You are on page 1of 15

MASUSING BANGHAY SA ARALING PANLIPUNAN 9

(EKONOMIKS)

Pangalan ng Guro Francis Mel Panti Pangkat


Oras ng Pagpapakitang
Asignatura AralingPanlipunan 3:00 – 4:00 PM
Turo
Petsa ng
Baitang 9 May 9, 2023
Pagpapakitang Turo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya
Pangnilalaman at mga patakarang pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at
pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na
Pagganap pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga
patakarang pang-ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at
pag-unlad.
C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng
Pagkatuto agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa bawat Pilipino
AP9MSP-IVd-7

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng Aralin, ang mag-aaral ay inaasahan na;
a. Naipapaliwanag ang dahilan ng suliranin ng agrikultura
b. Nakagagawa ng “Cluster map”, “Advocacy Campaign”, at
Slogan na naglalaman ng maaring sulosyon sa suliranin sa
agrikultura
c. Napapahalagahan ang mungkahing paraan o mga gawain
upang masolusyunan ang suliranin sa agrikultura
II. Paksang Aralin Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng Guro) IV. 2012.
ng Guro pp. 115 and 118.
2. Mga Pahinasa EASE IV Modyul 12
Kagamitang Pang Ekonomiks (Batayang Aklat)IV. 2000. pp. 228- 229.
Mag-aaral Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Batayang Aklat) IV. 2012.
pp. 323- 328, 336-340, 342.
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Learning Resource
(LR) Portal
B. Iba pang Mga Larawan mula sa internet, PowerpointPresentation, Kartolina,
KagamitangPanturo Manila Paper

IV. Pamamaraan Gawaing guro Gawaing mag-aaral


Panimulang Gawain Magandang umaga sa ating lahat! Magandang umaga din po!

Bago natin simulan ang ating aralin,


tayo muna ay tumayo para ating
panalangin.

Sino ang maaring manguna sa ating (may isang estudyante na mag v-volunter)
panalangin?

(taimtim na nananalangin ang lahat)


Sa muli, magandang araw sa inyong Magandang araw din po, Ma’am!
lahat!

Sino po ang liban ngayong araw? Wala po, Ma’am.

Magaling! Walang liban ngayong


araw at kumpleto tayo.
A.Balik-aral sa Bilang pagbabalik aral natin ngayong
nakaraang aralin araw, mayroon akong larong
inihanda para sainyo.

Gusto niyo ba ng laro? Opo!

Ngayon para sa ating panuto nais ko


na making ang lahat upang
maiwasan ang kalituhan.

Handa na ba kayo? Opo!

Gamit ang interactive name picker


website na Online Stopwatch,
magkakaroon ng interactib na
tanungan.

Panuto: Para sa ating laro, mayroon


akong inihanda na mga katanungan
kalakip ng inyong pngalan, kpag
lumbas ang inyong pangalan sa
screen, kayo ang sasagot sa
katanungn na nakalakip dito.

Mga katanungan:
Ano ang sector ng agrikultura?
Ang sektor ng agrikultura ay isang
mahalagang
tagapagtaguyod ng ekonomiya ng
bansa. Katuwang ito ng pamahalaan sa
pagpapalakas at pagtugon sa mga
pangunahing
pangangailangan ng mamamayan
mula sa pagkain hanggang sa mga
sangkap ng
produksiyon.

Ano ang bumubuo sa sector ng


Agrikultura? Ang bumubuo sa sector ng agrikultura ay
ang pagsasaka, paghahayupan,
pangingisda at panggugubat.

Ano ang pangunahing tanim ng


bansa? Ang pangunahing tanim ng ating bansa ay
Palay, mais, niyog saging, pinya, kape,
manga, tabako at abaka.
Magaling! Inyo nga’ng natandaan
ang ating tinalakay noong nakaraang
aralin.
B. Pagganyak: Sa ating pagsisimula, pakikinggan
Paghahabisalayunin muna natin ang isang awiting bata na
ng aralin. alam ko’ng pamilyar na kayo. Ito ay
ang awiting “Magtanim Ay Di Biro”.
Atin itong pakinggan nang sa gayon
ay makuha natin ang nais na ipahatid
ng awitin at magamit natin sa ating
magiging talakayan para sa ngayong
araw. Pakatapos ng awitin ay may
inihanda akong katanungan na
inyong sasagutan.

