You are on page 1of 8

Our Lady of Lourdes College

Masusing Banghay – Aralin

Araling Panlipunan

Grade 9

A. Content Standard /Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa


mga pangunahing kaalaman tungkol sa Sektor ng Agrikultura bilang kabahagi sa pagpapabuti ng
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

B. Performance Standard/Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng


mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa Sektor ng Agrikultura ay
nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

I. Layunin
A. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa
ekonomiya at bansa
B. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda at
paggugubat sa bawat Pilipino
C. Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng
D. agrikultura, pangingisda, at paggugubat.
II. Paksa
A. Paksa: Sektor ng Agrikultura
B. Sanggunian: Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral
C. Gamit: Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan:

AKTIBIDAD NG GURO AKTIBIDAD NG


MAG-AARAL
A. Panimula
a. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga


b. Panalangin din po!
c. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum
d. Pagtatala ng liban sa klase
e. Pagbabalik-aral
Class, Base sa ating nakaraang aralin ano - ano ang napapansin niyo sa
larawang ito?

Mag-aaral 1: Ma’am,
ang larawan po ay
may kinalaman sa
pagiging mahirap at
mayaman ng isang
tao.

Magaling!
Base sa larawang iyan may tinatawag tayong Pagsulong at Pag-unlad kung
saan ang PAGSULONG (GROWTH) ay madaling masukat at makita (observable,
measurable) Bunga ng isang prosesong nagpapakitang pagbabago sa isang
ekonomiya. Samantala, at PAGUNLAD (DEVELOPMENT) ay hindi lamang ideya
ng pagbuting ekonomiya kundi ito rin ay sumasaklaw sa dignidad, seguridad,
katarungan at pagkakapantay-pantayng mga tao
Ayon sa ekonomistang si Michael Todaro, ang pag-unlad ay sumasaklaw sa
pagbuti ng pamantayan ng pamumuhay ng tao, pagtaas ng kaniyang tiwala sa
sarili, at pagtatamo ng kalayaang makapamili.

B. Pagtuklas
1. Pagganyak
First 5!
Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumapasok sa isip mo kapag binasa,
narinig o inaawit ang ‘Magtanim ay ‘Di Biro?
Mag-aaral:
Ma’am, palay, gulay,
mga halaman, tubig
at lupa.
Tama!
Bago natin simulant ang ating aralin ngayong araw, ating munang sagutan ang
aktibidad na ito.

Isulat kung ang pangungusap ay Tama o mali.


Mag-aaral:
(pagsagot ng Tama o
Mali)

Base sa aking ginawang aktiviti, ang ating paksa sa araw na ito ay: Mag-aaral 1: Sektor
ng Agrikultura
Magaling!

C. Paunlarin
1. Pagtalakay
Ang agrikultura ay galing sa salitang Latin na agricultura. Ang "agri" ay
nangangahulugang "field" at ang "cultura" naman ay nangangahulugang
"cultivate" o "growing." Ito ay agham at sining sa pagpaparami ng hayop at
halaman.

Pilipinas: Bansang Agrikultural


Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang
ginagamit sa mga gawaing pang agrikultura. Malaking bilang ng mga
mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya. Malaking bahagi ng
ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura.

Saklaw ng Agrikultura
A. Pagsasaka
Ang pagsasaka ay pagbubungkal ng lupa at pagtatanim ng mga buto sa isang
malawak na bukirin.
Dito sa Pilipinas, ang imahen ng pagsasaka ay masasabing luma pa rin at ang
larawan ng isang magsasaka ay mahirap pa rin.
Isang kabalintunaang maituturing sapagkat ang bansa ay tinatawag pa ring
agrikultural na bansa.

B. Pangingisda
Ang pangingisda ay paghuli ng isda sa pamamagitan ng pagbibingwit o
pagbitag.
May tatlong uri ng pangingisda:
1. Pangingisdang Komersiyal - paggamit ng bangkang may bigat na higit sa
tatlong gross ton
2. Pangingisdang Munisipal - pangingisda sa mga katubigang sakop ng
munisipalidad; gumagamit ito ng bangkang hindi hihigit sa tatlong gross ton.
3. Pangingisdang Aquaculture - kontroladong paraan ng pagpoprodyus ng isda
at iba pang yamang-tubig.

C. Paggugubat
Ang paggugubat o forestry, ay isang agham at sining ng paglikha, pamamahala,
paggamit, at pangangalaga sa kagubatan at lahat ng mga yamang
matatagpuan dito.
Sa lahat ng saklaw ng agrikultura, ang paggugubat ang pinakamahirap palitan
dahil sa tagal ng panahong kailangan upang makapagprodyus ng mga punong
sandali lamang ay naani na upang gawing muwebles at tahanan.

