You are on page 1of 8

Indigenous Knowledge System Practices

Yugto ng
buhay

Mga Uri ng Kagamitan sa Ibat ibang Kabuhayan ng mga Badjao


Tao

10
hanggang
pagtanda

Kalalakihan
Ama
Kuya

Badjao
Angusaha
Amissi
Magtuhon
saliyaw

Tagalog
Paghahanapbuhay
sa dagat
Pamimiwas
Maninisid
Isda

Kagamitan
Bangka
Sibat
pana

Interfacing Of Community Competencies With Deped National


Competencies
Yugto Mga Uri ng
Ng
Kabuhayan
Buhay Pandagat
10
hangg
ang
pagtan
da

Pangingisda
Angusaha
Amissi
Magtuhon

Community
Competency
Naiisaisa ang mga
kagamitan sa ibat
ibang kabuhayan
at mga
produktong
pangkalakalan ng
mga Badjao.
Napahahalgahan
ang mga
kagamitan sa ibat
ibang kabuhayan
at produktong
pangkalakalan .

DepEd/National
Competency
Natatalakay ang mga
kagamitan sa ibat ibang
kabuhayan, at mga
produktong
pangkalakalan.AP5PLP-Ig-7

Banghay Aralin Sa Pagtuturo Ng Araling Panlipunan 5


I. Layunin
1.Natatalakay ang mga kagamitan sa ibat ibang kabuhayan at mga
produktong pangkalakalan.
2.Naiisaisa ang mga kagamitan sa ibat ibang kabuhayan at mga
produktong pangkalakalan ng mga Badjao.
3.Napahahalagahan ang mga kagamitan sa ibat ibang kabuhayan at mga
produktong pangkalakalan.
II. Paksang Aralin
Mga Kagamitan sa Ibat Ibang Kabuhayan at Mg
ProduktongPangkalakalan
Sangunian :AP5LP-Ig-7,Makabayan KAPALIGIRANG PILIPINO
Kagamitan:tsart,larawan,power point presentation,video clips
Pagpapahalaga: Pagiging Maingat
III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Balik aral
Pagmasdan ang mga larawan.Magtatanung ang guro tungkol dito.

a. Anung uri ng kabuhayan ang ipinakikita ng larawan?


b. Ano ano ang kagamitang ginagamit sa paninisid?pagsasaka?
2. Pagganyak
Laro : Mix n Match
Sabihin: Simulan natin ang ating aralin sa pamamagitan ng
isang laro. Ngayon ay nais kong pumunta sa unahan ang 4 lalaki at 4
babae. Bawat isa sa inyo ay bibigyan ko ng larawan at strips ng papel

na may nakasulat na pangalan ng larawan. Nais kong


hanapin ninyo ang inyong kapartner sa saliw ng awitin at
pagdikitin ito kapag tumigil ang tugtog.
Sibat

Lambat

Pana

Bangka
Ano ano ang kaugnayan ng mga larawan sa buhay nating mga tao?
Saan natin ito ginagamit?[paghahanapbuhay]
B. Panlinang na Gawain
1.Pagganyak na tanong
a. Ano-anong pag iingat ang inyong ginagawa upang mapanatili ang
kaayusan ng mga gamit tulad ng nasa larawan?
b. Ano ang gusto ninyong malaman sa maikling dayalogo?
2.Pagbuo ng Suliranin
Anu-anong mga produktong pangkabuhayan ng mga tauhan sa
kwento ?

Nakaranas ng daluyong ang pamayanan nina Abdul at Kaiman


sanhi ng bagyong dumating sa bansa.
Abdul: Kaiman.Kumusta na inyong luma [bahay],bangka at ang iyong
pamilya?
Kaiman: Mabuti naman kami sa Sentrong Pangkaligtasan, kaya lang

nasira ng ang aming bangka.pero maari pa naman ayusin upang

makapanghuli ng isda at iba pang produktong dagat Ikaw ba


kumusta na?
Abdul:

Katulad ng sa iyo ganon din ang nangyari sa amin,ngunit ang iba


nating katribo ay hindi umalis sa kanilang luma [bahay]. May mga
gamit kasi sila na dapat bantayan. Mayroon ibang nasira pero

naayos din naman.


