You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA CITY
Baliwasan Chico, Zamboanga City

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IV


Unang Kwarter
ARALIN I: Ang Pilipinas ay Isang Bansa
______ Araw

Pamantayan sa Pangnilalaman:
Naipapamalas ang pag-unawa sa konsepto ng bansa.
Pamantayan sa Pagganap:
Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.

I.Layunin:
Pamantayan sa Pagkatuto:
Natatalakay ang konsepto ng bansa.
Nakapagbibigay ng halimbawa ng bansa.
Natutukoy kung ano ang bansa.
II. PaksangAralin
Paksa: Ang Pilipinas ay isang Bansa
Kagamitan :Mapa, tsarts, slide deck
Sanggunian : Learner’s Material, Aralin 1 pp.2-7
Kto12- AP4AB-Ia-1, AP4AB-Ib-2;AP4AB-Ib-3
PagpapahalagaPagmamalakisasarilingbansa
Integrasyon: MAPEH, ESP, Filipino
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Ipalaro ang “Sakbay, Lakbay, Salakay”
(Isangguni ang panuto sa TG pahina 1-2)
2. Itanong:
a. Ano-ano ang mayroon sa laro na inyong ginawa?
b. Kung wala ang mga bagay na bunubuo sa laro, magagawa kaya ang laro?
c. Sa mga natanggal sa laro, ano ang naramdamman ninyo?
d. Sa mga nanatili sa laro, ano ang naramdaman ninyo?
e. Bakit mahalaga ang makapuwesto ka sa tapat ng papel na may nakasulat na bansa?
3. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral.
4. Iugnay ang sagot sa aralin.
Tulad ng ating nilaro, may mahahalagang bagay na kailangan upang matawag na
bansa ang isang lugar. Iyan ang pag-aaralan natin ngayon.

B. Paglinang na Gawain
1.Pagsagawa ng Gawain ( Jigsaw )
1. Bumuo ng tatlong na pangkat
2. Bawat pangkat pipili ng lider, tagapag-ulatat tagapagsulat
3. Bawat pangkat ay bibigyan ng paksa :tao, teritoryo, pamahalaan, at soberanya o
ganap nakalayaan (home group)
4. Bigyan ng sapatna minute namagtalakayan ang bawatmiyembro ng grupo.
5. Pagkatapos ang bawatmiyembro ay pupunta at hanapin ang kaparehongkulay.
(Expert Group)
6. Bigyan ng panulat at manila paper ang bawatpangkat .Ipasagot ang mgatanong:
- Ano ang Tao?
- Ano ang teritoryo?
- Ano ang pamahalaan?
- Ano ang soberanya o ganapna Kalayaan?
7. Ipaskil sa pisara at ipaulatito.
2. Pagsusuri (Analysis)
1. Itanong:
-Ano ang kahulugan ng bansa?
-Ano-ano ang katangian ng isang lugar para masabing isa itong bansa?
-Bakit maituturing na isang bansa ang Pilipinas?
2. Pagtatakay ( slide deck)
Ang bansa ay lugar o terioryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung saan makikita ang iisa o pare-
parehong wika,pamana,relihiyon at lahi.
 Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na
elemento ng pagkabansa-tao,teritoryo,pamahalaan, at ganap na kalayaan o
soberanya,
 Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga naninirahan ditong tao,may sariling
teritoryo,may pamahalaan at may ganap na kalayaan.

3. Paghahalaw(Abstraction)
Gawain :
Iguhit ang saranggola sa papel. Isulat sa apat na bahagi ng sarangggola na may
bilang ang mga elementong dapat mayroon ang isang lugar para matawag itong bansa. Ipaliwanag
ang bawat isa.

Kulayan ang mga larawan na may kaugnayan sa isang bansa.

4. Paglalapat(Application)
Bakit tinatawag na bansa ang Pilipinas?
Paano mo maipagmalaki ang bansangPilipinas?

IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng katangian ng isang lugar
para maituring na isang bansa.
____1.May mga mamamayan naninirahan sa bansa.
____2.Pinamamahalaan ng iba pang bansa.
____3.Binubuo ng tao, pamahalaan,at tertoryo lamang ang bansa.
____4.May sariling Pamahalaan.
____5.May sariling teritoryo na tuutukoy sa lupain at katubigan kasama na
ang himppapawid at kalawakan sa itaas nito.

Karagdagang- gawain:
Kulayan ang mga larawan na may kaugnayan sa isang bansa.

V. MGA TALA:(Punan ng guropagkatapos ng aralin)

Bilang ng mag-aaralnanakakuha ng 75% napagtataya : _______

Bilang ng mga-aaralnanangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation: _____

VI. PAGNINILAY:

Alin samgaistratehiyangpagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paanoitonakatulong?

Pangkatang Gawain

You might also like