D. Livestock Raising o (Paghahayupan)


Ang livestock ay mga hayop na pinalalaki at inaalagaan upang mapagkunan ng
kita o magamit sa personal na pagkonsumo.
Ito ay maaaring mga manok, itik o bibe, pugo, baboy, baka, kalabaw, o
kambing.

Sangay ng Pamahalaan na Tumutulong sa Sektor ng Agrikultura

Department of Agriculture (DA) - Gumagabay sa mga magsasaka ukol sa


makabagong teknolohiya at wastong paraan ng pagtatanim.
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) – Sinisikap na paunlarin
ang larangan ng pangingisda.
Bureau of Animal Industry (BAI) – Nangangasiwa sa larangan ng
paghahayupan.
Ecosystem Research and Development Bureau (ERDB) – Nagsasagawa ng
pananaliksik sa ecosystem upang magbigay ng siyentipikong batayan sa
pangangalaga ng kapaligiran at yamang gubat.

Kahalagahan ng Agrikultura
• Nagtutustos ng pagkain
• Nagbibigay ng trabaho
• Pinagkukunan ng hilaw na material
• Tagabili ng mga yaring produkto
• Nagpapasok ng dolyar sa bansa

Ang estadistika ay mas lalong nabibigyan ng kahalagahan, kung ihahambing


ang mga datos na nakuha sa loob ng iba't ibang panahon at iba't ibang lugar.
Kung titingnan ang kontribusyon ng sektor na ito sa kabuuang ekonomiya ng
bansa, patuloy itong bumababa sa loob ng nakalipas na dekada. Noong 1946,
halos isa sa katlong bahagi (o 29.7%) ng ekonomiya ay nanggagaling sa
agrikultura, subalit sa paglipas ng mga panahon, unti-unti itong nababawasan
kung ihahambing sa iabng sektor ng ekonomiya.
Suliranin sa Sektor ng Agrikultura

Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)


• Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na
inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo,
1988.
• Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang
agrikultural.
• Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural anuman ang tanim
nito sa mga walang lupang magsasaka.
• May hangganan ang matitirang lupa sa mga may ari ng lupa. Sila ay
makapagtitira ng di hihigit sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat anak ng may-
ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka nito.
Ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon.
Hindi sakop ng CARP and ginagamit bilang:
Liwasan at parke
Mga gubat at mga reforestration area
Mga palaisdaan
Simbahan
Tanggulang Pambansa
Paaralan
Sementeryo
Templo
Watershed, at iba pa
Mag-aaral 1: Ma’am
napakahalaga po ng
Pamprosesong Tanong: sektor ng agrikultura
1. Bakit mahalagang sektor ng agrikultura ang agrikultura? dahil tulad nga po
ng nabanggit kanina,
ito ang
tagapagtaguyod ng
2. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ekonomiya ng ating
ng agrikultura? bansa

1.) Paglalahat Mag-aaral 2: Ma’am


Tama! sa aking sariling
Mahalagang malaman natin kung ano ang sector ng agrikultura sapagkat, palagay, tutulong
1. Tinuturing na primaryang sektor ang agrikultura sapagkat dito nanggagaling ako na magtanim ng
ang pagkain at ang mga hilaw na materyal. Bansang agrikultural pa ring maraming gulay at
maituturing ang Pilipinas dahil marami pa ring umaasa sa sektor para sa ibebenta koi to sa
kanilang ikabubuhay, bagama't nasa sektor na ito ang pinakamababang kitang palengke upang
tinatanggap. magkaroon ako ng
2. Maraming suliraning kinakaharap ang sektor ng agrikultura bilang kita at maitaguyod
pinakamahirap na sector sa ekonomiya. Marami na ring hakbanging ang sektor ng
isinakatuparan ang pamahalaan upang isa-isa itong masolusyonan, ngunit, ang agrikultura.
pangangalaga at pagtulong sa sektor ay hindi lamang dapat
na gampanin ng pamahalaan.
3. Mahalaga ang sektor ng agrikultura sapagkat kung ito ay magpapatuloy sa
pag-unlad, mabubuhat nito ang buong ekonomiya tungo rin sa positibong
pagbabago.

Magaling! at dahil lubos niyo ng naintindihan ang ating aralin, magkakaroon


tayo ng mga Gawain.

2.) Paglalapat

Mga Gawain sa Pagkatuto:


Gawain A:
Ipagpalagay na ikaw ay isang mambabatas, ano ang mga posibleng solusyon
ang nais mongihain bilang batas upang malutas ang mga sumusunod na
suliranin sa sektor agrikultura.

Inihanda ni:

JUDY ANN B. PAGA

Praktis Titser

Sinuri ni:

Bb. April Flores

Koopereyting Titser

You might also like