You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of General Trias City
MANGGAHAN ELEMENTARY SCHOOL

Lesson Exemplar in Araling Panlipunan 4 Using the IDEA Instructional Process

Paralan Grade Level Apat


LESSON Guro Learning Area Araling Panlipunan
EXEMPLAR Petsa Quarter Unang Markahan
(Week 1)

I. LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Naiisa-isa ang mga katangian ng bansa
 Natatalakay ang konsepto ng bansa
 Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang
bansa
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pagunawa sa konsepto ng bansa.
B. Pamantayan sa Pagganap Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat ang Natatalakay ang konsepto ng bansa
pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o
MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang  Nakapagabibigay ng halimbawa ng bansa
kasanayan.)  Naiisa-isa ang mga katangian ng bansa

II. NILALAMAN Natatalakay ang Konsepto ng Bansa


III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro TG pp 1 – 3
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- PIVOT 4A Learner’s Material Araling Panlipunan 4
aaral Modyul 1 Week 1 pp. 6 – 8
c. Mga Pahina sa Teksbuk Araling Panlipunan 4 Kagamitang ng Mag-aaral
pp 2 – 7
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal
ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para Mapa ng Asya at Mundo.
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula)
Ang araling ito ay ginawa at isinulat para sa iyo
bilang isang mag-aaral. Ito ay makatutulong upang
matutuhan ang mga konsepto ng bansa. Ang sakop
ng aralin ay magamit sa anumang kalagayan ng mag-
aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa
lebel ng pang-unawa ng mag-aaral na naaayon sa
pamantayan nito. Inaasahan na maipamamalas mo
ang pang-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon
sa mga katangiang heograpikal gamit ang mapa,
matatalakay ang konsepto ng bansa, mabubuo ang
kahulugan ng bansa at maipapaliwanag na ang
Pilipinas ay isang bansa.

Sa araling ito, inaasahang:


1. Matatalakay mo ang konsepto ng bansa
2. Mabubuo mo ang kahulugan ng bansa
3. Maipapaliwanag mo na ang Pilipinas ay isang
bansa

B. Development (Pagpapaunlad) .
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 p6
Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng
pangungusap at MALI kung hindi wasto ang
nakasaad.

Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang


mga grupo ng mga tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggalingan kung saan makikita ang iisa
o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.

Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay


binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa- tao,
teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan o
soberanya.

Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may naninirahan


ditong tao, may sariling teritoryo, may pamahalaan, at
ganap na kalayaan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 p 7


Ilagay sa bawat kahon ang elemento o katangian ng
isang bansa. Gawin ito sa sagutang papel.

Basahin ang apat na elemento ng isang bansa sa


pahina 7
C. Engagement (Pagpapalihan) Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: p. 8
Punuan ang bawat patlang ng wastong salita upang
mabuo ang kaisipan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: p. 8Lagyan ng tsek


(/) ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng
katangian ng isang lugar para maituring na isang
bansa at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
D. Assimilation (Paglalapat)
• Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang
mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan kung saan makikita ang iisa o
pareparehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
• Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito
ay binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa—
tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan o
soberanya.
• Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga
naninirahan ditong tao, may sariling teritoryo, may
pamahalaan, at may ganap na kalayaan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: p. 8


Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik
sa unahan ng bawat bilang. Gawin ito sa inyong
sagutang papel.

Sagutan ang Banghay-Gawain Bilang 1


Gamit ang caterpillar map, isulat ang katangian ng
Pilipinas bilang isang bansa o estado.
V. PAGNINILAY
Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno,
journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na

Nabatid ko na

You might also like