You are on page 1of 3

INDIGENOUS PEOPLES EDUCATION (IPEd) PROGRAM

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


IKA-APAT NA BAITANG
I. Layunin
1. Natutukoy ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa iba’t ibang lokasyon
ng bansa
 Natutukoy ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa kapaligran ng
mga Agta at Agta-Tabangnon.
II. Paksang Aralin

Paksa : MGA PRODUKTO AT KALAKAL NA MATATAGPUAN SA


IBA’T-IBANG LOKASYON NG BANSA
Konteksto : MGA PRODUKTO AT KALAKAL NA MATATAGPUAN SA
KAPALIGRAN NG MGA AGTA AT AGTA-TABANGNON

Mga Batayang Kaalaman ng IKSP


Ang mga produkto at kalakal na karaniwan sa mga katutubong Agta ng Iriga ay
palay, abaka, mais, mani, iba’t-ibang gulay at prutas, mga produktong gawa sa kawayan
at niyog atbp.

Kagamitan : mga larawan ng iba’t ibang uri ng hanapbuhay, mga larawan


ng iba’t ibang produkto at kalakal
Sanggunian : Learner’s Material, pp. 120–126
CG AP4LKE – IIa-1
Integrasyon : Pagmamalaki sa mga produkto at kalakal ng mga
katutubong Agta at Agta-Tabangnon mga gawaing sining.
III. Pamamaraan

A. Panimula

1. Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan ng mga produkto
at kalakal (Katutubong mga produkto at kalakal).

Muling magpakita ng mga larawan sa mga mag-aaral.


Hayaan ang mga mag-aaral na kilalanin ang mga ito.

UBOD NIYOG SUSU


KAMOTENG-KAHOY

LUYA
LANGKA

2. Iproseso ang gawain sa pamamagitan ng pagtanong ng mga sumusunod:


KALUNGGAY
a) Ano-anong produkto at kalakal ang nakikita ninyo sa larawan?
b) Saang lugar matatagpuan o makikita ang mga produkto at kalakal na inyong binanggit?
c) Meron ba nito sa inyong lugar?

B. PAGLINANG
1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang pangkat.
1. Unang Pangkat - Pagsasaka
2. Ikalawang Pankat - Pangingisda
3. Ikatlong Pangkat - Pagmimina
4. Ika-apat na Pangkat - Paghahabi
5. Ikalimang Pangkat - Pag-aalaga ng hayop

2. Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper at panulat. Ipasulat sa bawat pangkat
ang alam nilang mga produkto at kalakal na naaayon
sa hanapbuhay at kapaligiran.
 Ano-anong produkto at kalakal ang makukuha
sa pangingisda? pagsasaka? pagmimina?
paghahabi? pag-aalaga ng hayop?
 Talakayin ang kanilang Output.
3. Magpakita ng mga larawan ng mga kalakal at
produkto sa iba’t-ibang lugar sa bansa gamit
ang Mapa ng mga Produkto ng Pilipinas.

 Ano-anong produkto ang maaring makuha sa Iriga?


Sa Bicol?

4. Talakayin ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa iba’t-ibang lugar sa bansa.


Mga Halimbawang larawan
a. Mayroon bang ganitong produkto at kalakal sa inyong lugar?
b. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga produkto at kalakal na matatagpuan
sa iba’t ibang lokasyon sa bansa?
c. Paano iniaangkop ng mga tao ang kanilang gawain sa lugar na kanilang
kinalalagyan?
5. Pagpapahalaga
 Bigyang pansin ang natataning produkto at kalakal na makukuha sa lokal
(Halimbawa: Katnga at Abaka)
 Paano nyo maipagmamalaki ang mga produkto at kalakal sa inyong lugar?
IV. Pagtataya
A. Magbigay ng 10 produkto at kalakal na maaring makuha sa inyong lugar.
B. Gamit ang mapa ng mga produkto ng ating bansa. Isulat ang mga produkto na maaaring
makukha sa bawat rehiyon ng bansa.

V. Takdang Gawain
Magsagawa ng pananaliksik sa inyong lugar tungkol sa likas na yaman na nagdudulot ng
kapakinabangan at di-kapakinabangan sa ekonomiya ng bansa. Magtanong sa mga taong
nakakatatanda at may kaalaman tungkol dito.
Inihanda ni:

ALEX ZEUS J. BOTOR


Teacher III

You might also like