Handan a ba’ng making ang lahat?

Simulan na nating pakinggan at Opo! Handa na po


unawain ang awitin.

Magtanim Ay Di Biro
By: bulilit singers

Magtanim ay 'di biro


Maghapong nakayuko
'Di man lang makaupo
'Di man lang makatayo
Braso ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit
Binti ko'y namimitig
Sa pagkababad sa tubig
Sa umagang paggising
Ang lahat iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain
Braso ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit
Binti ko'y namimitig
Sa pagkababad sa tubig
Halina, halina, mga kaliyag
Tayo'y magsipag-unat-unat
Magpanibago tayo ng landas
Para sa araw ng bukas
Para sa araw ng bukas

Base sa awiting inyong napakinggan, Nais po’ng ipabatid ng awitin ang hirap na
ano kaya ang mensaheng dinaranas ng isang magsasaka tuwing
ipinapahiwatig ng awitin? sila ay tatanim.

Tama! Kung atin nga’ng susuriin ang


kanta, ito ay tumutukoy sa hirap na
dinaranas ng isang magsasaka
upang makapagtanim.
C. Pag-uugnay ng Sa tingin niyo, ano kaya ang suliranin (Posibleng sagot)
mga halimbawa sa na kinakaharap ng ating mga Maaring nararanasan ng mga magsasaka
bagong aralin bilang magsasaka? O sa sector ng ang suliranin sa kawalan ng suporta sa
paglilinaw sa mga agrikultura? pamahalaan.
bagong konsepto.
Yes, maaari nga. Sino pa ang may Kawalan ng pondo at lupa ay isa rin sa
ideya? maaaring suliranin sa sector ng
agrikultura.

Maaari rin na kakulangan sa lupa ang


suliranin.
Sino pa ang mayroon ng kasagutan?

Magaling! Maraming salamat sa


inyong mga kasagutan, talaga
namang pinag-iisipan ang bawat
sasabihin niyo.

Ngayon, ayy aalamin natin kung


nararanasan nga ng sector ng
agrikultura ang mga sinabi ninyong
suliranin.
D. Pagtalakay ng Sa ating pagsisimula nais ko munang
bagong konsepto at sagutan ninyo ang katanungan na
paglalahad ng aking babanggitin.
bagongkasanayan 1.
Naniniwala ka ba na ang agrikultura (Posibleng sagot)
ay parte na ng pamumuhay ng mga Oo, parte na ng pamumuhay ng mga
Pilipino? Pilipino ang agrikulta, bilang ang ating
bansa ay tinagurian o kabilang sa
“Agricultural Country”, bahagi na ng
buhay ng maraming Pilipino ang
agrikultura.

Tama, may maaari pa ba na (Posibleng sagot)


makabahagi ng kasagutan? Naniniwala ako na parte na ng
pamumuhay ng mga Pilipino ang
agrikultura dahil marami sa ating mga
kababayan ay ginagaang kabuhayan ang
agrikultura kung kaya naman nagiging
parte na ito ng kanilang pamumuhay.

Tama lahat ang inyong kasagutan.

Tulad nga sa awiting ating


napakinggan, ang mag tanim ay di
biro, ngunit hindi lamang sa
pagtatanim at sa iba pang sector ng
agrikultura, sadyang marami talaga
ang suliranin.

Ngayong araw ay tatalakayanin


nating ang mga suliranin sa asektor
ng agrikultura.

May ideya ba kayo kung ano ang (Posibleng sagot)


tinatawag natin na suliranin sa sektor Ang suliranin sa sektor ng agrikultura ay
ng agrikultura? ang mga naghahadlang upang patuloy
ang pag unlad ng sektor na ito.

Mahusay! Sino pa ang may ideya? (Posibleng sagot)


Maaaring ito ay ang mga nagpapahirap sa
mga mamamayan na ang hanap buhay ay
Magaling! Ngayong araw ay naka angkla sa sektor ng agrikultura.
malalaman natin kung tama ba ang
inyong mga ideya patungkol sa mga
suliranin sa sektor ng agrikultura.

Handa na ba kayong malinang ang


inyong mga kaalaman sa ating
aralin? Handa na po!

Kung ganon ay simulan na natin ang


ating talakayan.

Malaki ang kontribusyon ng


agrikultura sa ating pambansang
ekonomiya. Para sa taong 2018, ang
9.28% ng kabuuang kita ng
ekonomiya ay nagmula sa sektor na
ito (mula sa datos ng
www.statista.com).

