You are on page 1of 1

8 tipid tips mula kay Cinderella

Alam natin na sa panahon ngayon ay napakahirap ng buhay. Yung tipong pati kasulok- sulukang ng
bahay at bulsa mo ay nahukay mo na. Matuto kasing matipid. Paano? Narito ang mungkahi ni Cinderella.

1. Huwag maarte sa pagpapaganda ng sarili!


(“kahit magsuklay na lang eh ok na. Ako nga tanging mga kaibigan kong ibon, daga at kung anu-
ano pang hayop ang gumagawa ng paraan upang ako ay gumanda.”)
2. Kung may extrang pagkakakitaan sige tanggapin mo na!
(“kung ako nga katulong na hindi binabayaran ay ok lang yun pa kayang may extra income ka.
Pagod na ako sa trabaho wala pang monetary na natatanggap. ‘Di ba mas masarap magtrabaho
kung babayaran ka at least relieved yung pagod mo.”)
3. Maging praktikal!
(“Karamihan sa atin ngayon ay nagrereklamo kapag walang load ang WiFi o kaya ay walang data
ang phone. Eh ang lagay baga naman ay hindi makakapaglaro ng Everwing, COC, Mobile
Legends at kung anu-ano pa. Eh ako nga tanang buhay ko ay hindi man lang nakaranas na
maglaro. Tanging mga kaibigan kong mga hayop lang mga kalaro ko.”)
4. Huwag mapili sa Tirahan!
(“maswerte nga kayo kasi natira kayo sa maayos na tirahan. Konting banas reklamo. Kapag
walang malambot na higaan reklamo. Eh ako nga nakatira sa maliit na silid eh ok lang. Walang
bentilador at walang kama may kasama pang daga at ibon.”)
5. Hanggang may maisusuot na damit na presentable eh huwag munang bumili!
(“Kagaganda nga lagi ng suot nyo. Nagrereklamo pa kayo kapag hindi mamahalin o kaya’y
branded ang suot na damit, short, pantalon at bag. Eh ako nga tanging damit pangkatulong lang
ang lagging suot hindi pa napapalitan. Nakasuot lang ako ng magarang kasuotan dahil kay Fairy
God Mother sa tulong pa yun ng magic huh.”)
6. Maging matipid sa lahat ng oras!
(“kayo kasi lahat ng bagay ay gagawin maging maalwan lang ang inyong buhay kahit gumastos
ng malaki. Ang laging sinasabi ay babayad na lang ako kesa mahirapan. Eh ako nga eh kapag may
nababasag na gamit sa bahay ng Stepmother ko ay gumagawa ako ng bagay upang maayos itong
muli upang hindi ako mapagalitan at masaktan kahit pa ikapagod ko ito. Wala akong magagawa
kasi wala naman akong pera.”)
7. Maglakad hangga’t kaya!
(“sa panahon kasi ngayon ay kanya kanya ng mga sasakyan. Lahat ay tamad ng maglakad. Ayaw
nilang mapagod. Ako nga eh sobrang layo ng nilalakad makabili lang ng mga gulay, prutas at
karne para sa aking Stepmother at Stepsisters. Malayo rin ang tinakbo ko nung matapos ang alas
12:00 ng gabi habang kasayaw ko ang aking Prince Charming. Nakasakay lang ako ng sasakyan,
sa kalabasa pa.”)
8. Huwag Masyadong maarte sa pagkain!
(“Lagi kasi ang gusto ay masarap at sa mamahalin. Instant kung baga. Eh ako nga nagtitiis sa tira-
tira ng mga kasama ko sa bahay eh maalis lang ang gutom na aking nararamdaman. Minsan nga
wala pa pero ok lang at least buhay.”)

Hayaan na huh. Siguro naman ay kaya mo ng gawin ang pagtitipid. Mahirap pero kung
gugustuhin ay madali lang!

You might also like