You are on page 1of 1

Study Guide

Agrikultura – batay sa pag-aaral, ang sektor na apektado ang produksiyon dahil sa pagkasira ng mga kalsada, tulay, irigasyon at mga
kagamitan sa pagtatanim ay ang Agrikultura.

CBDRM (Community-Based Disaster and Risk Management Approach) – kailangan ito sa pagharap sa mga hamon at suliraning
pangkapaligiran upang makabuo ng disaster-resilient na mga pamayanan.

Republic Act 9003 – batas na ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng
solid waste sa bansa.

Risk – ang konsepto sa pagbuo ng disaster management na tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian at buhay dulot ng
pagtama ng isang kalamidad.

Solid Waste – suliraning pangkapaligiran na tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersiyal na estabilisimento,
paligid, sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason.

Timeline Events – sa unang yugto ng CBDRM, ito ay ginagawa upang makita kung anu-ano ang mga hazard na nararanasan sa isang
komunidad, gaano at kung alin sa mga ito ang pinakapinsala.

Norms – ang paglabag sa isang patakaran tulad ng “Bawal Tumawid May Namatay Na Dito”.

Gampanin – ang pagkakaroon ng Househusband sa kasalukuyan ay magdudulot ng pagbabago sa lipunan.

Structural Mitigation – pagpapagawa ng kahandaan dahil “ umaapaw ang ilog” ay isang halimbawa ng structural mitigation.

Yamang Gubat - ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang nilalang na nagpapanatili ng balance ng kalikasan.

Social Group – element ng istrukturang panlipunan na tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkatulad na katangian na
magkaroon ng ugnayan ang bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.

Top-down approach – isang approach na lahat ng gawain ay mula sa pagpaplano na dapat na gawin hanggang sa pagtugon ng
panahon ng kalamidad ay inaaasa sa mas nakataas na tanggapan o ahensiya ng pamahalaan.

Norms – tumutukoy sa asal, kilos o gawi na binuo at nagsilbing pamantayan sa isang lipunan.

Kultura – Tumutukoy sa kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng tao sa isang
grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.

Biodegradable – batay sa national solid waste management status report of 2015, ang biodegradable daw ang pinakamalaking uri ng
tinatapon na basura.

Pamilya - ang insitusyong panlipunan na unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang.

Waste – tawag sa mga basura mula sa computer, cellphone at television.

Deforestation – tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan.

Disaster – tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulotng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran at mga gawaing pang-ekonomiya.

Hazard – tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao.

Resilience – ito ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.

Vulnerability- tumutukoy sa mga tao, lugar at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maaapektuhan ng mga hazard.

Vulnerability Assessment – tumutukoy sa kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa
pinsalang dulot ng hazard.

Disaster Preparedness – ang yugto kung saan binibigyan ng sapat na impormasyon at pag-unawa ang mga mamamayan sa dapat nila
gawin bago, habang at pagkatapos ng hazard at kalamidad upang maihanda sila sa mga posibleng epekto nito.

Capacity Assessment – sa unang yugto na Prevention and Mitigation, tinataya nito ang kakayahan at kapasidad ng isang komunidad.

Hazard Mapping – tawag sa isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard at
mga element.

Disaster Preparedness – tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.

Loss Assessment – ito ay tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo o pangmatagalang pagkawala ng produksiyon.

Needs Assessment – ito ay tumutukoy sa pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan,
damit at gamut.

You might also like