Sino ang maaaring makapagbasa sa


teksto?
(may isang estudyante na tataas ng
kamay upang mag-basa)
Ang mga sumusunod ay ang suliranin sa
agrikulura:
1. Pagliit ng lupang sakahan at tubig
pangisdaan
2. Kakaunting bilang ng mga
manggagawa
3. Kakulangan sa gamit o
imprastraktura
4. Climate change at polusyon
5. Mapanganib na paraan ng
pangingisda
6. Mabilis na pagkaubos ng
Kung inyong makikita, mayroon kagubatan
tayong anim na suliranin na lubhang
nakakaapekto sa sector ng
agrikultura.

Ang ating unang suliranin ay ang


Pagliit ng lupang sakahan at tubig
pangisdaan. Sa inyong palagay, (Posibleng sagot)
paano kaya iyan nagiging mga Nagiging suliranin poi to sapagkat kulang
suliranin sa sector ng agrikultura? na ang lupang pagtatamnan ng
mahalaman, ang pagliit ng lupang
sakahan ay makakaapekto sa produkto
na magaagawa ng isang bansa o lugar.
Tama! Sino pa ang gusting sumagot?

Dahil po sa kawalang Malayan ng tao,


nasisira po ang mga katubigan na siyang
nagsisilbing pangisdaan ng ating mga
kababayan.
Tama! May gusto pa ba’ng mag
bahagi ng sagot?
Bilang ang pilipinas ay isang agricultural
na bansa, maaari itong makaapekto sa
ating ekonomiya.
Magaling! Lahat ng inyong nabanggit
ay may kaugnayan kung bakit naging
suliranin ng sector ng agrikultura ang
pagliit ng lupang sakahan at tubig
pangisdaan.

Sa tingin ninyo paano nagiging


suliranin sa sector ng agrikultura ang
pagliit ng lupang sakahan at tubig Isa sa mga suliraning kinakaharap ng
pangisdaan? sector ng agrikultura ay ang pagliit ng
lupang sakahan, gayon na rin ng mga
tubig pangisdaan. Dahill sa mabilis na
paglaki ng populasyon, may mga
kabukirang ginagawang subdibisyon
upang matugunan ang pangangailangan
sa tahanan. Mayroon ring mga karagatan
na pinagtatayuan ng mga gusali at iba
pang establisyemento.
Dahil sa lumiliit na sakahan at tubig
pangisdaan, lumiliit rin ang dami ng
naaaning produkto at mga nahuhuling
Magaling, base sa inyong mga isda at iba pang lamang-dagat.
kasagutan, tama ang inyong
kaalaman patungkol sa suliranin na
pagliit ng lupang sakahan at tubig
pangisdaan.

May katanungan po ba sa unang


suliranin?
Wala po!
Kung ganon ay dumako na tayo sa
ating pangalawang suliranin. Ano
nga ulit ito? Ito ay ang kakaunting bilang ng
manggagawa.

Tama! Sino ang may ideya kung


bakit nagiging suliranin sa agrikultura
ang kakaunting bilang ng (Posibleng sagot)
manggagawa? Nagiging suliranin ito dahil kapag mas lalo
pang kumonti ang mga bilang ng
mangagawa sa sector ng agrikultura,
kokonti ang magtatanim at maapektuhan
nito ang mga maaring maani o maitanim
na produkto.
Magaling! Sino pa ang gustong
magbahagi ng kanyang ideya?
Kapag patuloy ang pagkonti ng bilang ng
mangagawa sa sector ng agrikultura o
tuluyang wala nang gustong magtrabaho
sa sector ng agrikultura, maapektuhan
nito an gating ekonomiya. Hindi na
gagana ang sector na pangunahing
pinagkukunan ng kita ng ating bansa at
magiging malaki ang dagok nito sa
ekonomiya.
Very good! Sabi dito sa ating PPT,
Kaunti lamang an gang bilang ng
mga manggagawa sa sector na ito
sapagkat kaunti lamang sa batang
henerasyon ang pumapasok sa
sector na ito at karamihan sa mga
magsasakag Pilipino ay edad 57 taon
gulang.