Kaiman: Mabuti at maagap ang itay, at nakinig sa balita . Kaya heto kami
at kumpleto sa center,at ligtas pati na rin aming gamit
sa pangkabuhayan.Makakasisid na muli ng pelang (perlas) si
Uma(Tatay).
Abdul: Tama ka Kaiman! Nagkaron man ng pinsala ngunit marami pa

rin ang ligtas sa atin at sa ating kabuhayan at luma(bahay),


ang mahalaga ay kumpleto an gating pamilya.
Kaiman: Tama ka kaibigan.
3. Pagtatalakay
a.Sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?
b. Anung sakuna ang naranasan ni Abdul at Kaiman?
c.Saan sila nagtungo upang makaiwas sa daluyong?
d.Bakit ligtas ang pamilya ni Kaiman at ang kanilang gamit
pangkabuhayan?
f.Anu ano ang mga kagamitan sa pangkabuhayang binanggit sa
g.Anu ano ang mga produktong pangkalakalan na inyung narinig sa
kwento
h.Bilang mag-aaral paano ka makakatulong sa pangangalaga ng
kagamitan sa pangkabuhayan.
4.Paglalahat
Ano ano ang pangunahing kagamitan pangkabuhayan ang
matatagpuan sa inyung pamayanan?
Anu ano ang mga pangunahing kagamitan pangkabuhayan ng Sama
Badjao?
5. Pagsasanay
Pangkatang Gawain
Pangkat I - Artista Toh -

Ipakita sa pamamagitan ng pag arte ang


pamamaraan upang mapangalagaan mo ang mga
kagamitan sa pangkabuhayan na mkikita sa inyong
pamayanan na makatutulong sa pagpapaunlad ng
kabuhayan.
Pangkat II - Suliranin ,Lutasin Si Iskamil ay isang batang Badjao na mahilig
mamulot ng mga bagay bagay sa tabing dagat tulad ng
mga kabibe at sigay. Sa paglalakad sa tabing dagat ay
may natisod siyang matigas na mga bagay sa tabi ng
bangka ni Uma Johny ito ay isang lambat,pana at sibat
na yari sa bakal. Ano ang mainam niyang gawin upang
ito ay mapangalagaan
Pangkat III- Awitin Mo
Bumuo ng isang awit tungkol sa mga kagamitang
pangkabuhayan at produktong pangkalakalan na mkikita
sa pamayanan ng mga Badjao at awitin ito sa klase
6. Paglalapat
Bawat pangkat ay gagawa ng poster tungkol sa pag iingat sa
mga kagamitan pangkabuhayan na makikita sa pamayanan Badjao.
IV. Pagtataya
Panuto:Pagtambalin ang pangunahing yamang dagat sa Hanay A sa
mga gamit nito sa Hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
Hanay A
1. kabibe
2. perlas
3. saliyaw[isda]
4.pana
5.bangka

Hanay B
a. sinasakyan pa puntang dagat
upang manghuli ng isda.
b. nagsisilbing pagkain ng pamilya
c. ginagamit sa pninisid ng isda o
perlas
d.kinukulekta ng mga bata upang
gawin laruan
e.gingamit na alahas tulad ng
hikaw

B. Sa paanong paraan ka makatutulong sa pag iingat o pangangalaga sa


mga kagamitan pangdagat sa inyong pamayanan ( 2pts)

V. Takdang Aralin
Panuto:Magsaliksik tungkol sa mga kagamitan pangkbuhayan at
produktong pagkalakalan na matatagpuan sa inyong pamayanan.

Iguhit o gumupit ng larawan para sa kagamitang pangkabuhayanat


produktong pangkalakalan.

Kagamitang Pangkabuhayan

Produktong Pangkalakalan

You might also like