You are on page 1of 4

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IV

PAMANTAYANG PAGKATUTO:
Naiuugnay ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling produkto sa pag-
unlad at pagsulong ng bansa. AP4LKE-IId-4

I. LAYUNIN

Sa loob ng isang oras na talakayan, 85% sa mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nakatutukoy sa mga larawan kung ito’y produktong Pilipino o
produktong imported,
b. nakapapaliwanag sa kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling
produkto sa mga Pilipino, at sa ekonomiya ng bansa, at
c. nakalalahad ng mga gawain o mga hakbang na magtataguyod sa
mga produktong Pilipino.
II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Pagtangkilik sa Sariling Produkto

Konsepto: Ang pagtangkilik sa mga produktong sariling atin ay napakahalaga


sa pag-unlad at pagyabong ng ekonomiya ng ating bansa.

Sanggunian: Julian, A., & Lontoc, N. (2019). Bagong Lakbay ng Lahing


Pilipino 4 (Ikalawang Edisyon). Phoenix Publishing
House, Inc. 927 Quezon Ave., Quezon City

https://www.youtube.com/watch?v=clgeEeJ0GIg

https://www.youtube.com/watch?v=zNTJQE9wsbc

Mga Kagamitan: mga larawan, biswal eyd, mga video, worksheets, at yema
(halimbawa ng produktong Pilipino)

III. PAMAMARAN

A. Paghahanda

a. Mga Gawain:
1. Panalangin at Pagbati.
2. Pagpapalinis ng silid-aralan.
3. Pagtatala ng lumiban.
4. Pagbibigay ng mga alituntunin.
4. Balik-aral.
B. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng isang video sa mga mag-aaral at sabay-
sabay nila itong aawitin. Pagkatapos, ay magtatanong ang guro
tungkol sa kanilang inawit.
1. Tungkol saan ang kanta?
2. Anu-ano ang mga produktong Pilipino na nabanggit sa kanta?
3. Ano ang sinasabi ng kanta tungkol sa produktong Pilipino?
4. Ano sa tingin niyo ang paksang tatalakayin natin ngayon?
(Pagbabasa ng Layunin)
C. Aktibiti
1. Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral at bibigyan niya ang mga
ito ng mga larawan.
2. Ipatutukoy ng guro sa mga mag-aaral ang mga larawang ibinigay;
kung ito ay produktong Pilipino ilalagay nila ito sa kaliwang bahagi ng
talaan, at kung ito ay produktong imported, ilalagay naman nila ito sa
kanang bahagi ng talaan.
Produktong Pilipino Produktong Imported

D. Analysis
Magbibigay ang guro ng mga tanong sa mga mag-aaral tungkol sa
kanilang ginawang Gawain.
1. Pag sinasabing produktong Pilipino, ano kaya ang ibig sabihin
nito? Ano naman ang ibig sabihin ng mga produktong imported?
2. Base sa mga halimbawa ng mga produktong Pilipino na nandito
sa ating talaan, saan kaya natin matatagpuan ang mga produktong ito?
3. Alin naman sa mga produktong ito ang palagi ninyong binibili o
tinatangkilik? At bakit ninyo ito tinatangkilik?
4. Ano ang mas nakakatulong sa ating mga kapwa Pilipino at sa
ekonomiya ng ating bansa, ang pagtangkilik sa mga produktong
sariling atin? O ang pagtangkilik sa mga produktong imported?
5. Paano nakatutulong ang pagtangkilik sa mga produktong
sariling atin sa ating kapwa Pilipino? At sa ating bansa?
E. Abstraksyon
Magpapakita ang guro ng isa pang video, para mas lalo pang
maunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagtangkilik sa
mga produktong sariling atin. Pagkatapos ay tatalakayin ng guro ang
pangkalahatng ideya ng paksa.
Sa pagtangkilik sa mga produktong sariling atin ay mas napapabuti
ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino, nagbibigay ito ng mga
maraming oportunidad sa mga mamamayan at nakakatulong sa pag-
unlad at pagyabong ng ekonomiya ng bansa.
Sa pagtangkilik din sa mga produktong gawang Pilipino ay naipapakita
ang pagtutulungan, pagmamahal sa kapwa at ang pagiging
makabayan ng isang tao.
F. Aplikasyon
1. Magbibigay ang guro ng isang pangkatang-gawain, at ipapangkat
niya ang mga mag-aaral sa lima.
2. Bawat pangkat ay magbibigay ng mga gawain o mga hakbang na
magtataguyod sa mga produktong Pilipino.
3. Pagkatapos maisagawa ang gawain ay ipapaliwanag ito ng buong
pangkat sa harap ng buong klase.
IV. PAGTATAYA
Isulat sa patlang ang salitang WASTO, kung ang mga pahayag ay
nakatutulong sa pag-unlad ng bansa, at ang salitang HINDI WASTO, kung
ang mga pahayag ay hindi nakakatulong sa pag-unlad ng bansa.
_______________1. Nagpabili ng calamay na matatagpuan sa Bohol.
_______________2. Nagpabili ng mga mamahaling sapatos tulad ng
ADIDAS, at NIKE.
_______________3. Nagpadala ng mga pasalubong tulad ng durian candy,
durian tart at jam sa pamilya na nasa Cebu.
_______________4. Palaging kumakain ng mga imported na tsokolate tulad
ng toblerone, at cadburry.
_______________5. Nagpunta sa Davao para bumili ng mga saging na
ibebenta sa Maynila.
_______________6. Paboritong pagkain ang bibingka na mabibili sa Digos.
_______________7. Lahat ng gamit pang-aral ay galing sa ibang bansa.
_______________8. Nagbabakasyon at tinitikman lahat ng mga pagkaing
gawang Pinoy.
_______________9. Bumibili ng mga kwintas na gawa ng mga Manobo.
_______________10. Mahilig mangolekta ng mga mamahaling pabango na
galing pang Amerika.
V. TAKDANG-ARALIN
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang “Reflection paper”, batay sa kung
ano ang natutunan nila sa paksang tinalakay.

Inihanda ni:
Jesa O. Almondia / 3rd year
BEED / Generalist

You might also like