Base sa inyong mga kasagutan,


kapag patuloy na lumiit ang bilang ng
mga manggagawa sa sector ng
agrikultura ay magkakaroon ng
malaking problema ang ating
pamahalaan lalong-lalo na ang
ekonomiya dahil mawawala ang
sector na nagbibigay ng malaking
kita sa ating bansa.

Ngayon class, sa tingin ninyo, bakit


kakaunti ang pumapasok sa trabaho (posibleng sagot)
patungkol o may kinalaman sa Dahil konti ang kita sa mga trabahong
agrikultura? may kinalaman sa agrikultura, kung kaya
naman ay hindi ganoon karami ang
gumugusto sa mga trabaho na may
kinalaman sa sector na ito.

Tama! Yan nga ang pangunahing


dahilan kung bakit maliit ang bilang Madalas ay mayroong diskriminasyon
ng manggagawa sa sector ng kapag sinabing ang trabaho ay may
agrikultura. Sino pa ang may kinalaman sa agrikultura partikular sa
kasagutan? pagsasaka. Madalas ay nila-“lang” lang
ang pagsasaka.

Yes! Tama po! Nagkakaroon nga ng


diskriminasyon kapag nasa sector ng
agrikultura ang trabaho dahil
tinitingnan nila ito bilang isang
mababang uri ng trabaho.
Gayonpaman, hindi dapat tayo
mangmaliit ng trabaho partikular
kung ito ay nasa agrikultura sapagkat
sila ang nagpapakahirap upang
magkaroon tayo ng pagkain, kahit
konti lamang ang kanilang kita.

Ngayon naman ay dumako na tayo


sa ating pangatlong suliranin sa (posibleng sagot)
agrikultura at ito ay ang kakulangan Dahil sa kakulangan ng pondo ng sector
sa gamit o imprastraktura. Ano ng agrikultura nagkakaroon ng
naman ang ideya niyo patungkol kakulangan sa kagamitan at
dito? hinahadlangan nito ang pagkakaroon ng
mga dekalidad na produkto o mas
madami na nagagwang mga produkto.

Tama! Sino pa ang may kasagutan?


Ang kakulagan rin po sa mga irigasyon ng
mga kabukiran ay naghahadlang sa ating
mga magsasaka upang makatanim ng
mga produkto.

Yes! Tama po! Ang kakulangan sa


mga kagamitan tulad ng pataba,
pang-araro, at irigasyon ay maaring
magdulot ng mabagal o mbabang
produksyon. Dadagdag pa dito ang
kakulangan sa imprastraktura tulad
ng kalsada at tulay na nagdudugtong
sa mga bukirin at pangisdaan
patungong bayan ay nakakahadlang
sa mas malawakang kalakaran.

Ano naman an gating susunod na


suliranin? Ang susunod na suliranin ay ang Climate
change at polusyon.

Sino ang may ideya kung bakit ito ay


naging isang suliranin sa sector ng Kapag may paparating na bagyo o
agrikultura? anumang natural na kalamidad, ito ay
hindi inaasahan ng isang magsasaka o
mangingisda. Ang mga sakuna na ito ay
maaaring magduot ng pagkasira ng mga
pananim at maaring magdulot ng
paglakas ng tubig sanhi ng pagkamatay
ng mga lamang-dagat.

Tama! Sa tingin ninyo, may


kinalaman baa ng tao sa mga Merong kinalaman ang mga tao sa mga
kalamidad na ito kahit sinasabing kalamidad na ito. Ito ay dahil sa kawalan
natural ang sanhi nito? ng pakialam ng mga tao sa kapaligiran,
dahil sa kawalang bahala ng tao sa
kapaligiran, nagdudulot ito ng polusyon
gayon na rin ng climate change na
nagiging malaking suliranin sa sector ng
agrikultura.

Dahil nga sa mga bagay na


ginagawa ng tao na nakakasira ng
kapaligiran, nagkakaroon ng
malawakang polusyon at climate
change dahil dito, nagkakaroon ng
malawakang tag-init o el nino at
malawakang tag-ulan o la nina, mas
lumalakas rin ang mga bagyo at
nagdudulot ito ng pagkasira ng mga
pananim ng magsasaka at hindi
makakapalaot ang mga magingisda.
Dagdag pa riyan ang puhunan na
inilaan nila rito kung kaya naman ang
polusyon at climate change ay
nagigig isang malaking suliranin sa
sector ng agrikulltura.

Ano naman ang susunod na


suliranin? Mapanganib na paraan ng pangingisda
po, Ma’am.

