You are on page 1of 1

Dinalupihan

(Analysis per Town)


Mula sa aming mga nakolektang literatura na nanggaling pa sa bayan ng
Dinalupihan, karamihan sa mga ito ay patungkol sa pighati sa buhay o kahit sa
larangan ng pag-ibig . Ang mga literaturang aming nakuha ay Tadhana ni Allen G.
Sarmiento at Walang kapara ni Marimar Ann M. Panti. Iyan ay ilan lamang sa
mga nakuha naming literature na nagmula sa Dinalupihan.

Sa tulang Tadhana naisasaad dito na hindi sa lahat ng iyong makakaibigan


o magiging kasintahan ay iyon na ang nakatadhana o soulmate mo. Ang iba sa
kanila ay magsisilbing aral sayo pwedeng may pagkukulang kapa sa pagmamahal o
may mga bagay kang dapat baguhin sa sarili mo. Walang sinuman satin ang
makakapgsabi kung sino talaga ang nakalaan para satin, tanging ang Poong
Maykapa lang ang nakakaalam nito. Lalo na sa mga kabataan ngayon, sila ay
napaka mapupusok pagdating sap ag-ibig. Hindi natin kailangang magmadali o
magpadalos-dalos, may tamang panahon at oras para dito, minsan pay kusa itong
dumadating sa atin. Ang isa namang literatura na pinamagatang Walang kapari
ay patungkol sa pighati sa buhay na kung saan hindi siya pinapansin ng lalaking
kanyang gusto dahil mayroon itong ibang gusto. Loyal at faithful ito sa kanyang
iniirog, kaya naman naiwang nagmamahal mag-isa ang babae. Pwede din namang
patungkol ito sa isang estudyante na kung saan hindi siya pinapakinggan ng
kanyang guro dahil mzy paborito ito sa kanilang klase. Ginagawa ng lahat ng bata
para siya ay mapansin ng kabyanng guro ngunit talagang may pinapanigan ito sa
kanilang klase.

Sa kabuuan, karamihan sa mga manunulat sa bayan ng Dinalupihan ay


nakatuon sa pighati, kalungkutan o sa mga sakit na nararamdaman ng isang tao.,
tinatalakay nila ang maraming aspeto ng kasawian sa buhay ng isang tao.

You might also like