You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Sa Ekonomiks - 9

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan ang mag–aaral ay inaasahang;

A. Nabibigyang kahulugan ang salitang Agrikultura


B. Naipaliliwanag ang mga gawaing bumubuo sa Sektor ng Agrikultura
C. Napahahalagahan ang gampanin ng Agrikultura sa ekonomiya ng bansa;
at
D. Nakapagtatanghal ng isang adbokasiya upang maisulong ang Agrikultura

II. NILALAMAN
A. Paksa ;Aralin 2 “SEKTOR NG AGRIKUTURA”
B. Sanggunian ; Ekonomiks, pahina 365-368
C. Kagamitan ; Laptop,Pantulong biswal

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag - aaral

A. Panimulang Gawain

Pambungad na Panalangin

Klas! Bago natin simulan ang ating aralin nais ko ( Magsitayo ang mga mag – aaral)
munang kayo’y tumayo at tayo’y manalagin !

Mr.Roilo pangunahan mo ang pagdarasal Sa Ngalan ng Panginoong Jesus ipamagitan sayo


Ama .Amen!

Pagbati ( Magandang araw klas!) Magandang araw din po Sir!

Pagtala ng lumiban sa klase


( mayroon bang lumiban sa ating klase klas! ) Wala po Sir!

Magaling!

Klas! Handa na ba kayo sa ating isasagawang Aralin?


Opo sir!
A. Pagganyak

Gawain 1.” LARAWAN – SURI”

Klas bago tayo tumungo sa ating paksa mayroon


akong inihandang mga larawan at ito’y inyong MGA LARAWAN
susuriin

Batay sa inyong obserbasyon, Anu- ano ang mga


larawan na inyong nakikita? - Magsasaka,mga troso,mga hayop at mga
mangingisda
Tama! ROILO
Sa tingin ninyo ito ba ay karaniwang nakikita
sa pang araw araw nating pamumuhay? - Opo, sir! Lalo na dito sa Probinsya
LAHAT
Tama!

Ngayon klas! Ano kayang mga hanapbuhay - Pagsasaka,Paggugubat,Paghahayupan at


ang naibibigay ng mga ito? Pangingisda
REGINE
Magaling!

At kung gayon klas! Anong ahensiya ang


nangangasiwa dito? - Kagawaran ng Agrikultura
LAHAT

A. Paglalahad

Klas! Sa tulong ng mga larawang inyong nakita


ano sa tingin niyo ang ating paksa ngayong araw
- Tungkol po sa Sektor ng Agrikultura sir!
na ito?

Tama! Ang ating paksa ngayong araw na ito, ay


LAHAT
patungkol sa Sektor ng Agrikultura!

B. Pagtalakay
- Ang Agrikultura ay pangunahing pinagkukunan
Klas! Ano nga ba ang kahulugan ng
ng pagkain at nagtataguyod sa Ekonomiya ng
Agrikultura?
bansa
Magaling! DENVER
Anu –ano ang mga gawaing bumubuo sa - Paghahalaman,Paghahayupan,Paggugubat at
Sektor ng Agrikultura? Pangingisda
CRISTEL ANNE
Tama!

Ngayon klas! Gaano nga ba kahalaga ang - Napakahalaga ng Sektor ng Agrikultura sa ating
Sektor ng Agrikultura sa Ekonomiya ng ating bansa, dahil ito ang nagtataguyod ng mataas
Bansa? na bahagdan sa ating Ekonomiya ,
AIZA
Magaling !

Naintindihan ba ninyo ang ating isinagawang


- Opo sir!
talakayan klas?

Ngayon upang mas lalo ninyong maunawaan LAHAT


ang ating paksa. Mayroon akong inihandang
isang aktibidad!

GAWAIN 2. PANGKATANG GAWAIN

Klas! Papangkatin ko ang ating klase sa apat

At ang bawat pangkat ay bibigyan ko


nang enbelop na may nakalakip na mga
larawan na patungkol sa mga gawaing
bumubuo sa Sektor ng Agrikultura,At
ito’y inyong ipaliliwanag.

- Ang paghahalaman ay nakapagbibgay ng mga


Unang Pangkat ( paghahalamanan)
produkto tulad ng gulay at prutas

- Ito’y mahalagang pinagkukunan ng mga


Ikalawang pangkat ( Paggugubat)
Plywood at mga tabla

- Saklaw nito ang pag-aalaga ng mga Hayop


Ikatlong Pangkat ( Paghahayupan)

- Ang pangingisda ay nakapagbibigay ng trabaho


Ika- apat na Pangkat (Pangingisda)
lalo na sa mga nakatira malapit sa mga tabing
dagat o ilog
Klas,Magaling! Nagustuhan ko ang inyong ginawa!

C. Pagpapahalaga

Ngayon klas! Bilang isang mag aaral, Ano sa


tingin ninyo ang mahalagang ginagampanan ng ( Magbibigay ng kaniya-kaniyang ideya)
Agrikultura sa ating Ekonomiya?

Magaling!

D. Paglalapat

Gawain 3. ADVOCACY CAMPAIGN

Gayunpaman klas! kung inyo ng lubusang


naunawaan ang ating paksang aralin.Nais
kong kayo’y manatili sa inyong grupo at
gumawa ng Adbokasiya patungkol sa pag-
unlad sa Sektor ng Agrikultura

Klas! Gagawin niyo lamang ito sa loob ng


limang minuto

Klas! Ilalahad niyo lamang ito sa loob ng


dalawang minuto

PAMANTAYAN;

NILALAMAN – 25%
PRESENTASYON – 15%
KOOPERASYON – 10%
KABUUAN – 50%

IV. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung anong Sektor ng Agrikultura ang mga sumusunod;

1. Mais 6. Niyog
2. Bangus 7. Itlog
3. Mani 8. Mesa
4. Plywood 9. Gatas
5. Alimango 10. Upuan
V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan;


1. Anu-ano ang mga suliranin kinkaharap ng Sektor ng Agrikultura?
2. Anu-ano ang kasalukuyang solusyong ginawa ng pamahalaan,magsasaka at
mga nasa pribadong sector?
3. Ano ang inyong maaring maiambagupang maging kabahagisa pagtugon sa
mga suliranin sa Sektor ng Agrikultura?

INIHANDA NI:
JAKE V. AGUSTIN

BINIGYANG PANSIN NI:


Gng. SHERYL M. MALUPENG

You might also like