You are on page 1of 1

AIS Sepak Takraw Team, umariba sa City Meet

Nasungkit ng AIS Sepak Takraw team ang isang gintong medalya at pagkapanalo
ng 3-0 laban sa iba’t ibang paaralan ng Tuguegarao City sa katatapos na City Athletic
Meet sa Cagayan Sports Complex.
Nakamit nila ang gintong medalya sa larong Regular Sepak Takraw na may
tatlong manlalaro sa bawat koponan. Sa Double Takraw, nakuha nila ang ikalawang
pwesto na may dalawang manlalaro sa bawat koponan.
Nanalo ng limang beses ang AIS team na binubuo nina Nylchrist Zalun,Jhon Mark
Labang at Carl Allen Taguinod. Buong suporta ang ibinigay ng kanilang coach na si
Benedict Asuncion para makamit nila ang unang pwesto. Anya ni Asuncion, “Ang AIS
Sepak Takraw Team ay nagpakitang gilas at nanatiling matatag para tapusin nila ang
kanilang mga laro.”
Ang City Athletic Meet ay isang uri ng kompetisyon kung saan ang iba’t ibang
paaralan ng dibisyon ay maglaban-laban para mapili ang pinakamahusay na manlalaro na
siyang magiging kinatawan sa Cagayan Valley Regional Athletic Association
(CAVRAA) Meet.

You might also like