hindi kayang ibalik ng lalaki sa kaniya ang malalim niyang pagtingin. Nalaman ni Denver na noong una ay
ginamit lamang siya ni Ismael upang makalimot sa kaniyang pagluluksa sa pagkawala ng kaniyang mga
magulang, at hindi na pinakinggan ang pagpapaliwanang ng lalaki. Nagresulta ito sa pagkamatay ng kaniyang
minamahal dahil sa tangkang paghabol sa kaniya upang ipaliwanag na ngayon, ay totoong mahal niya na ito.
Nabangga ng sasakyan si Ismael, kung kaya naman labis ang pagsisisi ni Denver na hindi niya pinakinggan
ang perspektibo ng lalaki. Kung titignan, maaaring maisisi kay Denver ang naging kapalaran ni Ismael ngunit
kapag nilaliman natin ang ating pag-iisip, lubusan nating mauunawaan ang naging reaksiyon ng binabae sa
nalaman. Sa ating lipunan, kahit na sa kasalukuyan, may mga tao pa din na nagsasabi sa mga taong may
ikatlong kasarian na walang totoong magmamahal sa kanila. Isa ito sa dahilan ng pagkawalang kumpiyansa sa
sarili ni Denver at ang lubusan niyang paninibugho sa nalaman noon. Likas sa isang tao, mapatuwid o ikatlong
kasarian, na kapag tayo ay nakakaramdam ng matinding silakbo ng dadamdamin ay hindi natin nagagawang
makinig sa kahit na sino. Sa kabila ng mga ito, hindi pa rin tama ang ginawa ni Denver na hindi pakikinig kay
Ismael, dahil kung totoong mahal niya ito, uunawain niya ang lalaki at susubukang paniwalaan kahit na
masasakit na salita ang kaniyang narinig dito.

Humahanga ako sa paraan ng pagsulat ng may-akda sa maikling kuwento na ito. Nagawa niya na
tumalakay ng seryosong paksa sa pamamagitan ng paggamit ng simpleng mga salita na makakapukaw ng
atensyon ng maraming mambabasa, ngunit mas makabubuti sana na kahit simple, mas pormal at disente ang
kaniyang pamamaraan ng pagsulat upang mas maraming mamabasa ang tangkilikin ang kaniyang akda.
Iminumungkahi ko rin na kung maaari, ay mas nilaliman o nilawakan niya ang paglalahad ng nararamdan ni
Denver kay Ismael. Nang sa gayon, ay mas lalong maintindihan ng tao at ng lipunan ang perspektibo ng mga
taong kabilang sa ikatlong kasarian sa larangan ng pagmamahal. Sa kabila ng lahat ng ito, humahanga rin ako
sa konsepto ng may akda sa paggawa ng istoryang ito dahil sa paglalahad sa mga mambabasa ng isang
kakaibang klase ng diskriminisayon. Kung titignan, wala nga namang dahil upang yurakan natin ang pagkatao
ng mga miyembron ng LGBT, lalo na kung hindi nila naapektuhan o nagagambala ang iyong mga karapatang
pantao. Kung ang pagtanggap ang susi sa pagkakaisa at kapayapaan sa mundo, sino tayo upang ipagkait ito?

You might also like