You are on page 1of 1

HEKASI VI

I. Layunin:

 Natutukoy ang mga yamang matatagpuan sa iba’t ibang pook ng bansa sa tulong ng mapang pangkabuhayan

Value: Pagpapahalaga sa ating likas na yaman

II. Paksang-aralin:

Likas na Yaman ng Pilipinas


Sanggunian: PELC IIB3 p. 17
Pilipinas: Bansang Papaunlad, pp. 81-92
http://www.slideshare.net/virgilioparagele/hekasi-mga-produkto-sa-bawat-rehiyon
http://www.slideshare.net/jaredram55/mga-rehiyon-sa-pilipinas-10491850
https://ph.images.search.yahoo.com/search/images
https://www.youtube.com/watch?v=Xr42Fj2FaxA

Kagamitan: Mapang Pangkabuhayan ng Pilipinas, projector, Laptop,larawan, coupon bond, crayons

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Pagsasanay (Puzzle)

Buuin ang larawan at sabihin kung anong likas na yaman ang nabuo.
2. Balik-aral (Interactive Game)

Tukuyin ang uri ng mga likas na yaman

B. Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak
Ipanood ang isang video clip tungkol sa mga angking yaman ng Pilipinas
2. Paglalahad
Ayon sa napanood ninyong video clip, Its More Fun In Philippines, matutukoy ninyo kaya ang mga likas
na yaman sa bawat rehiyon ng ating bansa?

3. Pagbibigay ng mga mapang pangkabuhayan ng Pilipinas. Atasan ang bawat grupo ng rehiyon at subukang
tukuyin ang mga likas na yaman na matatagpuan sa rehiyon.
4. Pagtatalakayan
Bawat grupo ay magbibigay ng mga likas na yaman na matatagpuan sa rehiyong naiatas sa kanila.

5. Magtalakayan sa mga likas na yamang matatagpuan sa bawat rehiyon.

C. Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat
Ano ang masasabi ninyo sa likas na yaman ng ating bansa?

2. Paglalapat
Bawat grupo ay guguhit ng likas na yaman na matatagpuan sa naiatas na rehiyon
3. Pagpapahalaga
Anu-ano ang mga dapat natin gawin sa ating mga likas na yaman sa bansa?

IV. Pagtataya:

Magbigay ng mga dalawang likas na yaman na matatagpuan sa mga sumusunod na Rehiyon:


1. Rehiyon I
2. CAR
3. Rehiyon IV-A
4. ARMM
5. Rehiyon III

V. Takdang Aralin:

Anu-ano ang mga matalino at di-matalinong paraan ng pangangasiwa sa ating likas na yaman?

You might also like