You are on page 1of 17

ARALING

PANLIPUNAN 4
UNANG MARKAHAN

UNANG LINGGO
LAYUNIN:
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang………………
• o natatalakay ang konsepto ng isang bansa.
• o naipapaliwanag ang kahulugan ng bansa.
• o nakapagbibigay ng halimbawa ng bansa.
• o naiisa-isa ang mga katangian ng isang bansa.
Tingnan mo ang globo sa ibaba. Ano ang nilalarawan ng
globong ito?
Bansa
Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga
grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong
wika, pamana, relihiyon, at lahi.
Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay
binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa—tao,
teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan o soberanya.
Mga Elemento sa Pagbuo ng
isang Malayang Bansa
Teritoryo
Ang teritoryo ay tumutukoy sa
lawak ng lupain at katubigan
kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang
tinitirhan ng tao at pinamumunuan
ng pamahalaan.
Tao
Ang tao ay tumutukoy sa grupong
naninirahan sa loob ng isang teritoryo
na bumubuo ng populasyon ng bansa.
Pamahalaan
Ang pamahalaan ay isang samahan o
organisasyong poli tikal na
itinataguyod ng mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng kaayusan at
magpanatili ng isang sibilisadong
lipunan.
SOBERANYA
Ang soberanya o ganap na kalayaan ay tumutukoy sa
kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa
kaniyang nasasakupan. May dalawang uri ang
soberanya.
1. Panloob na soberanya – pangangalaga sa sariling
kalayaan.
2. Panlabas na Soberanya – pagkilala sa kalayaan ng
ibang bansa.
Mga
Halimbawa
Ng
Mga
Bansa
Sa
Asya
May Natutunan ka ba sa aralin natin ngayon?

1. Ano ang kahulugan ng bansa?


2. Ano-ano ang katangian o elemento ng isang lugar
para masabing isa itong bansa?
3. Bakit maituturing na isang bansa ang Pilipinas?
GAWIN MO!
GAWAIN A. Basahin mo ang maikling tula. Bilugan ang
mga salitang nagpapatunay
na ang Pilipinas ay isang bansa.
Pilipinas, Isang Bansa
ni Ynnos Azaban
Pilipinas, isang bansa
Tao’y tunay na malaya
Mayroong namamahala
May sariling teritoryo
Para talaga sa tao.
GAWAIN B. Sa gawaing ito, isulat mo sa watawat ang mga
katangian o elemento mayroon ang
isang lugar upang makabuo ng isang bansa.
NATUTUHAN KO!
I. Subukan natin kong ikaw ba ay may natutunan sa ating aralin. Lagyan mo ng tsek ang kahon
bago ang pangungusap na nagsasabi ng katangian ng isang lugar para maituring na isang
bansa. Gawin mo ito sa iyong modyul.

You might also like