Ano naman ang ideya ninyo


patungkol sa mapanganib na paraan Ito ay tumutukoy sa pangingisda na
ng pangingisda? ginagamitan ng dinamita o dynamite
fishing.

Tama! Paano naman ito nagiging


suliranin sa sector ng agrikultura?
Ito ay nagiging suliranin sa sector ng
agrikultura sapagkat sa ang ganitong
paraan ng pangingisda ay nag dudulot ng
Tama! Sino pa ang gusto magbahagi mabilis na pagkaubos ng isda.
ng kasagutan?
Dahil rin sa ganitong paraan ng
pangingisda hindi lamang mga isda ang
mabilis na nauubos pati na ang mga coral
reefs na tirahan ng mga miliit na isda na
siya sanang magiging pamalit sa mga
Magaling! Tama po! Dahil sa malalaking isda.
paggamit ng dinamita at trawl fishing
ng ibang mangingisda ay
namamatay hindi lamang ang mga
isda kundi pati na rin ang mga tirahan
ng mga ito. Marami ang gumagawa
nito upang magkaroon ng mas
maraming huli at madagdagan ang
kanilang kita ngunit mapanganib rin
ito pati na rin sa kanila dahil may
panganib na dala ang mga dinamita
maging sakanilang mga gumagamit
nto.

Nabanggit ko ang trawl fishing may


nakakaalam ba nito sainyo?
Ang trawl fishing ay isang pamamaraan
nang pangingisda kung saan inillagay ang
mg alambat na may mga pabigat sa ilalim
ng dagat. Sa pamaamaraang ito,
bagaman maraming nahuhuling mga
lamang dagat, nahuhuli rin ang mga
maliliit n alamang dagat na wala pa sa
tamang gulang para hulihin kung kaya’t
Pag-usapan naman natin an gating mabilis itong nauubos.
panganim at pinakahuling suliranin
sa sector ng agrikultura, ito ay ang
mabilis na pagkaubos ng mga
kagubatan.

May maari ba’ng maka pagbahagi ng


ideya patungkol dito?
(posibleng sagot)
Ang pagputol ng kahoy ay maaring
magdulot ng pagbaha o di kaya naman ay
landslide na maaring makasira ng mga
Siya nga. Ang pagkaubos ng ating pananim at mga lamang dagat.
kagubatan ay patuloy na nangyayari
at ito ay dahil sa pangangailangan ng
tao katulad sa paggawa ng bahay at
iba pang kasangkapan na yari sa
kahoy. Ang patuloy na pagkaubos ng
ating mga agubatan ay tayo rin
lamang ang lubhang apektado.

May mga katanungan ba kayo


patungkol sa mga suliranin sa sektor
ng agrikultura? Wala po, Ma’am.
Ngayon naman sino ang maaring
makalahad ng anim na suliranin ng ang anim na suliranin sa sektor ng
sektor ng agrikultura? agriultura ay ang Pagliit ng lupang
sakahan at tubig pangisdaan, Kakaunting
bilang ng mga manggagawa, Kakulangan
sa gamit o imprastraktura, Climate
change at polusyon, Mapanganib na
paraan ng pangingisda, at ang Mabilis na
pagkaubos ng kagubatan

Magaling! Ano naman ang maaaring


gawin ng mamamayan upang (posibleng sagot)
maiwasan ang mga suliranin na ito Kailangan ang kamalayan at ang
sa sektor ng agrikultura? partisipasyon ng mamayan sa kapaligiran
pati na rin sa kanyang nasasakupan
upang makatulong sa suliranin na ito sa
sektor ng agrikultura.
E. Pagtalakay ng Ngayon na alam niyo na ang mga
bagong konsepto at suliranin na kinakaharap sa sektor ng
paglalahad ng agrikultura, magkakaroon tayo ng
bagong kasanayan panibagong gawain.
2.
Handa na baa ng lahat para sa Handa na po, Ma’am!
gawain na ito?

Ang ating susunod na gawain ay


pangkatang gawain.

Nais ko na mag bilang kayo


hanggang sa tatlo at ang bilang na
mapupunta sainyo ay siyang
magiging pangkat ninyo.

Maari na kayong magsimula na mag


bilang. (ang mag-aaral ay magbibilang para
sakanilang magiging pangkat)

Ngayong tapos na kayo mag bilang,


maari n akayong pumunta sa inyong
kinabibilanga nna pangkat, pag
bilang ko ng lima ay dapat nakapunta
na ang lahat sa kani-kanilang mga
pangkat.

