You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG ARAL-PAN VI

I- Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nalalaman ang pagtangkilik sa sariling produktong Pilipino.
b. Naisasagawa ang pagtangkilik sa sariling produktong Pilipino.
c. Napapahalagahan ang pagtangkilik sa sariling produktong Pilipino.

II- Paksang- Aralin: Pagtangkilik sa Sariling Produktong Pilipino.


Sanggunian : Yaman ng Pilipinas p.p 212-214
Kagamitan: Tsart, Aklat, Manila Paper

III- Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Pagsasanay
Produktibo Produktibo
Sarili Sarili
Pilipino Pilipino
Tangkilik Tangkilik
2. Pagwawasto ng Takdang-Aralin
3. Pagganyak

Pagtatanong:
a. Naranasan niyo na bang bumili ng mga
produktong yari sa sariling atin?
Opo, Ma’am!

b. Naranasan niyo na bang bumili ng mga


produktong yari sa sa ibang bansa?
Opo, Ma’am!
c. Ano ang nararamdaman niyo sa sobrang
pagtangkilik ng iba sa produkto ng ibang bansa?
Masakit pong
pagmasadan minsan.
Hinda po nila
binibigyang halaga
ang pagtangkilik ng
sarilin produktong
Pilipino.

4. Paglalahad
Maraming Pilipino ang mahilig sa mga bagay
na gawa sa ibang bansa. Pakinggan mo ang usapan
ng dalawang namimili sa isang tindahan.

Corine: Gladys, tingnan mo ang mga blouse na ito.


Ang pagkakayari. Ang tela ay jusi at ang mga burda
ay makinis at pinung-pino.

Gladys: Ay naku, di ko type ang mga ganyang


pansuot. Halatang local, hindi imported.

Corine: Ang plastic mo, Insan! Hindi ka ba natutuwa


na may ganito tayong yaring Pinoy? Dapat ipagmalaki
natin ang ganitong uri ng yaring Pilipino.

Gladys: Sabihin mo na ang gusto mong sabihin basta


ako, sa imported pa rin.

a. Pagkatapos mong basahin ang dayalog, ano ang


nararamdaman mo bilang matapat na mamamayang
Pilipino?
Masakit pakinggan
ang ganoong
pangyayari/ sitwasyon
na sinabi ni Gladys.

b. Sino sa dalawang nag-uusap ang may saloobing


makabansa?
Corine

5. Pagtatalakay

 Ang damdaming makabayan ng mga


mamamayan ay naipahihiwatig sa
pagtangkilik ng mga produktong Pilipino.
.
 Ang dolyar ang ginagamit sa pag-aangkat
o pagbili sa ibang bansa ng mga kalakal
tulad ng damit, sapatos, bag at iba pa.

 Ang sector ng produksyon ay nagsisiskap


na mapabuti ang uri ng kalakal o produkto
na yari sa bansa.

 Ang karapatan ng mga mamamayan/ mamimili


ay pinangangalagaan ng BFAD at DTI.

 May malasaki sa pag-unlad ng bansa ang


tumatangkilik sa mga produktong sariling atin.

 Alalahanin sana natin na kapag tinatangkilik natin


ang sariling atin, tataas ang produksyon at
marami ang magkakaroon ng hanapbuhay.

7.Paglalahat
Naintindihan niyo ba ang tinalakay natin
ngayon?
Opo! Ma’am
Magaling! Ngayon, pipili ako ng isang bata mula
sa inyo upang magbigay ng katanungan sa kapwa
niya kamag-aral. Ang batang tinanong ang siyang
sasagot. At, magtatanong uli aiya ng ibang
katanungan sa kawa niya mag-aaral.
Sige, simulan na natin. Simulan mo, Vianne!
Bakit kailangang tangkilikin ang
Produktong Pilipino?
Meljon: Tataas ang produksyon at
marami ang magkakaroon ng
hanapbuhay.
May malasakit ba sa pag-unlad ng
bansa ang mga mamimiling
tumatangkilik sa mga produktong
gawa sa ibang bansa?
Kyle: Wala.
Paaano makikita ang pagiging
makabayan ng mga Pilipino?
Weldreck: Ang damdaming
makabayan ng mga mamamyan ay
naipahihiwatig sa pagtangkilik ng
mga produktong Pilipno.
Anong mga Ahensya ang
nangangalaga sa karapatan ng mga
mamimili?
Evol Mae : BFAD at DTI

Magaling!
Palakpakan!

8.Paglalapat

Sagutin ang sumusunod:

1. May malasakit bas a pag-unlad ng bansa ang


mga mamimiling tumatangkilik sa mga
produktong yari sa ibang bansa? Ipaliwanag mo.

2. Sumulat ng isang dula-dulaan at itanghal sa


klase na may temang: “ bakit kailangang tangkilikin
ang Produktong Pilipino”

IV- Pagkikilatis / Pagtataya

Ibigay ang wastong sagot sa patlang :

1. Ang ginagamit sa pag-aangkat ng mga kalakal sa


ibang bansa ay ang ____.
2. Ipinakikita ng mga mamamayang tumatangkilik
ng produkto ng Pilipino ang pagigig _____.

3. Ang mga pagsisisikap ng sector ng produksyon


ay ukol sa ____ ng mga mamimili.

4. Ang mga mamamiling Pilipino ay bumibili ng


mga bagay na kanilang ____.

5. Sa pagtaas ng produksyon, marami ang


magkakaroon ng ____.

V. Takdang- Aralin
Sagutin sa pahina 213 ang “Isagawa mo” 1-3 sa aklat
na “ Yaman ng Pilipinas VI”. Isulat ito sa inyong kwaderno.

Inihanda ni :
Renalyn Caube Recilla
BEED 2B- STUDENT

You might also like