You are on page 1of 1

December 2, 2013

BANGHAY ARALIN SA ESP



I. Layunin:
Nagagamit ang kalayaan ng may
pananagutan
Nakikitungo ng mabuti sa mga
dayuhang karatig-bansa ng PIlipinas
II. Paksang Aralin
Pagmamahal sa Sariling Bayan at
Pakikitungo ng Mabuti sa mga
Dayuhang Karatig-Bansa
Kagamitan: Tunay na mga sitwasyon
Sanggunian: PELC sa Edukasyon sa
Kabutihan Asal at Wastong Pag-Uugali,
Ikaanim na Grado, 1.4.D p.21
2002 BEC-PELC sa Makabayan (HeKaSi),
Ikaanim na Grado II.A.3, p.6 at 18
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Papagbalik-usapan ang kahalagahan
ng pagtupad ng bawat Pilipino sa
tungkulin sa pagtatanggol sa bansa
laban sa mga dayuhang
mananakop.
2. Ipasagot: Bakit kailangang
pakitunguhan natin ang mga
dayuhang karatig-bansa ng
Pilipinas? Paano natin sila
pakikitunguhan?
B. Pagdedevelop sa Pagpapahalaga
1. Pangkatinsa 4 ang klase
2. Sabihin: Sa loob lamang ng 5 minuto
tulong-tulong na pagbaliktanawan ang
mga nagging impluwensya ng dayuhang
karatig-bansa sa kulturang Pilipino.
Pagkatapos, tuluong-tulong na sagutin
ang mga tanong na sumusunod:
1. Bakit dapat pakitunguhan ng
mabuti nating mga Pilipino ang mga
dayuhang karatig-bansa ng
Pilipinas?
2. Paano natin pakikitunguhan ang
mga Asyano sa karatig-bansa ng
PIlipinas na hindi maaapektuhan
ang kalayaan ng ating bansa?
Ipabigay ang mga pamantayan sa
pagpapangkatang Gawain.
Subaybayan ang Gawain ng bawat
grupo.
Itsek kung nasunod ng mga bata ang
mga pamantayn sa pagpapangkatang
Gawain.
Ipapresent ang awtput ng bawat grupo.
Magbigay ng karagdagang input kung
kailangan.
Ipatalakay: Bilang munting
mamamayang Pilipino, paano kayo
makaaambag sa pakikitungo ng mabuti
sa mga dayuhang karatig-bansa ng
Pilipinas?
C. Aplikasyon
Pagbigyang solusyon ang suliraning
sumusunod: Sumama si Mark sa tatay
niya sa pangingisda. Habang nakasakay
sa Bangka, may nakita siyang ilang
Taiwanese na nagtapon ng mga basura
sa karagatan ng mga basurang galling sa
mga pabrika sa kanilang bansa. Kung
kayo si Mark, ano ang gagawin ninyo?
IV. Formative na Evalwasyon
Isulat sa isang talata ang iyong reaksyon
ukol sa pahayag na nakakahon.







V. Kasunduan
1. Magkasundong tumulong sa
pagpapanatili na mabuting relasyon ng
Pilipinas sa mga dayuhang karatig-
bansa nito.
Tratuhin nang higit pa sa mga
Pilipino ang mga dayuhan sa ating bansa
kahit lumabag sila sa konstitusyon ng
Pilipinas, pabayaan lamang sila upang
mahikayat ang mga dayuhang investor na
namumuhunan ng malaki sa ating bansa.

You might also like