Isa, dalawa, tatlo, apat………..lima!


(ang estudyante ay magsisitayo at
pupunta sakanilang kinabibilangan na
pangat)
Nasa kani-kanilang pangkat na ba
ang lahat?

Ngayon ay nais ko’ng making ang


lahat para sa inyong magiging
panuto.

Ang bawat pangkat ay may nakaatas


na gagawin. Ang unang pangkat ay
gagawa ng cluster map. Ang
pangalawang pangkat naman ay
gagawa ng advocacy campaign at
ang panghuling pangat ay gagawa
ng slogan. Ang magiging laman ng
inyong gagawin ay mga maaaring
maging solusyon sa mga suliranin ng
agrikultura.

Naiintindhan ba ng lahat ang panuto?


Opo, Ma’am.
May mga katanungan ba kayo
tungkol sa gagawin? Wala po, Ma’am.

Kung ganon ay maari na kayong


magsimula sa inyong gawain.
Mayroon lamang kayo ng 15 minuto
para makumpleto ng gawain.

Criteria:

Cluster Map
Puntos Pamantayan
5 Angkop ang
nilalaman,
maayos ang
presentasyon at
lumahok ang
bawat
miyembro
4 Angkop ang
nilaaman ngunit
hindi gaanong
maayos ang
presentasyon
3 Angkop ang
nilalaman
ngunit hindi
gaanong ayos
ang
presentasyon at
nakikilahok
lamang ang
miyembro pag
nakatingin ang
guro
2 Angkop ang
nilalaman
ngunit hindi
gaanong ayos
ang
presentasyon at
nakikilahok
lamang ang
miyembro pag
hinihikayat ng
guro
1 Hindi angkop
ang nilalaman,
hindi maayos
ang
presentasyon at
hindi
nakikilahok ang
miyembro
Adcocacy Campaign at Slogan
Puntos Pamantayan
5 Angkop ang
nilaman,
maayos ang
presentasyon,
nagpakita ng
pagkamalikhain
at nakilahok at
bawat
miyembro
4 Angkop ang
nilaman,
maayos ang
presentasyon,
nagpakita ng
pagkamalikhain
at nakilahok at
bawat
miyembro
paminsan
minsan
3 Angkop ang
nilaman, ngunit
hindi gaanong
maayos ang
presentasyon,
nagpakita ng
pagkamalikhain
at nakilahok at
bawat
miyembro
2 Angkop ang
nilaman,
maayos ang
presentasyon,n
gunit hindi
gaano
nagpakita ng
pagkamalikhain
, at nakilahok at
bawat
miyembro
1 Hindi agkop
ang nilaman,
maayos ang
presentasyon,
nagpakita ng
pagkamalikhain
at nakilahok at
bawat
miyembro

Tapos na ba ang lahat?


Opo. Ma’am.
Kung ganon ay maari niyo nang
ipaskil ang inyong mga ginawa at
tutungo na tayo sa presentasyon ng (magkakaroon ng presentasyon sa klase)
inyong mga output.
F. Paglinang sa Ngayon naman ay dumako na tayo
Kabihasaan sa ating susunod na gawain.
(Pangkatan na
Gawain) Nais ko na makinig ang lahat upang
maintindihan ninyo ang inyong
gagawin.

Nakikinig baa ng lahat? Opo, Ma’am

Sa isang malinis na piraso ng papel


sagutan ninyo kung gaano kahalaga
ang kamalayan at kooperasyon ng
isang tao sa upang maiwasan ang
mga suliranin sa sektor ng
agrikultura. Isang talata lamang ang
hihingin ko at gagawin ninyo ito sa
loob ng limang minuto.
G. Paglalapat ng Ngayon na tapos na tayo sa ating (posibleng sagot)
aralinsa pang-araw- talakayan, ano sa tingin ninyo ang Ang sektor ng agrikultura ang nagbibigay
arawnabuhay kahalagahan ng sektor ng agrikultura ng malaking porsyento sa kita ng ating
sa ating mga Pilipino? bansa, kapag humina ito ay lubhang
maapektuhan sa negatibong paraan ang
mga Pilipino.

