You are on page 1of 5

San Beda College Alabang

Alabang Hills Village, Alabang, Muntinlupa City


KAGAWARAN NG PINAGSANIB NA BATAYANG EDUKASYON – SENIOR HIGH
SCHOOL

ISANG PANUKALANG PROYEKTO

WHEATENSILS

INIHANDA NINA:

Anos, Ianne Kelly A.

Magallanes, Robert Christian V.

Magnaye, Darryl Joseph T.

Niguidula, Jadyn

Sebial, Zacharie Monjie R.

INIHARAP KAY:

BB. JOYCE CEAZAR M. CUEVAS

PETSA: NOBYEMBRE 22, 2019


I. PANIMULA

1.1 Pangalan ng Proyekto – Wheatensils

1.2 Proponent ng Proyekto – Kaibigan ng Kapaligiran Org.

1.3 Layunin ng Proyekto


 Nakagagawa ng isang produkto na gagawin sa pamamagitan paggamit ng “Eco-
Friendly” na materyales
 Naipapakita ang kahusayan sa paggawa ng utensils o kasangkapan at
naipapakita rin ang kaibahan nito sa normal na “utensils”, tulad na lamang ng ito
ay “Eco-Friendly”
 Nasusubukan ang produkto at nasusuri ito nang maigi kung ito ay kapaki-
pakinabang
 Nakatutulong sa pagbawas ng basura sa kapaligiran sa pamamagitan ng
paggamit ng “eco-friendly” na materyales sa paggawa ng produkto

1.4 Kategorya ng Gawain – Product Selling

1.5 Petsa

PETSA GAWAIN
December 9, 11, 14, 16 at 18 2019 Pag-isip at pagbuo ng produkto
December 23, 26, 28 at 30 2019 Pagtuloy ng paggawa ng produkto
January 2, 4, 6 at 9 2020 Gamitin ang produkto upang malaman
kung ito ay matibay o magagamit nang
maayos
January 12, 14,16 at 18 2020 Gumawa ng isang papel na nagsasaad
sa kung anong mayroon sa ginawang
produkto
January 20, 23 at 26 2020 Siguraduhing pulido ang paggawa ng
produkto
January 28 at 29 2020 Pagpresenta ng nagawang produkto at
papel

1.6 Kalahok at Tagapangasiwa ng Proyekto


Ang mga kalahok ng pagpupulong na ito ay kahit sino na may pakialam sa
kalikasan. Ang mangangasiwa ng nasabing gawain ay mga environmentalists at
entrepreneurs na rin. Sisikapin din ng mga tagapangasiwa na, mabibigyan ng
oportunidad ang mga magsasaka na makilahok sa pagpupulong na ito, nang sa ganoon
makakatulong sa pagdagdag ng kita nila. Katuwang ng mga tagapangasiwa ang mga
ahensiya ng gobyerno kagaya ng Department of Agriculture (DA), at Department of
Environment and Natural Resources (DENR), na naglalayong rin na mapangalagaan
ang kalikasan. Ipapakilala nila ang nasabing proyekto sa pagpupulong na ito, isang
simple, ngunit malaki ang ambag para maibalik muli ang ganda ng kalikasan.

Mga Kasapi ng Organisasyon:

PANGALAN POSISYON
Anos, Ianne Kelly A, CEO
Magallanes, Robert Christian V. Operations Manager
Magnaye, Darryl Joseph T. Marketing Manager
Niguidula, Jadyn Sekretarya
Sebial, Zacharie Monjie R. Financial Officer

1.7 Lokasyon

Ang pagbebenta ng produktong “Wheatensils” ay gaganapin sa Molito Lifestyle


Center sa Alabang, Muntinlupa City. Matatagpuan ito malapit sa tiangge sa ikalawang
palapag ng nasabing gusali. Ang pagtitinda ay mangyayari lamang mula Lunes
hanggang Sabado ng 9am-8pm. Walang pagtitindang magaganap tuwing may mga
ganap na inanunsyong holiday.

1.8 Rasyonal

Ang krisis na ating hinaharap sa ngayon ay ang pagdagdag ng polusyon sa ating


mundo. Naisip ng mga miyembro ng organisasyong ito ang proyektong ito upang
mabawasan ang pagdaragdag ng kalat na nanggagaling mismo sa mga ginagamit ng
tao sa pang-araw-araw. Ito ay tiyak na eco-friendly at nagagamit muli. Maaari itong
dalhin kahit saan man magpunta. Nais namin na magkaroon ng maganda at ligtas na
kapaligiran ang susunod pang henerasyon.

II. KATAWAN

2.1 Badyet (unang araw ng pagbebenta)

AYTEM YUNIT PRESYO KOMPUTASYON HALAGA


Renta 11 oras 100 kada oras 11 x 100 1,100

Upuan 1 250/pc 250 x 1 250

Lamesa 1 500/pc 500 x 1 500

Raw Materials (sa paggawa ng 100 piraso):

Wheat Straw 50 kilos 15 kada kilo 50 x 15 750


PLA bioplastic 9 kilos 50 kada kilo 9 x 50 450
Kuryente 1500
KABUOAN Php 4550

Nagastos: Php 27 kada produkto

Halaga: Php 50 kada produkto

Kita: Php 23 kada produkto

III. Kongklusyon

Benepisyo:

Madaming benepisyo ang paggamit ng Wheatensils. Sa pamamagitan nito ay


makakatulong ka sa pagligtas sa kalikasan. Makakatulong din ito na mapadali ang
buhay ng mga tao dahil ito ay nasa isang maliit na lalagyan, mailagay sa mga bag at
madala kung saan saan. Nakakatulong ito sa kalikasan dahil gawa ito sa mga "eco-
friendly" na materyales at kapag mayroon ka nito, hindi mo na kinakailangan pang
gumamit ng mga plastik na mga kutsara at tinidor.

Paglalahad:

Ang produktong ito ay makakatulong na mapadali ang buhay ng mga tao habang
sila ay nakakatulong sa pagligtas ng kalikasan. Hinihikayat ng aming produkto na mag
tulungan ang isa't isa sa pag ligtas sa kalikasan kahit sa anong paraan, maliit man o
malaki. Ang pangunahing layunin ng aming produkto ay matulungang maibalik ang
ganda ng kalikasan sa pamamaraang madaming tao ang magiging interesado at
tangkilikin ang aming produkto.

Inihanda nina:

Anos, Ianne Kelly A.

CEO
Magallanes, Robert Christian V.

Operations Manager

Magnaye, Darryl Joseph T.

Marketing Manager

Niguidula, Jadyn

Sekretarya

Sebial, Zacharie Monjie R.

Financial Officer

Nabatid ni:

Bb. Joyce Ceazar Cuevas

Tinitikan ni:

Dr. George A. Lu

Pangalawang Punongguro SDF, SHS

You might also like