Tama! Tunay nga na malaki ang


ginagampanan ng agrikultura sa
ekonomiya ng ating bansa kung kaya
naman ay dapat nating pahalagahan
ang sektor na ito.

Bilang isang estudyante, ano naman (posibleng sagot)


ang gaagwin ninyo upang Ang simple po’ng pagtapon ng basura sa
makatulong sa pagbawas sa mga tamang lagayan ay pagmamalasakit na
suliraning kinakaharap sa sektor ng sa kapaligiran. Sa simpleng pagtapon ng
agrikultura? basura sa tamang lagayan, ay bawas na
iyon sa mga basura na maaring tangayin
tuwing malakas ang ulan na maaring
makasira ng panim at makapatay ng mga
lamang-dagat.

Paano niyo naman pahahalagahan (posibleng sagot)


ang sektor ng agrikultura? Huwag magsayang ng pagkain. Sa hirap
na dinaranas ng mga nag t-trabaho sa
sektor ng agrikultura, nararapat lamang
na pahalagahan nain ang bawat butil ng
bigas at anumang pagkain na nakahapag
sa ating kainan.

Magaling! Napakainam ng inyong


mga naging sagot. Talaga nga na
may napuot kayong aral sa ating
talakayan ngayon.
H. Paglalahat ng Patungkol naman saan ang ating Ang aralin na ating tinalakay ngayong
Aralin naging aralin ngayong araw? araw ay patungkol sa mga suliranin sa
sektor ng agrikultura.
Tama! Sino ang maaring maka isa- Ang anim na suliranin sa sektor ng
isa sa mga suliranin sa sektor ng agrikultura ay ang Pagliit ng lupang
agrikultura na ating tinalakay? sakahan at tubig pangisdaan, Kakaunting
bilang ng mga manggagawa, Kakulangan
sa gamit o imprastraktura, Climate
change at polusyon, Mapanganib na
paraan ng pangingisda, at ang Mabilis na
pagkaubos ng kagubatan.

(posibleng sagot)
Sino ang maaring makapaliwanag ng Mapanganib na paraan ng pangingisda.
kahit isa sa mga suliranin na Nagiging suliranin ito sa sektor ng
nabanggit? agrikultura dahil sa panganib na dala nito
hindi lamang sa mga lamang-dagt kundi
pati na rin sa mga mangingisda na
gumagamit nito. Ang mapanganib na
paraan ng pangingisda ay pumapatay ng
mga isda pati na rin ang mga coral reefs
kung kaya naman ay mabilis na nauubos
ang mga isda at wala na itong tyansa na
mapalitan pa.

Magaling! Maraming salamat sa


inyong mga kasagutan
I. Pagtataya ng Sa pagtatapos ng ating aralin,
Aralin magkakaroon kayo ng isang
pagsusulit.

Nakikinig pa ba ang lahat? Opo!

Para sa inyong panuto, gagawa kayo


ng isang sanaysay patungkol sa
inyong mungkahing paraan o mga
gawain upang masolusyunan ang
suliranin sa agrikultura. Ang
sanaysay na inyong gagawin ay hindi
dapat sumubra sa dalawang talata.
Gagawin niyo lamang ito sa loob ng
limang minuto.

Naiintindihan niyo ba ang inyong Opo Ma’am.


gagawin?

Maari na kayong mag umpisa.

Kapag tapos na ay maaari niyo nang


ipasa ang mga papel sa unahan.
J. Karagdagang Para sa inyong takdang aralin, kayo
Gawain para sa ay magsasaliksik sa mga epektong
takdang aralin at dulot ng mga suliranin sa sektor ng
remediation kung agrikultura na ating tinalakay. Gawin
kinakailangan ito sa inyong kwaderno at dalhin sa
susunod nating talakayan.

Dyan na nagtatapos ang ating Salamat rin po, Ma’am at magandang


talakayan. Maraming salamat sa hapon!
inyong kooperasyon ngayong araw.
Sa muli, magandang hapon sa
inyong lahat.
V. Mga Tala

VI. Pagninilay

A. Bilang ng magaaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya sa Formative
Assessment
B. Bilang ng magaaral na
nangangailang an ng iba
pang Gawain para sa
remediation
C. Bilang ng magaaral na
nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng
aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Nabatid ni: Inihanda ni:


MR. MARK J. BONIFACIO FRANCIS MEL A. PANTI
Gurong Tagapagsanay Gurong Nagsasanay

You might also like